Chasing(02) - Love Me Back
Kim's POV
"You can run and hide but you can't escape to me." Inis na bulong ko habang nakasakay sa jeep.
Nakakainis na lalaking yun. Daming alam! Isalaksak ko sa kanya tong basket eh. Kay gwapo gwapong lalaki sa akin pa ma-i-in love.
Duh simula ng mangyari ang kalagim lagim na pangyayari sa buhay ko di ko na nagawa pang maniwala sa love love na yan. Na ang kada prinsesa ay may prinsepe. Sus, utot lang nila yun!
Bitter kung bitter! Im stating the truth lang naman.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmo-monologue sa isipan ko ng biglang may naki-epal.
"Miss, okay ka lang? Kanina ka pa diyan bulong ng bulong habang nakasimangot tapos iling ka pa ng iling?" Nagtatakang tanong nung babae.
Napatingin namn ako sa mga pasahero at lahat sila naka-tingin sa akin.
OMG, nakakahiya!
"O-okay lang ako." Nahihiyang sabi ko at iniyuko ko na lang yung ulo ko dahil sa kahihiyan.
Nakakainis nakalimutan kong nasa jeep pala ako mukha tuloy akong may sira sa ulo. Brrr. Nakakahiya tagos to the bones! Kasalanan to nung Alexander na yun eh. Kung ano ano ang pinagsasabi, naapektuhan tuloy tong pagi-isip ko.
Nahihiyang may kahalong inis na bumaba ako ng jeep dahil nga sa kahihiyan na nangyari sa akin sa loob ng jeep.
"Argh! Im gonna wreck your neck Alexander pag nagkita tayo!" I cursed habang naglalakad ako papaloob sa palengke.
---
Dalawang araw na ang nakakaraan at imbes na makapag-pahinga ako eh na-imbyerna ako, daig ko pa ang hinulog sa impyerno. Kaw ba naman bulabugin sa araw at gabi na nagdaan, sinong di maiimbyerna?
"Pwede ba Alexander Lim! Kahit lang naman ngayun o tigilan mo ako!" Mahinang sabi ko pero bakas dito ang inis sa pagkasabi ko nun.
"Saka wala ka bang trabaho ha?!" dag-dag ko pa.
Ngumiti siya at tumango tango. "Meron."
"Meron pala eh, anong ginagawa mo dito?"
"Ginagawa ko yung trabaho ko." napataas yung kilay ko sa sinabi niya.
"Anong ginagawang trabaho? Eh wala ka namang ginawa kungdi ang sundan lang ako kung saan ako pupunta?"
"Chasing you is my work, so anong hindi ko ginagawa ang trabaho ko?"
What the F!! Ako? Trabaho niyang habulin? My ghosh. Nakatira na naman siguro to ng utot.
