Ibinaba ko muna ang dala kong gamit sa may desk ko tsaka ako lumabas ng opisina. Nadatnan kong may kausap sa telepono si Meg, kaya naghintay muna ako hanggang matapos ang phone call nito. Akmang haharap muli ito sa harap ng desktop ng mapansin ako nito na nasa tabi ng desk niya.

Humarap ito sakin at napalabi. Nginitian ko naman ito.

Humawak ito sa magkabilaang pisngi. "Mukha na ba akong haggard? Harassed na harassed na ako."

"Pansin ko nga 'nung papasok ako ng building. May problema ba?"

Lumapit naman ito at bumulong sakin. "May malaking problema ang kompanya. Ang alam ko hindi na matutuloy 'yung itatayong toy industry, may problema kasi financially. Nagkaproblema sa lahat ng businesses. May traydor ata sa mga board members."

May problema sa kompanya? Pero bakit walang nababanggit sakin si Devin. To think na magkasama lang kami kagabi.

"Alam mo ba kung nasan si Boss Pogi?"

Napataas ito ng kilay. "Hindi mo alam? May business trip siya ngayon."

"Business trip? Saan?"

Nagkibit'balikat ito. "Hindi kasi nakalagay sa schedule ni sir na nasakin kasi siya mismo ang nagsingit nun sa schedule niya. Baka tungkol sa problema ng kompanya."

"Ganun ba, sige balik na ako sa loob. Sorry sa istorbo."

"Wala 'yun ano ka ba, sige na kailangan nang kumayod."

Pagbalik ko sa loob ng office ni Devin. Sinimulan ko nang mag-encode ng mga files na hindi ko pa natatapos. Maya't maya ang pagsulyap ko sa cellphone ko. Psh, hindi man lang  niya ako naalalang tawagan o itext man lang.

LUNCH BREAK. Mag-isa akong kumakain sa pinakamalapit na cafe sa opisina. Busy kasi masyado si Meg kaya ako lang mag-isa.

Wala sa sariling umiinom ng iced tea habang nakatitig sa cellphone ko. Tanghali na pero kahit isang text wala. Napabuntong hininga ako.

Napabalikwas ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. My hopes went up but it immediately went down when I saw the caller ID. Si Saddie.

Umorder ulit ako ng chocolate cake at iced tea habang hinihintay sila Barry at Saddie. Gusto kasi nila akong makita at marami silang kwento sakin.

"Mindy!!!" Napatingin ako sa bukana ng café. At nakita kong papasok sina Barry at Sadie.

Siniko ni Sadie si Barry. "Ang ingay mo bakla." Rinig kong sabi nito. Malapit lang kasi ang pwesto ko sa pintuan.

Pagkaupo nila. Umorder na rin sila ng pagkain nila.

"So anong atin?" Tanong ko sa dalawa. "Kumusta ang internship?"

Pagkatanong ko pansin kong namula si Sadie at biglang umasim naman ang mukha ni Barry.

"Hay naku. Nakakainis, gusto ko nang matapos ang OJT natin." Maktol ni Barry.

"Bakit naman e kakaumpisa lang natin noong lunes."

"Nakakainis kasi." Aniya tsaka pinandilatan ng mata si Sadie. Nagkibit-balikat naman ang huli at sinenyasan akong 'wag mo nalang pansinin at nababaliw lang'. Bigla tuloy akong nacurious kung anong nangyayari sakanila sa site nila. Sa kompanya nina Aero Griffith, best friend/ business partner ni Devin.

"Bakit naman?" Natatawang tanong ko. Nakakatawa kasi 'yung facial expression ni Barry parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Ang layo kasi sa office ni fafa Aero 'yung office na napunta saakin. Nakakainis, hindi ko masa-sight palagi 'yung bebe ko. Pero ang nakakainis. At hindi ko matanggap hanggang ngayon ay kung paanong naging assistant secretary ni bebe ang mangkukulam na iyan." Sabay nguso nito kay Sadie.

I'm His Unwanted Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon