Chapter 11: Teach me .Please? :3

18 1 0
                                    

Jennifer's POV

*poke*poke

Ano ba yun? Natutulog pa yung tao eh.

*poke*poke

" ANAK NAMAN NG TOKWA SINO BA YAN? "

" Good morning.. hehhee "

Ayun at nakita ko ang pagmumukha ng babaeng to. Bat ang aga aga naman nandito to? Oo nga pala sabado pala ngayon kaya pala.. ano bang sadya nito?

" Ano ba Rem, aga aga.. bakit? "

" Eh.. hehhe.. "

oh.. tapos ngayon di pa masabi sabi. Minsan talaga gusto ko ng sapakin tong babae na to eh. Minsan na nga lang dadalaw sobrang aga naman. Tapos pag tinanong mo hindi pa masabi agad. My gulay 7 am palang nandito na siya! Ganyan yan pag may kailangan.

" Ano?! Hindi ka magsasalita? Matutulog na ko ulit. " Nagtaklob ulit ako ng kumot.

*poke*poke

Napabalikwas na ko ng bangon..

" Tae ka talaga Beshie! Sabihin mo na kasi.. tagal mo eh nuh? "

" Eh magpapaturo sana ako magbake ng cake sayo.. "

Napakunot ako ng noo.. Hindi ko nga pala nasabi sa inyo na, nagaral pala ako ng culinary arts kahit ang trabaho ko ay admin staff ng bangko.. mahilig kasi ako kumaen at magluto. Pero ang specialty ko ay ang mga pastries. Kaya kapag may birthday celebration kotang kota ako, kasi ako ang nagbabake at binabayaran ako ng mga kakilala at katrabho ko. Di ba? extra income na din.? Mabalik nga tayo..

" Aba, himala magpapaturo ka.. anong meron? " .. Oo ngayon lang magpapaturo tong si Rem. Mahilig kumaen pero di mahilig magbake..pero magluto ng mga ulam marunong din siya.

" eh... basta.. "

" Daya, di kita tuturuan pag di mo sinabi.. "

" Hala.. wala namang ganyan Beshie.. " nakapout pa ang gaga.

" Hinde. "

" Dali na.. teach me please? " Aba nag beautiful eyes pa, tapos yung korte ng lips parang pusa.. like this :3

" Dahilan nga kasi.. " kukulitin ko talaga to. Ngayon lang kasi talaga nagkainteres mag bake eh kaya naintriga ako bigla.

" Eh kasi.. sa monday third weeksarry namin ni Marlon.. eh lagi nalang siya may surprise saken, tapos ako wala "

AHA! Teka? Kelan pa nagkaroon ng weeksarry? Alam ko monthsarry lang yun ah?

" Oy.. sino ang nagpauso ng weeksarry na yan? Ngayon ko lang ata narinig yung ganyang term? "

" Siya..Si Marlon nagpauso.. kasi.. "

At ayon naikwento na nya. Halos sabunutan ko na siya sa sobrang kilig..Haha..ganyan talaga kami sa isat isa.

Hindi kami naaasar kasi ganun na talaga kami, pero patunay lang yun na matibay ang friendship namin at mahal na mahal namin ang isat isa na para bang magkakapatid.

" O sya sige na.. baka umiyak ka pa dyan.. ang aga pa oh.. wala pang bukas na supermarket.. magbreakfast muna tayo "

biglang tumalon sa kama ko at niyakap ako.

" YEY! Salamat talaga beshie..maligo ka na ang baho mo, may laway ka pa oh.. eeew.. "

*BATOK

" Grabe parang siya hindi, ang BANGO BANGO MO hiyang hiya naman ako.. "

By 8am naligo na ko.. then nagbreakfast muna kami sa dining.. tapos my nag doorbell, parang alam ko na kung sino yun papasok.

" Yaya Muning paki buksan naman po may tao po sa labas " sinabihan ko yung yaya ko na mahilig sa pusa noon pa kaya yaya muning tawag ko sa kanya.. tapos ang tawag nya pa sa mga pusa ay ' muning '.

When Her first meets His Last (The new title of First Love Story )Where stories live. Discover now