Chasing(01) - Annoying Demigod Stalker

215 14 7
                                        

Chasing(01) - Annoying Demigod Stalker

REVISED


Kim's POV

"Arouch naman!" Inis na sabi ko kasabay ng pagngiwi ng hawakan ko yung pisnge ko.

Doble dobleng pasakit ngayung araw ang nakuha ko. Stiff neck at isang walang hiyang tigidig.

Nak ka lang ng petchay oh.

Kala ko taong mga walang alam lang ang mahilig sa sex pati din pala tong mga tigyawat ko. Kawawala lang nung dalawa sa noo ko eh, may dagdag agad. Idol ba nila yung kanta ni vice ganda? Boom karakaraka kung manganak tong mga pimples ko.

Mahal na mahal nila ako at ayaw ako iwanan pwes feeling is not mutual. Ayaw ko sa kanila kahit maging alone ako sa buong buhay ko basta mawala tong mga tigidig ko, okay na.

Bumaba na ako ng kwarto ko at naabutan ko dun si Junjun at Lyka, mga nakababata kong kapatid. Nasan mga magulang ko ayun humimpapawid at bumagsak sa magkaibang bahay pagkatapos nila kaming buuin sa mundo.

Ganda pa nga ng paalam nila eh.

"Nak bibili lang ako ng ulam ah!" Si mama habang may dala dalang bag daw sabi ni Junjun.

"Mga nak, inuman muna kami ng mga kumpare ko ah saka baka dun na rin ako makatulog kaya nagdala na ako ng damit, ge ingat kayo." Sabi ni tatay naman habang may dala dala ding malaking bag sabi naman ni Lyka.

And then boom. Hindi na sila bumalik, ang galing lang di ba? Kaya wala tuloy akong magawa kundi magkayod kalabaw.

"Uy ate, in love ka?" Biglang sabi ni Junjun.

"Ayiiiee, in love si ate." Pangangatong pa ni Lyka habang pinipindotpindot yung pisnge niya.

Enerapan ko silang dalawa.

"Hoy kayong dalawa, tigilan niyo ako at bilisin niyo diyan!" Sigaw ko sa kanila at umupo sa hapag ng pagkainan.

"Nga pala ate pwedeng huminging pabor?" Biglang tanong sa akin ni Lyka.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Pwedeng pakidagdaggan naman yung baon ko te?" Sabi niya pa at nag-puppy eyes.

"Hoy kahit mag-puppy eyes ka pa diyan di ko na dadagdagan yang mga baon niyong trenta pesos abay kay lapit ng school niyo di niyo na kailangan maglakad tapos may baon pa kayo, may pang recess na at pang lunch tapos dadagdagan ko pa baon niyo? San niyo naman dinadala yang trenta pesos na binibigay ko sa inyo?! Sipain ko kayo diyan eh."

"Ay ang damot talaga ni ate." Parehong komento nila kaya enerapan ko na lang silang dalawa. Magkapatid na to mana... sa ate.

"Saka kabayo ka pala ate, naninipa ka." Dagdag pa ni Jun.

"Hoy Junliit ka, dami mong alam. Mukha na nga akong hipon mukha pa akong kabayo, anong peg ko? Seahorse! ng aasar ka ba? Gusto mo bang bawasan yang baon mo?" Inis na saad ko sa kanila.

Grabe talaga tong dalawa kong kapatid. Mapanglait, kung hindi ko lang sila mahal naku matagal ko na silang sinipa.

"Hehehe si ate, sa totoo naman talaga niyan mukha kang aso te."

"Aso?"

"Yung K9." K9? Okay na rin pero gusto ko sana Golden Retriever pero okay na yun. Cute din naman ang K9 eh.

"K9-in ng galis, hahaha!"

"Ano!" Sigaw ko at hinabol sila pero nakaalis na ang mga kolokoy. Sira ulo talaga yung mga kapatid kong yun.

Daming alam! Nauto nila ako doon ah! Lagot sila sa akin mamaya, babawasan ko ng limang piso yung baon nila at ang etchos pa nila ah may padagdag pang baon silang nalalaman. Sipain ko sila ng mahiwaga kong paa eh.

Pagkatapos kong kumain ay nagbihis ako ng pang alis and syempre naligo ako ng bonggang bongga. Mamamalengke kasi ako sakto nga ngayun dahil day-off ko sa pagiging sales lady.

Pagkalabas ko ng bahay ay agad na bumungad sa akin ang napakagandang labas at ang mabangong hangin at di yun biro. Sa isang magandang subdivision lang naman kami nakatira dahil bago kami layasan ng magulang namin eh may naipundar silang magandang bahay dito sa isang napaka-gandang subdivision na katulad nito.

Kaya medyo nakakaluwag luwag ako dahil kuryente, tubig, pagkain, baon ng dalawa kong kapatid at sa tuwing may project sila nagagastos yung pera na sinasahod ko.

Kasyang kasya naman yung ₱3000.00 na sinasahod ko at bilang part time na waiter sa bar na ₱1, 500.00 per week kahit na lagi akong nalalait dahil sa mga impakta at impaktong mga lasing dun, naku kung hindi nga lang ako matatanggal sa trabaho ko winushu ko na sila.

"Good morning sun--- anong ginagawa mo dito?!"

Ang ganda na ng araw ko ng bigla na lang may sumulpot na matcho dancer sa harapan ko, jokie lang. Di naman siya matcho dancer, he's my freaking stalker. Yeah, stalker. Kala niyo mga magaganda lang nagkakaroon ng stalker pati ring mga katulad ko no.

Pero sorry siya. Kung yung iba baka parang sinilihan ang pwet sa kilig dahil sa kanyang ma-ala demigod na katangian. Pwes, ako hindi! Dahil peksman, mamatay man mga tigidig ko hindi ako naniniwala sa True Love o sa kahit Anong love love na yan.

Except sa pagmamahal ko sa dalawa kong makulit na kapatid.

Saka duh, sinong maniniwala na ang katulad niya gusto ako. Ano to Beauty And The Beast at Shrek ang peg. Haller. 2014 na kaya. Puro physical attraction na lang ang nararamdaman ng karamihan.

"Para dalawin ka, and good morning." Ngiting bati niya sa akin.

Sinimangutan ko naman siya. "Kung kanina good ngayun bad na alam mo. Ang lakas din kasi ng trip mo eh no? Hinithit mo ba utot mo at nagkakaganyan ka. Saka kung pwede iba ang pag-tripan mo wag ako, wala ako sa mood." Inis na sabi ko at hinawi ko siya.

Lakas ng trip nitong kolokoy na to. Kay yaman yaman di siya bumili ng babaeng mapapag-tripan.

Natigil ako sa paglalakad ng humarang na naman siya ulit sa nilalakaran ko. Napahilamos naman ako sa mukha. Ang kulit din ng isang to.

Tinitigan niya lang ako sa mata at hindi nagsalita. Nailang ako kaya sinigawan ko siya.

"Ano bang ginagawa mo?!"

"Tinititigan ka." Sagot niya habang titig na titig yung mata niya sa mata ko.

"At bakit naman?"

"Malay mo makuha kita sa tingin." Bigla naman akong natawa sa sagot niya ang lakas din ng topak ng mayaman na to eh no.


May nalalaman pa tong makuha ka sa titig. Gusto niya tusukin ko mata niya?

"Dami mong alam." Inis na sabi ko at hinampas ko siya ng basket na dala ko.

"Aray!" Sigaw niya.

"Kasalanan mo yan, kalaki laki ng daanan haharang harang ka sa dinadaanan ko." Sagot ko at nagsimula na ulit maglakad papunta sa sakayan ng tricycle pero nakasunod pa rin sa akin yung loko.

"Hoy, Alexander Lim please lang ah! Stop following me! Okay." Iritadong sigaw ko dito.

"At bakit naman ko naman gagawin yun? Di ba nga ang sabi follow your dreams, eh ikaw ang dream ko kaya susundan at susundan kita."

Such a lame.

Pero aaminin ko medyo kinilig ako.

Argh! Etchos lang yun! Di ako kinikilig sa mga lame na banat!

Hinarap ko siya at nginitian ng bongga at wala akong pake kung mas lalong lumitaw yung mga black heads ko, mas maganda ngayun para mandiri siya at layuan na ako. Nakakairita siya.

"Alam mo magnanakaw ka pala." Napangiti naman siya sa sinabi ko.

Ulol siya kung akala niya nahulog na ako sa kanya at kikiligin siya sa sasabihin ko, well no. Asa siya.

"Bakit? Kasi nanakaw ko na puso mo?"

"Hindi gago! Kasi ang sarap mong barilin at ikulong!" Inis na sagot ko dito.

"Hard, pero gusto ko yung ikulong. Free na free, basta siguraduhin mo lang na sa puso mo ako ikukulong." Malanding sabi niya.

Dinirty finger ko lang siya ng mabilis at tumakbo na ako papalayo sa kanya. Pero bago ako tuluyan makalayo may sinigaw siya ng mas lalong ikinairita ko at ikinapula ko.

"You can run and hide to me Kimberlyn Chui but you can't escape at me my dearrest love!"

Argh! Why i have an annoying demigod stalker?

---

Vote please.

And spread your opinion tungkol sa aking kwento.

Chasing Ms. Panget (Revised Prologue-Chap.2)Место, где живут истории. Откройте их для себя