Chapter 2

760 37 0
                                    



Dasha


Pilit kong iginagalaw ang katawan ko, ngunit namamanhid na yata iyon.

I want to touch the face of Greco. Halos hindi na siya makilala sa itsura niya ngayon. Hindi ko yata kayang makita siyang ganito. Natatakot  ako... Natatakot ako sa posibleng mangyari. I cannot  live without him.


Yakap-yakap ko ngayon ang  baby namin. Gusto kong sumigaw! Pero walang boses na lumalabas sa  akin. Tanging ang mga luha lamang na siyang nag-uunahang lumabas ang nararamdaman ko sa aking katawan.


Iyak lang ako ng iyak. No! Hindi  nila ako pweding iwan. Hindi ko kaya...

"My god...Dash!" Nabuhayan ako nang marinig  ang boses ni Jenissa.


"Je--en," ang tanging nasambit ko na lamang. "Huwag kang mag-alala, tutulungan ko kayo."


Binuksan nito ang pinto ng kotse. Una niyang inilabas si Greco matapos ay kinuha niya sa akin ang anak ko. Tinulungan niya akong makalabas sa kotse.

"That f*cking truck! Na-hit and run kayo, Dash. Pagbabayaran nila ito."

Tiningnan ko ang kalagayan ng mag-ama ko. They're gone. Parang namatay na rin ako kasama nila. They are my life! Bakit pa kasi ako nabuhay? Sana ako na lang ang nawala... Sana  ako na lang.


"Don't say that, Dash! Kaya ka nga iniligtas ni Greco dahil mahal ka niya.  Sana naman mahalin mo rin ang sarili mo! Don't think of suicide. Dahil ako talaga ang sasakal sa 'yo 'pag nagkataon!"


"Jen, hindi  ko na alam ang gagawin ko!  Para na rin akong patay! Katawan ko na lang ang buhay  ngayon..."



She hugged  me. I need a hug right now. Hindi ko yata kakayaning ipagpatuloy pa ang buhay ko nang hindi kasama si Greco at  ang anak  namin.



"Tatawagan ko lang sina Blade at Misty,"  aniya. Tumango na lamang  ako.


Lumuhod  ako kung saan nakahiga ang walang buhay na si Greco. Katabi niya ang anak namin.

Hindi ko man lang nasilayan ang unang ngiti ng anak ko.


"Greco..."

"Anak..."



"Anong nangyari dito?" tanong ni Blade.

Ang bilis naman yata nilang nakarating dito. May kapangyarihan nga pala silang mag-teleport.


"Na-hit and run sila." Si Jenissa na ang sumagot.

Masakit pa rin ang katawan ko dahil kakapanganak ko pa lang at galing pa ako sa aksidente.


"F*ck!" bulalas ni Blade.


Vampire are immortals. Pumasok agad  sa isip ko ang tungkol doon. Kapag naging bampira ulit si Greco. May chance na  mabuhay siya.


"Blade, nagmamakaawa ako sa 'yo, buhayin mo si Greco..." pagmamakaawa ko.

"Dash, kapag kinagat ko siya. Mawawala ang ala-ala niya. Kaya mo bang maging isang stranger sa kanya?" he asked.

Iyon ang kapalit? Makakalimutan ako ni Greco? Magiging  back to zero na naman kami? Dati, I used to be a stranger to him. Siguro naman ngayon, kaya ko rin 'di ba?

Gagawin ko ito para lang mabuhay siya kahit na ang kapalit  niyon ay ang pagkawala ng ala-ala niya.

"Blade, let them live. Ayos lang kahit makalimutan niya man ako. Ang mahalaga ay mabuhay lang siya."


"At Dasha, may posibilidad rin na pumayag siyang pamunuan ang Rogue Clan."

Tanggap ko nang kailangan siya ng Rogue Clan. Siguro ngayon, hindi  na ako ang pipiliin niya. Sino na lang  ba  ako pagkatapos nito? Isa na lang akong  stranger  sa buhay  niya.



"Are you really sure about this?"  paninigurado pa ni Blade. Tinapik lang ni Jenissa ang aking balikat.

"Oo, buhayin niyo ang mag-ama ko. Sigurado na ako sa desisyon kong ito," I said with finality.

"Alright," aniya.

Inilabas nito ang  kanyang pangil. Naging kulay pula ang kanyang mga mata. Lumuhod siya at hinawakan ang palapulsuhan ni Greco. And without any word. Kinagat niya iyon. Unti-unti niyang sinipsip ang dugo ni Greco. Unti-unti nang gumagalaw ang katawan ni Greco.

Biglang nagmulat siya ng mata.
Naging kulay pula na lahat ng iyon. Lumabas na rin ang kanyang pangil.

Ang ugat sa leeg at kamay ni Greco ay unti-unti na ring lumalaki and any minute from  now ay mukhang puputok na ang mga iyon.

"Aaaargh!!!" daing ni Greco. Bigla siyang umupo mula sa kalsada kung saan siya  nakahiga kanina.


Nang magtama ang mga mata  namin. Hindi ko alam kung bakit sobra akong nasaktan. He didn't recognized me. Iniwas niya ang  kanyang tingin na para bang hindi man lang ako karapat-dapat na tingnan.

Is this the consequences? Kung ganoon, masakit nga. Sobrang sakit nga  pala talaga. Ang dating tingin niya sa akin na puno ng pagmamahal ay naglaho na lang bigla.

"Umalis na tayo, Dash." Agad kong kinuha ang anak  ko. Hinapit  ako ni Jenissa. Inilayo niya ako sa lugar na iyon. Sa lugar kung saan nandoon ang  lalaking minsa'y minahal ako.





~*~

KASALUKUYANG pinagmamasdan ko ngayon si Ash Grey— ang anak namin ni Greco. Ang nagbigay ng kulay sa naging madilim kong mundo.

Bago ko pa siya nakuha ay nakagatan na siya ni Greco, luckily nabuhay ang anak ko. He is now a half vampire and a half human.

Mahimbing itong natutulog sa dating crib ni Jennica. Dito ako dinala ni Jenissa sa kanilang bahay. Isang araw na rin ang nakalipas simula nang mangyari ang insidenteng iyon. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang stranger na ulit ako sa kanya.

"Baby, kaya natin 'to. Hindi ko hahayaang lumaki ka ng walang kinikilalang ama. Kung kailangang ligawan ko ulit siya ay gagawin ko. At kung kailangan kong  i-stalk ulit ay hindi  ako magdadalawang-isip na gawin din iyon."

Baby pa lang, mukhang tinuturuan ko nang maging stalker si Ash Grey.


Paglaki niya, siguro magmamana siya ng ugali sa akin. Lahat kasi ng facial features niya ay nakuha niya lahat kay Greco. Kaya kahit attittude na lang sana ang sa akin. Para fair. Feeling ko kasi dinaya ako sa hatian portion, eh.


"Itaga mo sa bato, nak. Hindi ako titigil hangga't hindi pa nabibighani ulit sa alindog  ko ang iyong ama."











To be cont...



~Commander Kakaivevz

Stalking my Vampire HusbandWhere stories live. Discover now