Chapter 6

729 50 36
                                    


Dasha


Nasa loob ako ng C.R ngayon. Naglalabas ako ng sama ng loob. Hindi "galit" ang itinutukoy ko, kundi "tae".

Kaasar! Hindi natuloy ang "Babe time" namin ni mylabs kasi nag-alburuto ang bwiseterns kong tiyan.

Panira ng "Babe time" itong tiyan ko. Nautot lang naman ako habang naghahalikan kami ni Grecomylabs. 'Yon na yata ang sign na hinihintay ko para i-reserved muna ang sexy body ko.

"Aaaaahhhh!" Mukhang mauubos pa yata ang lakas ko sa pag-ire. Nanganganak lang ang peg?

"What's happening to you?" tanong ni Greco mylabs sa labas ng banyo.

"Don't worry, mylabs! Inilalabas ko lang tae ko!" sigaw ko. Shuucks! Tinawag ko ba siyang mylabs? Eh, sa nasanay na akong mylabs ang tawag ko sa kanya.

"Gross." Narinig ko pang sabi niya. Ang arte niya na ngayon, huh! Dati nga halos siya na ang magpe-presinta sa paghuhugas ng pwet ko. Anyare ngayon?

"Malamang sa alamang, wala ka na sa kanya. Hindi ka na niya kilala. Stranger ka na lang sa kanya!" paalala ko sa aking sarili.

May naalala na naman tuloy ako! Huhuhu. Ang tungkol sa Filipiniana! Gusto kong maiyak habang nagje-jebs dito. Nag-flashback kasi sa akin ang lahat.

Hanggang dito na lang ba talaga ang lahat? Dapat ko na nga talaga sigurong pigilan ang sarili kong landiin siya ulit. Waley naman akong panama sa mga babaeng na-li-link sa kanya ngayon.

Sino na lang ba akez ngayon? Isang hamak na stalker niya na lang ulit.

Ang tanong, keri ko bang magtrabaho sa kanya nang hindi ko siya nire-rape? Ay este— nahahalikan?

Bakit ba kasi ang hina-hina ng self-control ko pagadating sa kanya? I kennat! Huhuhu.

"Are you going to sleep there?" Feeling ko naiinip na siya sa labas. Kilala ko na si Greco. Ni-utot niya kabisado ko na ang amoy.

"Huwag kang atat makita ang beauty ko, mylabs. Masyado mo yata akong namiss, eh," pang-asar ko sa kanya.

"Dream on," he answered. Ouch! Masakit 'yon, ah! Feel na feel ko talaga. Sigue, saktan mo lang ako, Greco mylabs. Immune na ako d'yan.

"Are you still alive?" tanong niya.
"Mylabs, I'm dead." Tumahimik naman ako kaagad  pagkatapos kong sabihin iyon.

"What?!" Exaggerated niyang reaksiyon.

"Bingi! Sabi ko patay na ako!" sigaw ko ulit. "F*ck!" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang pumasok sa loob ng banyo. At dahil sa gulat— eh, nabato ko ang sisidlan niya ng shampoo. Mabuti na lang at plastic lang iyon! Kung hindi— siguradong magkakabukol siya.

"Sh*t" he cursed. Napahilot pa siya sa noo niyang natamaan ko. Hindi ko sinasadya iyon. Nanggugulat kasi, eh.

"Why did you f*cking hit me?!" nanggagalaiti niyang tanong.

"Nagulat lang naman ako, mylabs, eh. Masyado ka kasing pangahas!" katwiran ko habang nanatili pa rin akong nakaupo sa cubicle.

"Sh*t I thought you're dead!" So, dinibdib niya ang sinabi kong patay na ako? Ano siya? 5 years old? May nagsasalita bang patay? Napanguso na lang ako.

"Stop pouting your f*cking lips!" nahihirapang aniya. Na para bang may pinipigilan siya.

Natatae rin kaya siya?

"Mylabs, hintayin mo na lang akong matapos. Ikaw na ang susunod. Labas ka na lang muna. Hindi mo yata alam na patience is a virtue."

"Tss," ang naisagot niya lang.

"You're impossible, Miss Dasha," huling salita ni Greco bago lumabas ng banyo.



Ako pa itong imposible? Mas imposible pa rin na magkabalikan tayo.

Tama. There's no chance. Gagawin ko na lang ito para kay Ash Grey. Hindi para sa pansariling kaligayahan ko. Dahil alam kong malabo...malabo nang maibalik ang dating kami.





NAGTIMPLA ako ng kape para sa boss kong masungit. Gusto niya  ng kapeng barako, pero creamy white ang ibinigay ko. Alam niyo kung bakit? Kasi noong kami pa, palaging creamy white ang ipinatitimpla niya. I have no idea kung bakit naging iba ang taste niya sa kape.

"Hey! I said kapeng barako. Why did you gave me creamy white?" nagtatakang tanong niya.

"Kapeng barako ka diyan! Dati nga napapangiwi ka kapag walang gatas ang kape mo, eh! Nagpapasikat ka ba? Sa tingin mo batayan ang iniinom mong kape sa personalidad mo bilang tao? Pwes! Nagkakamali ka! I know you better than yourself," mahabang litanya ko.

"You didn't know me, Miss Livaniez. Your job is to follow what I say. No more, no less," he said. Wala akong nababasang emosyon sa kanyang mukha.

"Ay, sorry po SIR, huh? Secretary niyo lang po pala ako. Pasensya na po. Papalitan ko na lang ng kapeng barako ang kape niyo."

Lumabas  naman ako kaagad sa opisina niya. Pakiramdam ko ay sumikip ang aking dibdib. Bakit ganoon? Trabaho lang dapat ang pakay ko, eh. 'Di ba tanggap ko na ang  lahat? Hindi ba't alam ko na sa sarili kong malabo na kaming magkabalikan ulit? Bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit mahirap tanggapin na marami na nga ang nagbago sa kanya?

Bumalik ako dala ang kapeng barako na hinihingi niya.

"Nandito na po ang kapeng barako niyo," sabi ko sabay lapag ng kape sa desk niya.

"Dash..." Aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko.

"May ipag-uutos pa po ba kayo, Sir?"

"Nothing, are you free this evening?" biglang tanong niya.

"Bakit po?" naguguluhang tanong ko. Bakit naman niya tinatanong kong free ako mamayang gabi?

"Let's have a dinner," sagot niya. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako nang dahil doon.

"Date po ba?" I asked him. Waah! Magde-date ba kami? The thought of us having date is beyond exciting. For five years,  ngayon na lang ulit ako makikipag-date. Same man I dated before, My Greco...

"Just a dinner." Nawala ang ngiti ko. Dinner lang pala. Akala ko date na.



"Ay, naalala kong may date pa po pala ako mamayang gabi. Next time na lang po siguro tayo mag-DINNER." I emphasized the word dinner. Aaminin kong na-disappoint ako.


"Sh*t! It's a date. It's a f*cking date, Dash!" Napasigaw pa siya.

I laughed mentally. Akala mo, huh!

"Charot ko lang kanina 'yong sinabi kong may date ako, Sir. So, paano ba 'yan? May date tayo mamaya." I winked at him.



Mylabs, kung hindi ka makuha sa santong dasalan, puwes! Aakitin kita sa isang kindatan




~Commander Kakaivevz  :*

Vomments mga kabearks! Hahaha. I love you all!
#GreSha

Stalking my Vampire HusbandWhere stories live. Discover now