Mika sighed.

Mika: Alam mo, ilang days ko ng pinag-iisipan na puntahan si Audrey para kausapin pero kasi si Jeron..

Ara: Ay naku, yan ang wag na wag mong gagawin. Paano kung saktan ka ng baliw na yun dun? Magagawa mo bang mag-demanda, eh baliw yung nirereklamo mo.

Binatukan siya ni Mika.

Mika: Kahit kailan talaga yang mga reaksyon mo OA. Actually, kayong lahat. Daig niyo pa yung mga writer sa pelikula, eh. Ang lawak, alam mo yun?

Ara: Ah basta! Wag kang pupunta dun kundi isusumbong kita kay Jeron. Tsaka hello! Gusto mong masermonan ulit? Di ba nga sabi ni coach dorm arrest din muna tayo.

Tinignan siya ni Mika ng nakakapangloko.

Ara: Ay ay ay... wag mo kong tinitignan ng ganyan. Hindi mo ko madadaan diyan.

Mika: Arabels, sige na please? Pagtakpan mo nalang muna ako, please? Ngayon lang naman, eh. Tsaka hindi talaga ako mapakali, eh hanggang hindi ko nase-settle ang lahat. At isa pa baka ito pa yung maging dahilan para tuluyan na kong ma-out of focus sa laro natin. Gusto mo ba yun? Di ba hindi? Kaya please, tulungan mo nalang ako.

Ara: Hay! O, sha sige na. Basta bilisan mo lang, ah. Sabihin kong may binili ka lang.

Mika: Hindi. Sasama ka.

Ara: Ano?!

Wala pa silang isang oras sa daan, ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon - ang bahay ni Audrey. Ilang minuto din ang ginugol nila sa paghahanap ng nasabing subdivision.

Nasa loob sila ngayon ng sasakyan. Naka-park ito sa di kalayuan. Si Ara ang sa driver's seat.

Ara: First time kong minaneho 'tong sasakyan mo, ah. Infairness magaan. Hihi.

Mika: Parang wala yatang tao.

Ara: Ha? Saan ba naglalagi ang tao? Di ba sa loob? Alangan naman sa labas.

Mika: Tama na nga ang biro.

Ara: Oops, sarreh. Anyare sa'yo? Bakit ka umaasta na para bang aakyat ka ng ligaw? Bipolar ka din, eh.

Mika: Ano? Normal lang po ang kabahan.

Ara: Eh, sino ba kasi ang may gusto na pumunta tayo dito? Di ba, ikaw?

Mika: Ako nga, pero di ko naman sinasabi na wag na tayong tumuloy. Ang sabi ko lang parang walang tao. Ok?

Ara: Edi galit ka na niyan?

Mika: Ano ba Victonara?!

Ara: Oo na po. Kumatok na kasi tayo dun para matapos na 'to. Baka mamaya hinahanap na tayo sa dorm. Wala pa tayong pahinga, huy.

Mika: Tara na nga.

Meanwhile...

Thomas: Bro, handa ka na ba yung banner mo sa Sabado?

Natatawang sabi ni Thomas ng maalala ang ginawang kabaduyan dati ng kaibigan nung finals.

Dave: Tama. This time mas makakapag-cheer tayo dahil wala tayong game.

Thomas: Oy, bro! Andito ka ba? Tulala ka yata.

Jeron: Ah... masakit lang ulo ko.

Dave: Sabihin mo nalang kasi samin na bothered ka lang dahil sa nangyari kay Audrey. You know what, I can't believe talaga na hahantong siya sa ganitong sitwasyon. I mean, look at her, pantasya ng maraming lalake tapos biglang nabaliw dahil sa isa pang "pantasya" rin ng marami. Hahaha!

Jeron: Tigilan niyo nga ako.

Thomas: Bow hands na talaga kami sa kakisigan mo, bro. Iba ka!

Hindi na kumibo pa si Jeron.

Dave: How is she, ba? Tinatawagan ka pa din ba niya? Grabe lang talaga. Until now hindi parin ako maka-move on sa mga happenings. Kahit mga blockmates ko, yun din ang bukam-bibig.

Thomas: Right. She even gained more popularity. Ano nga yung hashtag sa kanya sa Twitter. Hmm, curious ako kung magte-trend yun. Grabe ang mga tao.

Dave: As in malala. Parang sirang-sira na nga image niya, eh. Tsaka...

Jeron: Stop it! Don't make fun about it, ok? Seryoso yung nangyari sa tao.

Nagkatinginan sina Dave at Thomas. Nabigla yata sila sa tono ng boses ni Jeron.

Dave: Sorry. It's not what we meant. It's just that...

Jeron: It's just that, masyado niyong jina-judge yung tao. Hindi natin alam kung ano ang mga pinagdaanan niya kaya wag naman natin siyang husgahan agad.

Napayuko ang dalawa.

Jeron: Oo, puro negative ngayon ang comments sa kanya sa social media. And yet, both of you are happy for that? Hindi niyo man lang ba naisip na nada-drag din yung pangalan ko, ha? Ano ba naman kayo. Minsan naging kami nung tao tapos hindi niyo siya nirerespeto? Kahit sakin nalang.

Yun lang at walang pasabing umalis si Jeron. Halata naman sa mukha nina Dave ang pagkagulat.

Dave: Ang daldal mo kasi, eh.

Thomas: Bakit ako?

The Charmer & The Sweetheart (A JeMik Fanfic)Where stories live. Discover now