"Aminin mo na kasi, gusto mo ako kasabay."


"Chu! Alis! Saktan kaya kita diyan!"

" kalma--- aga aga, suplada ka masyado."



I rolled my eyes.


Biglang umingay ang bahay. Napatigil ako sa pagnguya.



"Oh, andito na pala sila." tumayo na si Kyle.


Pagbalik niya, may kasama na siyang apat na lalake. Mukhang kaedad lang niya.

Kumakanta sila habang papasok.

Pero bigla silang napatigil paglingon nila sa dining table. Tapos sabay-sabay na nag-apir sa isa't isa.

"Wow dude! Sino yan?"



"Pwede makipag-kilala?"

Dumeretso si Kyle sa kwarto niya mukhang may kukunin. Kaya naiwan silang apat sa living room.

Agad lumapit yung apat sa akin.


"Hi!"



Tumango lang ako.

"I'm Zeo, this is Ichi, this is kolas and .."


"I am Ford." dugtung nung isang matangkad at mestisong lalake. He's handsome anyway.




Tumango ako ulit.

"I'm Ashley."


"Wow! Ganda naman ng pangalan mo, kasing ganda mo."


Ngumiti na lang ako.


Biglang sumulpot si Bailey Yuriko. Tama si Bailey! Naiinis din ako dito, palaging sumusunod sa bestfriend ko.

Ngayon ko lang din nalaman na pinsan pala to ni Kyle, mas asal-abnoy nga lang kesa sa kanya.


"hoy kayo! Lumayo layo nga kayo kay Ashley, lalo na ikaw Ford." sabi ni Bailey.

"Nakikipagkilala lang naman." katwiran nung nagpakilalang Zeo.


Hinarap ako nung nagpakilalang Kolas.

"So, maaga ka ata? Bakit ang aga mo rito kina Kyle at mukhang nakapambahay ka lang." tanong niya.


Sasagot na sana ako ng biglang nakisabat na naman si Bailey.


"Dito yan natulog."


"Seryoso?" tanong ni Zeo.


"Wow! Binata na talaga kaibigan natin!" tatawa tawang sabi ni Ichi.


"Ngayon ka lang ba nakapunta sa bahay ni Kyle, Ashley?" tanong naman ni Ford.


Nakisabat na naman si Bailey---ano to? Spokesperson ko?!

"hindi, amo siya dito."

Nalito ata yung apat. Kaya nag-frown lahat.

"She lives here." sabi ulit ni Bailey.


Nakita kong nabigla silang apat.


"You mean? You too are living together?" sabay nilang apat na tanong.

"That's -"

Tinapakan ko paa ni Bailey kaya napatalon siya sa sakit.


This time ako na ang sumagot.

The Boy who Stoled my Heart (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt