Sa sinabing iyon ni Chelsea ay mas lalong gumulo ang isip ni Clifford ..

“Look at me Ken .. Look at me .. may iba ka na bang mahal? Wala na ba tayong pag asa? Wala  na bang saysay yung pag uwi ko? Tell me ..”

“Di ko talaga alam Chelsea .. please .. give me a time ..” inalis ni Clifford yung kamay ni Chelsea na nakahawak sa kamay nya .. pero sa ginawa nyang iyon .. nanumabalik lang sa isip nya yung mga oras na nasa tabi nya lang ang dalaga .. bigla syang nakaramdam ng pangungulila sa dalaga .. para syang biglang binuhusan ng malamig na tubig sa isipin na yun .. miss nya na pala ang Barbie ng buhay nya ..

Napapikit sya habang hawak ang mga kamay ng dalaga .. pinakawalan nya ang nararamdaman nya sa pamamagitan ng paghalik sa mga kamay nito na hawak hawak nya .. hindi nya na pala kailangan ng oras para itanong sa sarili nya na  walang nagbago .. mahal pa rin nya ang dalaga .. hawak pa din nito ang puso nya ..

“Barbie ..” sambit nya habang nasa mga labi ang kamay nito .. wala na din nagawa si Barbie kundi ang maiyak ng maramdamn ang ginawa ni Clifford.

--

Pumarada ang bigbike ni Clifford sa isang bungalow na bahay .. iyon ang tinutuluyan ni Chelsea .. inihatid nya ito pagkatapos ng pagtatapat nito ..

“Pasok ka muna ..” aya nya dito ..

Napangiti na lang sya .. just like the old times .. papasok at mgakakape sya sa loob ng bahay nila Chelsea.

“Kasama mo na ang parents mo?” tanong nya ng pumasok sila sa mababang gate ng bahay.

“No. Ako lang saka si Tita Sasa ..” binuksan nito ang bahay at nadatnan nila ang isang matandang babae na nanonood ng TV.

“Ken!” biglang napatayo ito at namimilog ang mga mata na napatingin sa kanya.

“Uhmm .. good evening po ..”  pagbibigay galang ni Clifford sa babae kahit na nagtataka sya kung bakit sya kilala nito.

“Uhm Ken si Tita Sasa pinsan sya ni Daddy .. uhm you must wondering kung bakit ka nya kilala ..”

“Nako .. Ken .. sino ba naman hind makakilala sayo .. kahit nga ang doktor nya sa America at mga staff nurse doon, kilalang kilala ka, kahit nasa operating room sya at bago mawalan ng malay ikaw lang ang tinatawag nya .. kahit nga litrato mo hawak hawak nya ..”

‘Tita ..” saway ni Chelsea ng Makita nag pagbabago ng hitsura ni Clifford.

“Ay pasensya na .. ang daldal ko talaga .. teka ipaghahanda ko kayo ng hapunan ..” umalis ang tita ni Chelsea at pumunta ng kusina.

“Maupo ka muna .. “ sabi ni Chelsea na dinaan na lang sa ngiti ang kaba nya.

Kilala nya si Clifford .. malamang sa malamang .. magsisimula na itong magtanong  tungkol sa mga nangyari sa kanya simula ng umalis sya.

“What?” kinakabahang tanong ni Chelsea ng makitang nakatingin lang ito sa kanya.

“Magaling ka na ba talaga?” tanong nito at naramdaman nya ang malambot at mahahabang daliri nito na humahawak sa pisngi nya.

“Oo naman .. healthy na ako .. don’t worry about me ..” naknagiti nyang sagot.

“Chelsea anak .. nainom mo na ba yung gamot mo? Hindi mo ba nakalimutan ?” singit ng TIta nito na sumilip galling kusina  .. nanatiling nakatingin sa kanya si Clifford  habang sya naman ay napangiwi.

“Yung totoo?” ulit ni Clifford. Napatuwid ng upo si Chelsea at inilayo ang tingin kay Clifford.

“I’m still under the medication pero sabi ng Doctor ok naman na daw ako .. gagaling na din ako .. don’t worry Ken ..hindi naman nakakahawa ang sakit ko .. don’-“

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon