Chapter 9: First day

35 2 1
                                    

Rem's POV

*Den den Mushi Ringtone (one piece )

Ano ba yan umagang umaga may tumatawag..

" Hello? "

Good Morning Babe!

Huh? Babe?

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko. Ayt..oo nga pala..

Call: Your.Pogi.Marlon

Sya naglagay ng name nya sa phone book ko.. kelangan daw may pogi na kasama. Kapal talaga  ng mukha eh no?

Hello Babe?

" Ano? Istorbo to..natutulog pa yung tao eh.. "

Anong oras pasok mo? It's 8 am na.

Bigla akong napatingin sa wall clock ko sa kwarto. OO nga pala nakalimutan  ko may pasok pala ako!

Nabitawan ko bigla ang cellphone  ko at agad na pumasok sa banyo.

Kaya pa kaya ng isang oras ang byahe ko traffic pa naman papuntang makati. huhuhuhu..

Bahala na.. basta makapasok na..

After ko magbihis at magsuklay..

" Hi good morning "

Napanganga ako..

eto na naman ang puso ko..

PUSO: LOOKING FRESH IN THE MORNING BABE! ANG GWAPO MO TALAGA.

" Anak, sara mo nga yang bibig mo.. nakakahiya kay son " si mama ang nagsara ng bibig ko..

" Ginagawa mo dito ? "

" Well sinusundo na kita kasi alam kong malalate ka na.. hindi mo na nga si- "

" OO NGA LATE NA KO! BYE MAMA! PAPASOK NA KO! " sabay takbo ko palabas ng bahay.

Sumunod din si Marlon saken. Tapos pinagbuksan nya ko ng pinto ng kotse.

" nuh yan? "

" Ihahatid na po kita babe.. may gana ka pang magcommute late ka na nga "

Nakakamiss palang tawagin nya ulet akong babe.

UTAK: HOY! SASAMPALIN KITA DYAN. NAGPAPADALA KA NA NAMAN REMILY!

Pero hindi, kelangan patunayan ko sa kanya na ngayon lang kami nagkakilala.

Pumasok na ko sa loob. sumunod na rin siya. tapos may binigay siya saken na isang supot.

Mcdo pancake, chicken sandwich, Large fries tapos kape. 

Balak ba nya ko patabain in 50 days?  hindi kasi ako nagheheavy breakfast eh..

" Hindi ka nagbreakfast.. kaya binilhan na kita. Kumaen ka habang papunta tayo sa - "

" OO na.. kakainin ko na nga oh.. " sabay sinubo ko na.

*fast forward na tayo

Syempre naubos ko ung pagkain na dinala nya. Ngayon lang ako sobrang nabusog..Hindi ko pa nga napigilang dumighay,tinawanan pa ko ng isa. Kainis.

8:50 nakarating na ko sa building ng papasukan ko.

" Thank you ah.. sige papasok na ko."  bubuksan ko na yung pintuan ng..

As usual.. hinatak ako at..

Hinalikan na naman sa lips.  May kasalanan  na naman ba ko?

" Hindi mo dapat makalimutan na halikan ang boyfriend mo pagkatapos ka nyang ihatid. "

When Her first meets His Last (The new title of First Love Story )Where stories live. Discover now