TCTS 2 Chapter 3

270 5 0
                                    

A/N: Starting from this chapter, you are no longer gonna encounter Aby, Ara, Michelle, Cienne and other of Mika's friends as  what you have read from the previous chapters. Masyado na silang busy and in-demand sa ibang mga stories, kaya pinag-pahinga ko muna. ツ

I also li-low the parts of Bryan and Thomas - Jeron's friends.

Pero maiintindihan niyo pa din naman ang flow ng story kasi hindi ko naman siya totally binago.

May dinagdag at idadagdag lang ako to give spice, so kapit lang. ツ






MIKA

Nakaupo ako sa cottage ng school ng mapansin 'kong papalapit na si Lira sakin. Himas-himas niya 'yung laptop niya.

Usapan namin na dito na magkikita before first class.

Nakita kong bumusangot ang mukha niya ng biglang masiko siya bahagya nung isang lalakeng kasabayan niya.

"Oops, sorry." dinig kong sabi nito.

"Sorry-sorry. Isa ka pa." baling niya 'dun sabay irap.

Sira talaga 'to.

"PMS ka ba?" approach ko habang natatawa ng makaupo siya.

"Hay naku, badtrip ako. Ano bang meron sa mga tao at parang nabubulag na yata sila."

"Bakit ano na naman ba?"

"Hindi ko na mabilang kung ilang mga tatanga-tanga na ang nakabundol sakin sa paglalakad. Mga bwesit. Tignan mo 'tong laptop ko." pakita niya sakin.  "Di ba mahal ang bili ko dito? First time 'tong nalaglag kanina, buti nalang kamo umandar agad. Kung hindi baka pinukol ko 'to dun sa ulo nung jejemon na 'yun, eh." walang preno-preno niyang sabi.

"Baka naman hindi kalang nakita."

"Hello? Pang Kendall Jenner ang height ko, hindi ako nakita? Ano 'yun? Ang sabihin mo, para silang mga feeler  na kung hindi nagte-text, eh tumatawag habang naglalakad. Putek, hindi mabitawan ang cellphone."

Natatawa talaga ako sa reaksyon niya lagi, pramis.

"Tatanda ka agad niyan, eh. Easy kalang okay? Next time, sitahin mo agad para matuto."

"Talaga! Ako pa ba? Oy, nga pala. I'll remind lang yung lakad niyo mamaya nung jowa mo, ha."

"Ano? Paano mo alam?"

"Magkasabay kami kaninang umaga sa gate. Sabi niya i-remind daw kita."

"Grabe, ulyanin na ba talaga ang akala niya sakin?"

"Eto naman, shempre excited lang 'yun. Ilang beses na kaya kayong hindi natutuloy sa mga lakad niyo. Tsaka... kumain ka na ba? Tara kain muna tayo."

Tsk! As usual, ginugutom na naman siya.

"Di ba, sabi mo sakin bago tayo magkita ngayon na kakakain mo lang ng siomai sa foodcourt? Ano 'to gutom ka agad?"

"Mabilis ang metabolism kaya ganun. Tara na, please? Hindi naman siguro issue kay Jeron kung mag-gain ka ng konting weight. Tsaka  bastante ka naman sa training kaya for sure sexy ka pa din.  Tara?" sabay kindat sakin.







JERON

"Bro, tara let's eat." sabi ni Dave after morning practice.

"Sige, tayo sa cafeteria."

"Nope, I mean let's food hunting. May bagong bukas na restaurant malapit lang dito. Sa kanila ng pinsan ko 'yun. Tara, let's try it."

"Like now? Magpapagupit pa ko ng buhok then I'll buy Ye a gift. Ba't di mo nalang muna ako samahan tas daan nalang tayo dun?"

"Buy her a gift? Magpapagupit? Hala, bakit nag-away ba kayo?"

"Loko! Magpapa-trim lang ako. First anniversary namin ngayon."

"Oh really? Grabe, ang bilis naman ng panahon. Parang kailan lang naging kayo, ah. Well, congrats bro. Iba ka, matagal-tagal na din palang nagtitiis si Mika sa'yo."

Agad ko siyang siniko sabay tawa naman nito.

"Hindi mo lang alam pero patay na patay sakin 'yun. Hindi niya lang pinapahalata dahil medyo pakipot. Excited nga 'yun sa date namin mamaya, eh. Tignan mo ang dami niya ng mga text dito, o." Labas ko sa phone ko. Bigla siyang ngumiwi. "Hindi ka naniniwala? Pakita ko pa sa'yo, eh."

"Fine! Fine! I believe you na. Bilis na nga, tomguts na ko eh, may papakilala pa 'ko sa'yo."

"Tsk! Matagal na 'kong dumistansya sa mga ganyan, dude. Kontento na 'ko."

"Anak ng! Iba 'to."


The Charmer & The Sweetheart (A JeMik Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon