Chapter 1

138 3 2
                                    

"Tiktilaok! Tiktilaok!"

Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at pinatay ang alarm.

Monday na naman. I hate Monday. Nakakatamad bumangon.

Nagkape lang ako at naligo na. Sanay na ako na hindi nag aalmusal.

Asan na ang mga tricycle? Ano ba yan. Male-late ako pag ganyan.

Ayun may natatanaw akong tricycle. Pinara ko ito at sa kasamaang palad, wala nang space. Puno na.

Hirap ng taga-bukid ah. Lalo na pag ganitong umaga. Hirap sumakay.

"Broom! Broom! Broom!"

"Pip! Pip! Pip!"

Nagulat naman ako sa bumusina.

 "Oh, mukhang wala kang masakyan ah, sabay ka na sakin"

Hindi ba obvious?! Err. Panira ng araw tong lalaking to.

"Hindi na. Salamat na lang", sabi ko. Sabay irap sa kanya.

"Sige, ikaw bahala", sabi nya sabay ngisi sakin.

Pinaandar nya na ang motor nya ng mabilis. Naubo ako sa gabok at usok nang pinaharurot nya ito. Peste talaga yun kahit kailan.

Pumara ulit ako ng tricycle at infairness hindi ako sa toolbox nakaupo. May dalawang space pa.

I'm a 4th year high school student. Konting tiis na lang at ga-graduate na ko ng high school.

"Jamilla!!!", tawag ni Becca sa akin.

Humarap ako sa kanya at nakakunot ang noo ko.

"Ano pa bang hinihintay mo?! Tara na! Magsisimula na", sigaw nya sabay hila nya sakin.

Ang hirap naman mag heels. Pwede naman kasing naka flats lang ako. Tsk. Kakanta kasi ako ngayon for Christmas Celebration sa school. Isa itong contest.

"Pasko na naman ngunit wala ka pa. Hanggang kailan kaya ako maghihintay sayo"

"Woooh! Go Jamilla!!", tili ng mga kaibigan ko habang kumakanta ako sa stage.

"Bakit ba naman kailangang lumisan pa. Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka"

"Gwapo mo talaga, Francis!! Waaaah!", tili ng mga babae kay Francis.

Naglakad kami ni Francis papunta sa gitna ng stage.

"Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako. Hinahanap-hanap pag-ibig mo. At kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako. Muling makita ka. At makasama ka. Sa araw ng Pasko....."

Nagtilian ang karamihan nang sabay na kaming kumanta ni Francis.

Medyo emosyonal ang pagkanta namin dahil na rin sa nilalaman ng lyrics ng kanta.

This is my regretsWhere stories live. Discover now