† It's Ri-time! Pt.1

114 9 7
                                    


Hi loves! So as promise, andito na mga sagot sa mga binigay niyong questions. Medyo mahaba nga lang so make sure to be extra patient.

1. seoliyes

what year did you start editing? and if you still have your first book cover edit, kindly share it :c

Actually, my very first graphic experience was way back 2011. I used to edit invitations & tarps for my fam & relatives. But sobrang basic lang, mema cringe haha~ Parang for personal needs lang not as a job. Never ko din talaga inisip na magiging graphic designer & artist ang mapagtutuluyan kong career tho I'm art enthusiast talaga, nagtatraditional drawing din ako dati, that's my first love. Nagsimula lang din talaga yung desire ko to consider it nung 2013? Nung kinailangan kong gumawa ng cover for my crap stories hanggang sa mapabilang ako sa group for Graphic Editors sa FB--Wattpad Book Covers Here hanggang sa nawili na ko at here I am. It's a tough journey tbh pero sobrang worth it lahat, lalo't pag passion mo talaga.

First Book cover edit? Wala na ko nun :'( Cover pa naman yun for my very first story din. Nagreformat na kasi ako many times so unfotunately nawala na talaga, pero meron ako around 2014. Ready for an eye sore graphic HAHAHA! Here~

 Ready for an eye sore graphic HAHAHA! Here~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

2. kutsarangpilak

ate ri question ko po sa iyo!! pwede ka po bang gumawa ng cover na galing sa pinterest? kasi sa pinterest madaming edits doon na laman ay fantasy!! pwede po ba?? if ever lang po!!

Hindi ko 'to masyadong gets pero tingin ko parang more on challenge 'to e. Pero don't worry pag lumuwag luwag na yung oras ko at sched, I'll be posting many challenges. Actually may mga pending pa e--#EditThisAgainChallenge and #RiTouchChallenge. Even collabs again. See? HAHA! Gustong gusto ko na din ituloy. Sobrang dami kong gustong gawin pero sobrang liit ng time ko madalas huhu


3. yramagathaclaire

Do you have some tips on manipulation and blended covers? Naloloka na ako magenglish hahahahahahahahahaha 😂

Manipulation? Madami! You can check my posted #RiTouchChallenge here. May mga binigay akong tips and advices. But first of all, kelangan marami ka talagang time and ofc puso--yes that's the key. Kasi you will be spending a lot of time learning. Kelangan tyagain mo talaga at mahalin ang ginagawa mo. Kung gusto mong ipursue as a career remember... there's no secret key, no shortcut. Never stop learning. Kasi you guys, almost 6 years din binuno ko to learn and experience what I'm offering today. Wag na wag niyong mamadaliin. Savour the moment of trial and error kasi dun mo maapreciate lahat after all the stuggles, masasabi mo sa sarili mo "it's all effin worth it."

Blended? Pass tayo dyan HAHAHAHA I must say yan na ang kahinaan ko ngayon. Samantalang dati halos ganyan ang gustong gusto kong ginagawa noon lol. Sa style na kasi 'to diskartehan lang din sa mga stocks na gagamitin e. Parang manip din, pero eto parang gumagawa ka ng abstract painting parang mema lang sa una pero pag nakabuo ka ng magandang base whoa pasok na sa banga. Basta cohesiveness at hindi overly crowded ang pagpapatong-patong at blend. At syempre kelangan may mabubuo pa ding kwento or feels na konektado din sa subject or models.


4. schrielle

first question, ang tagal ko na pong nanonotice na super hd ng final works mo. i just want to ask mo how you're doing it? i tried my best to make mine hd also but not sure kung iyon po yung ginagamit nyo :,(

Use high res photos. Don't settle for low quality ones. Kasi mari-risk ang buong kalidad ng artwork mo. Siguro kasi for my techniques for manip style, as much as possible may depth talaga sila. Detailings, shadows, lightings even retouch...ginagawa ko talaga yun for each element hindi lang sa subject. Manu-mano lalo na nung mouse pa lang gamit ko, kaya nagtatagal din talaga ako sa pagtapos. You could also use plugins, Color Efex, Topaz etc. for overall details pero hindi ko kasi ginagamit yun. I have my own pero... I know this sounds a lil umf pero siguro sa akin na lang yun? I think that's my secret recipe din. I hope y'all understand. Ibalato niyo na lang sa kin yun hihi~

second question, are you editing po your final filters (like color corrections) on photoshop also?

Filters? You mean adjustments? Yes, pero not like PSD colorings ganon...Never na kasi akong gumamit nun. Manually nalang talaga ako naglalagay. I mean depende kasi yan sa color scheme. Marami ka namang pwedeng gamitin adjustments e, usually Gradient Maps ang ginagamit ng ilan, and that's really an effective one. Haluan mo na lang ng iba until mahanap mo yung saktong timpla. Tsaka kasi mahalaga din na swak sa isa't isa yung mga colors na ginagamit natin. Color combos. Y'all should try researching ng mga movie posters by different genres as inspo, malaking tulong. 

And fun fact, movie posters talaga ang naging dahilan why I'm working too hard for photomanipulation style. I remember when I was HS, uso pa pagrent ng mga CD noon or mga pirated haha, nangongolekta akong mga CD na may magagandang movie posters saka ko iisipin or iimagine paano nila nagagawa yon. Pero wala sa isip ko na gumawa ng mga ganon one day as in naaliw lang ba ganon, tignan mo nga naman minsan kung san ka dinadala ng curiosity ano XD


5. JMSaintPeter

Bakit ang cute ko? Jok. Ano-ano po ung tips niyo sa pagla-lighting para maging realistic at magblend ung mga pangs sa bg?

Lighting? Marami na kong nakuhang tanong for this but sige ulitin ko na lang HAHAHA I'm using brush lang talaga along with pentool for precision. Laruin niyo yung opacity and flow niyo. Pero honestly, mahirap talaga lalo pag mouse user, minsan mahirap makontrol unlike pag nakagraphic tab kontrolado mo yung pen pressure. But I'm not discouraging you guys, kasi dyan naman din ako nagsimula before ko napagdesisyunang magkaron ng graphic tab. It's just easier at medyo napapabilis ang process but all process starts in a hard way, kelan ba tayo nagsimula sa madali, hindi ba?

Realistic? Nasa setting kasi yan na bubuuin mo. Sa light source. Anong kulay ng pinakalight source mo, gaano kalayo, saang anggulo, saan tatama, gaano kaintense. Busisiin mo. Imagine ikaw yung andun. Kung nahihirapan ka pa rin, try looking out for photography like sunset, anything na may lightsource na tumatama sa subject. I think if marunong ka din talaga on digital paint since halos ganun din ang process on putting lightings, malaking advantage. But I'm not saying I'm good on digital arts ah, I'm still a learner.


So I think mahahati 'to sa dalawang part. Masyado na kasing mahaba baka mabored na kayo HAHA. Pero bukas din naman ang posting for the part 2, so stay tuned. Thanks sa mga nagtiyagang magbasa ♥ Goodnight!

Cleverism (VOL. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon