[6] - Being on her side

14.1K 451 113
                                    

CONTENT WARNING: this chapter contains language and themes which may be offensive to some readers and/or inappropriate for children. Reader discretion is advised.

The thought, actions, and/or beliefs of characters in this book do not portray the thoughts, actions, and/or beliefs of the author.

-

Jungkook's POV

Alam ko masama tong ginagawa namin. Pero kapag may mga baliw ka talagang hyungs magagawa mo 'to. -___- 

"Dito ka nga! Baka makita ka nila." See? Sinusundan namin si Lyka at V. Hindi ko gusto 'tong ginagawa ko. Sadyang tinakot lang nila ako gamit ang baba ni Jhope hyung. 

"Makikita din naman nila tayo at saka alam niyo naman na alien si V. Nararamdaman niya tayo."Alam kong kanina pa kami napapansin ni V. Sa lakas ba naman ng pandama no'n.

"Tara na!"Aya ko sa kanila. We're invading their privacy.

"Aren't you curious?" Tanong ni Rapmon hyung sa'kin.

"Naku-curious. Ang kaso... we're invading their privacy." Pagdadahilan ko. Tinapik naman ako ni Suga hyung.

"Nasa public place sila kaya wala tayong iinvade." Sabi niya sa'kin. Napa-facepalm na lang ako.

Pumila si V at Lyka sa roller coaster. Sa pagkakaalam ko may fear of heights si Lyka. Bigla akong nagalala para sa kaniya.

Baka kung mapaano siya kapag sumakay siya doon.

"Tignan mo 'to. Aayaw pa sa una siya din pala mauuna. -___-Narinig kong reklamo ni Jimin.

Iniwan ko sila at nagmadaling pumila sa likod nila. Pagsasabihan ko sana si Lyka kaso biglang tinakpan ni Jhope hyung ang bibig ko at hinawakan ni Jimin at Rapmon hyung ang kamay ko habang si Suga hyung ay hawak ang binti ko. Aba matinde. 

"'Wag kang maingay! Patay tayo kay V 'pag nahuli tayo!" bulong sa'kin ni Jhope hyung. Kumalma naman ako saka nila ako binitawan. 

Nakita kong namumutla si Lyka at hindi mapakali. 

“Kaja!” Rinig kong sabi ni V. Pumasok sila at umupo sa dulo. Papasok dapat kami kaso wala na pa lang upuan. Last na si Lyka at V. 

Pagkaupo nila hindi pa rin mapakali si Lyka kaya pupuntahan ko na dapat siya pero natigil ako ng nakita kong hinawakan ni V ang kamay niya. 

Ito na naman ang puso ko. Nasasaktan ako pero hindi ko kayang pigilin. 

I saw V mouthed “Trust me.” Atomatiko namang pumayapa ang mukha ni Lyka. Napayuko na lang ako at tumalikod na. 

Iniwan ko na sila. 

“Jungkook, saan ka pupunta?” Narinig kong sigaw ni Jimin pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad. 

"Jin naman eh. Tantanan mo nga ko!"  Napalingon ako sa pinanggalingan no'ng boses. 

"Jagiya~ Please!" Hinanap ko ang boses na 'yon. 

"Jin naman! Tantanan mo 'ko." Nakita ko ang dalawang tao na naghahabulan. Tama nga ako, Si Jin hyung at Daniella 'yon. 

"Please. Ayoko naman kasi na mapurga ka na sa mga sosyalin na pagkain kaya dito kita dinala. Hindi ko naman din intensyon na ma-issue tayo. Please Jagiya~ 'Wag ka nang makipagbreak sakin!" Pagmamakaawa ni Jin hyung. Ang tanga talaga nito. Nagulat ako nang tinulak siya ni Daniella saka umalis. Aba matinde. Kim Seokjin na 'yon, magchu-choosy pa?

Lumingon ako kay Jin hyung na nakayuko. Lalapitan ko sana siya ng may lumapit na babae sa kanya. T-teka. Ayan 'yong pinsan ni Lyka na napakasama ng ugali ah. 

"Bakla ka talaga! Tumayo ka nga diyan!" Sigaw nito kay hyung, pero si hyung nakaupo pa rin. 

Lumakad na ko palayo. Aba, di naman nila 'to love story kaya hindi ko na ina-narrate 'no. Love story ko ata to... or not?

Umupo lang ako sa isang bench do'n. Tumingala ako at nakita ko ang mga butuin. Gabi na pala. 

Napalingon naman ako sa babaeng umupo sa tabi ko. 

"Oppa~ Ang gwapo mo sana eh. Ang kaso ganiyan ang mukha mo. Alam mo bang hawig kayo ni Jungkook ng BTS?" Ewan ko pero napangiwi ako sa pagfi-feeling close ng babaeng 'to. 

"Sino ka?" Nagulat naman ang babae. 'Yong totoo? Nakakagulat ba ang salitang Sino ka? -___-

"Hala! Kaboses mo pa si Jungkook!" Sabi niya. Hindi niya ko makikilala kasi naka-disguise ako. 

"Ate 'yong totoo? Feeling close lang?" Hindi ko na mapigilang sabihin. Nagulat naman ako ng batukan niya ko. Aba't--

"Chaka nito! Kapal ng fes nito." Sabi niya saka umalis. Grabe yung babaeng yun. Nakita ko yung damit niya. 'Yong totoo? Nawawala ba siya? May pangalan kasi yung damit niya. Eunmi nga 'yong pangalan eh. (A/N: BOOM lakas makasingit! Pakibasa po yung Every KPOP fangirl's dream. GOT7 Fanfic po siya. #Boomplug)

Ilang minuto pa ay nandoon lang ako. Ewan ko nawalan na ko ng gana. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Nagseselos ba 'ko? Ay hinde, hindi pwede. Kami ang sagisag ng platonic love! 

Para lang akong tanga na tinitignan ang mga tao na dumadaan. Nang makita ko si V at Lyka na sumakay sa ferris wheel. Hindi ko alam pero atomatikong gumalaw ang paa ko at naglakad papunta doon. 

Umiikot na ito. Pero nakikita ko pa rin si Lyka na nakangiti. 

Nakangiti lang siya hanggang sa hindi ko na sila maaninag. 

Sana pagbaba niya nakangiti pa din siya. 

Nagsimulang magputukan ang mga fireworks, ang ganda nito. Ano kaya ang itsura nito sa taas? I know Lyka likes it. Pinanood ko lang ang fireworks habang pinapanood ko rin ang pagikot ng ferris wheel.

Unti unting umiikot pabalik na ang ferris wheel hanggang sa maaninag ko na sila.

Nakita kong nawala ang ngiti niya. Kinabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang... Gusto ko siyang alisin ngayon sa pwesto niya. Ayokong makita siya kasama si V. Ayokong palapitin sa kanya si V. Ayokong makita na sinasaktan siya ni V. Ayokong makitang masaya siya kay V. Ayokong makitang... mahal niya si V. 

Si V lang ang lumabas. Narinig kong pinapalabas na siya ng staff. Binayaran ko na lang 'yung staff para hindi na siya paalisin at sumakay doon. 

Pinipigilan niyang wag siyang umiyak. Nakatakip ang mukha niya kaya hindi niya alam na sumakay ako. 

Iiyak mo lang 'yan.” Inangat niya ang tingin niya. Hindi ko alam kung masasaktan ako na nakikitang nasasaktan ang babaeng pilit kong pinapasaya. 

"You can hug me if you want." Nilahad ko ang braso ko, handang yakapin siya.

“J-jungkook.” Pagkasabi niya at saka yumakap sa'kin kasabay no'n ang pagiyak niya sa balikat ko.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon. I want her to be mine. 

V's POV

Naglakad ako pa layo. Alam kong nandoon si Jungkook. Sabihin niyo nang tarantado ako, gago para saktan ang taong mahal ko. Oo, Mahal ko si Lyka. Pero hindi ko p'wedeng sabihin sa kaniya. Natatakot ako na malaman niya. Malaman niyang may malaki akong kasalanan sa kaniya. Hindi ko hahayaang lalo siyang masaktan. 

Please. Hintayin mo ko. 

[A/N: WAAAAAAAAAAAAAAHH~ I'M BACK! ACTIVE NA ULIT AKO~ HAPPY 1ST ANNIVERSARY SA ATING MGA IDIOTS~ ONE YEAR NA NILA KAYONG PINAPASAYA. CHUKAEYO!] 

10:40pm pa lang. Masyado akong excited sa anniversary ng BTS kaya hindi ko na mapigilang mag-UD. XD Napaaga tuloy. hahaha. 

Dedicated to Sugalover. HI chingu~~ Kamusta! kaway kaway naman~~ ^______^

Married to a BTS Member [BANGTAN BOYS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon