Here comes Summer!

827 18 4
                                    

2 months had past. 4 months nalang ay babalik na sila sa kani-kanilang dorms at daily schedules and routine.

"Ang init!" Naka hilata lamang si Jeongyeon sa sahig habbang pinapaypayan ang sarili at nakatapat pa ang electric fan sakanya.

"Bakit kasi sira yun A.C" reklamo naman ni Nayeon na katabi nito habbang nakatingin lang si Jihyo at Jennie sa dalawa.

"Uhhh.." Lumabas ng kwarto si Momo na naka crop top lang ito at short shorts.

"Why is it so hot?" Sabi niya habbang pinapaypayan ang sarili gamit ang dulo ng shirt nito.

"Buti sila natitiis nila yung init sa loob ng room." Dagdag pa ni Momo at humilata padapa sa sahig.

"Hey sasakit tyan mo." Suway ni Jihyo at pilit na tinatayo si Momo.

"Hng. Ang lamig ng sahig." Sabi nito na parang bata at binigatan pa ang sarili. Natuwa lang si Jennie habbang nanunuod sakanila.

"Hirap ata mag alaga ano?" Natatawang tugon ni Jennie. Napa buntong hininga lang si Jihyo at umupo ulit dahil sumuko na sya kay Momo.

"Super. Akala mo meron kang walong naka marijuana na mga anak." Sagot ni Jihyo na ikinatawa naman ni Jennie.

"Ikaw kaya boss namin.." singit ni Nayeon sakanila, nakapikit pa ang mata nito.

Binigyan siya ng masamang tingin ni Jihyo pero tinawa lang ito ni Nayeon, sakto naman lumabas sila Dahyun at Chaeyoung ng kanilang kwarto kasunod sila Mina at Tzuyu na sabay lumabas.

Napatingin si Tzuyu sa tatlong maria na nakahiga sa sahig, halatang iniisip kung matatanda ba talaga ang mga 'to.

Umupo sila sa tabi nina Jihyo. Si Mina naman ay umupo lang sa sahig dahil wala ng pwesto.

"Asan ung iba?" Tanong ni Jihyo, nag kibit balikat si Chaeyoung and si Dahyun naman ang sumunod.

"Tulog ung iba kong kasama sa room." Sagot niya,

Nag groan si Momo mula sa pagkakadapa at para itong kabute na bigla nalang umupo.

"Natitiis nila yung init??" Sabi nito habbang gulo gulo ang buhok.

"Momoring," Tawag sakanya ni Mina, nakapout itong tumingin sakanya habbang sinesenyasan siya ni Mina na lumapit sakanya. Nag crawl si Momo papalapit kay Mina at kaagad inayos ni Mina ang buhok nito.

"Para kang bata." Sabi ni Mina na natatawa.

"Di ko matiis yung init." Sagot naman ni Momo,

Nag buntong hininga si Jihyo, "Wala naman tayo magagawa kung sira yung aircon at kung bakit mainit ang panahon. Summer na kaya."

"Summer..." sabay na tugon nila Nayeon at Jeongyeon.

"Ah. Buhay pa pala ang dalawang 'to." Sabi ni Tzuyu.

Nagulat na lamang sila ng biglang sumigaw si Nayeon,

"SUMMER!" Saad niya at tumayo. Pawis na pawis ito kahit may electric fan na nakatutok sakanya.

Kasunod non si Jeongyeon na tumayo din,

"And kapag summer ang pinag uusapan?!" Saad niya,

Ngumiti si Nayeon at hinawakan ang magkabilang balikat ni Jeongyeon.

Huminga sila ng malalim akala mo'y may binabalak,

"Camping!/Swimming!" Sabay nilang sabi,

Agad binatukan ni Jeongyeon si Nayeon dahil sa sagot niya,

"Tanga, anong camping ka dyan."

"Aray ko naman te, maka sapok wagas. Pwede namang hinaan." Sabi ni Nayeon habbang hinihimas ang sinapok ni Jeongyeon sakanya.

"Eh pano naman kasi. Swimming kaya!" Sabi ni Jeongyeon at nag action na lumalangoy siya.

"Camping! Sa bundok!" Baling naman ni Nayeon.

Napa facepalm lang si Jihyo sa dalawa.

"Porket kasi di ka marunong lumangoy." Sabi naman ni Jeongyeon na ikinamula ni Nayeon.

"Hoy ostrich. Marunong ako." Sagot naman ni Nayeon.

"Blah blah. Hey Jihyo, wala tayong outing?" Baling ni Jeongyeon kay Jihyo. Nag shrug lang ito at sumandal sa back supporter ng sofa.

"Tanong mo kay Oppa." Kaagad namang tumakbo si Jeongyeon sa labas kung asan ang manager nila.

"Bilis nya." Sabi ni Tzuyu,

"Basta ganyan mabilis siya." Saad naman ni Chae.

Napadako ang tingin nito kila Mina,

"Tulog?" Tanong ni Jennie na dapat itatanong din ni Chae.

Tumingala si Mina kay Jennie na nasa likod nito.

"Yeah," sabi niya at hinawakan ang ulo nitong nakapatong sa lap niya.

"If only narinig niya ang pinag uusapan nila Nayeon malamang pati iyang makikisawsaw." Sabi ni Jihyo,

"3 idiots." Saad ni Tzuyu na ikinatawa ng lahat.

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa si Jeongyeon na hingal na hingal.

"Guys.." Sabi nito, hirap pang magsalita.

"Hm?"

Ngumiti si Jeongyeon ng abot tenga bago sumagot.

"MAY OUTING TAYO!!"

****

Hello!!!! Sorry kung ngayon lang nakaupdate huh. Nabusy si otor HAHAHA

TWICE x BLACK PINKWhere stories live. Discover now