“Dmamit Barbie! Wala akong paki alam kung mahawaan man ako ng sakit mo o hindi .. ang importante sakin yung kalagayan mo . tell me all bout your sickness ..” utos ni Clifford.

“Handa na yung hapag .. kumain na kayong dalawa .. mamaya na kayong magusap alam kong namimiss nyo ang isa’t isa ..” muling dumungaw  mula sa kusina ang tita ni Chelsea.

“Kumain muna tayo ..”  naunang tumayo si Chelsea .. ngunit agad din syang hinugot ni Clifford paikot sa kanya .. hindi inaasahan ng dalaga ang ginawa ni Clifford ..

“Mahal kita ..” ibinaon ni Clifford ang mukha ni Chelsea sa dibdib nya .. making sure that she’s safe with his arms .. “Wag mo na akong iiwan please?” tanong ni Clifford na may halong pag mamakaawa.

“Promise .. I won’t ..” hindi alam ni Chelsea kung bakit sya naiiyak .. dahil basa mabilis na pagbabago ng trato ni Clifford sa kanya .. o dahil sa hindi nya alam kung matutupad nya ang pangakong hindi nya ito iiiwan 

Hindi sya sigurado .. she’s afraid na bigla na naman syang mawala at iwanan si Clifford .. but no matter what .. pilitin nyang maging Masaya .. atleast .. masaya sya.

Magkahawak kamay silang pumunta sa kusina at kumain.

--

“Kanina pa kita inaantay bakit ngayon ka lang?” naka cross arm si Clinton ng salubungin sya nito.

“Wag kang mag galit galitan di bagay sayo .. ‘ irap nya sa kakambal ng madaanaan nya ito.

Para naman biglang  nakarinig ng director’s cut si Clinton at nagmamaktol na sumunod sa kapatid.

“Ehhhhh .. naman kasi Cliff! Si Venus galit pa din sakin! Anong gaagwin ko? Nakikpag break na nga yung tao sakin eh? Baka mamaya totohanin  nya yun? Anong gagawin ko?” saka pa ito humikbi na parang batang nawalan ng candy.

Napantingin sya dito .. nakaupo ito sa kama nya habang nag kukuskos ng mata ..

“Para kang tanga Clint! Para kang di lalaki tss .. ang pangit mo umiyak!” sabay  bato sa kanya ng tshirt nya na ginawa lang nitong singahan.

Nailing lang naman sya sa inakto ng kapatid .. pero napangiti din naman sya ng maaala aang nangyari sa kanila ni Chelsea .. iisa lang talaga ang babaeng nagpapaiyak sa kanya at nagpapalambot .. si Barbie .. he can’t imagine his self while crying .. doon nya narealize na walang ibang may ari ng puso nya kundi si Chelsea lang .. her Barbie ..

Nang humarap sya kay Clinton ay nakita nya itong nakadapa habang umiiyak at kumakawag pa ang  mga paa .. parang kiti kiti na hindi mapakali ..

Nailing na pumasok sya sa  bathroom  ng kwarto nya para maligo ..

Natapos na sya lahat lahat ay hindi pa din natitigil umiyak si Clinton.

“Hoy Clint! Wag ka ngang maingay! Baka marinig ka nila Dad! Baka sabihin noon inaaway na naman kita!” hinampas nya ito ng  unan nya.

“I can’t take it .. Cliff .. hindi pa kami nag anniversary ni Venus! Why? O why? Bakit napakasaklap naman ng lovelife ko?” at muli na naman tong humgulgol.

Hinawakan nya ito sa kamay at tinayo .. “Psh .. doon ka na magmaktol sa kwarto mo .. wag kang manggulo dito ..” hinatid nya ito hanggang labas ng kwarto nya.

“Teka bakit feeling ko ang saya mo? Unfair! Unfair!” saka nya sinara ang pintio bago pa ulit ito makapasok sa kwarto nya.

Hindi naman sya agad natulog ng mapalabas ang kambal. Dumiresto  sya sa study table at agad na sinalpak ang memory card nya sa card reader .. he start printing the picture he take a while ago ..

Picture ni Chelsea while she’s smiling sweetly .. in font of the TV. She didn’t know about that.   Matapos nyang map print ay nakita nya ang isa sa mga picture frame sa ibabaw ng side table nya .. litrato lang naman nya iyon .. kaya pinalitan nya at inilagay ang picture ni Brabie doon.

“Goodnight my Barbie ..” nakangiting nyang sabi .. ngayon alam nya na ng tunay na pagmamahal.

How fast?

--

Parang zombie na bumaba si Clinton sa kanilang hagdan patungo sa kusina ..

“Anak .. bakit naman ganyan nag hitsura mo? “

“Mameh!! Nasaan ang taksil kong kapatid?”

“Ha? Taksil? Bakit anong  nagyari sa inyong dalawa? Saka naligo ka ba?  Anak naman bakit ka nagkaka ganyan?” nag aalang tanong ni Karla na mommy ni Clinton.

“Mommy .. galit si Venus sakin .. akala kasi nya hinahalikan ako nung EX ni Cliff!  Mommy what I’m gonna do?!” tila nawalan na ng patutunguhan ang buhay ni Clinton.

“Ano ba yan Clinton .. kung makaiyak ka akala mo break na agad kayo .. oh eto pera .. bumili ka ng regalo para kay Venus .. go ..” utos ng daddy nya.

“Talaga Dad? Sa tingin mo magbabati na kami?”

“Depende kung maliligo ka at aayusin mo ang hitsura mo ..”

Nagmamdali naman na umakyat si Clinton para ayusin ang sarili nya .. naniniwala syang magiging ok na din sila ni Ve nus.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Where stories live. Discover now