Chapter 4

800 43 11
                                    



Dasha


NAKAPAGDESISYON na ako. Kukunin ko ang trabaho na ini-refer ni Jenissa sa akin.

Ngayong araw ako mag-a-apply sa GBF. Huwag naman sanang terror ang magiging boss ko.

"Jenissa, ikaw na ang bahala kay Ash Grey, huh?" bilin ko habang nag-eempake ng gamit. Isinilid  ko na sa aking maleta ang mga kakailanganin kong dalhin para lumuwas ng Maynila.

Nasa probinsya kasi ang bahay nina Jenissa. Namuhay sila ng simple. Malayo sa magulong lungsod ng Maynila. At malayo sa gulo ng mga bampira. They want their children to be safe and secured.

"Oo nga po, Dasha. Kami na ang bahala kay Ash Grey mo po. At saka pakibilisan mo na d'yan. Ma-le-late ka na, oh!" aniya.

Hindi pa pala ako nakakapagpaalam sa anaktot kong carbon copy ni Greco.

Pagkatapos kong mag-empake, lumabas ako kaagad para hanapin ang anaktot ko.

"Mommy!!! Look! I got many stars!" Excited niyang ipinakita sa akin ang braso niyang punong-puno ng mga stars.

Mahihirapan na naman kami sa paghilod sa braso niya. Pero I am very, very proud sa anak ko. Lumaki siyang matalino, mabait at guwapo.

"Waaah! Ang galing naman ng beybi boy ko!" Hinalik-halikan ko siya sa kanyang pisnge.

Lumuhod muna ako sa harapan niya. Nakangiti lang siya sa akin.
"Ay, oo nga  pala, nak. Aalis muna si mommy, hah. Maghahanap lang si mommy ng money para sa future  natin."

Naging malungkot ang itsura niya. Alam kong mahirap sa parte niya ito. Wala na nga siyang tatay pati ba naman ako ay mawawala rin sa kanya? Ngunit ito ang mas makakabuti sa aming dalawa.

Kailangan ko ng trabaho para maitaguyod siya at maibigay sa kanya ang mga pangangailangan  niya.

"Mom..my...babalik ka naman 'di ba? Baba--likan mo si Ash Grey 'di ba?" Masakit para sa akin ang makitang umiiyak at nasasaktan ang anak ko. Mas doble ang sakit sa akin.

"Oo naman, baby. Babalik si Mommy rito. Pagkatapos ay magkakasama na tayo ulit."

Tumulo ang luha sa aking  mata,  nang yakapin niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Iniisip ko pa lang na magkakalayo kami ay halos hindi na ako makahinga.

Kumalas ako sa yakapan namin. Ma-le-late na kasi ako sa flight ko. "Behave ka rito, anaktot, hah. Huwag mo munang itanan si Blythe," bilin ko sa aking anak bago umalis.

"Opo. Balik kayo kaagad."

"Promise..." 




~*~

NANDITO na ako ngayon sa harap ng building. Namangha ako sa façade ng building.

Parang hindi yata ako nababagay sa ganito. But! Gagawin ko ito para kay Ash Grey—para sa anaktot ko.

Inayos ko muna ang suot kong skirt bago tuluyang pumasok.

"Ma'am, pakibukas na lang po ng bag niyo." Tiningnan ko nang masama si Manong guard.

Mukha ba akong snatcher o kriminal? Naka-formal na suot na nga ako, eh! Pero dahil mabait ako ay binuksan ko na lamang ang bag ko.

"Thank you, Ma'am." Tumango na lang ako at saka isinarado ulit ang bag ko.

Stalking my Vampire HusbandWhere stories live. Discover now