Chapter 1

1.5K 50 9
                                    


Dasha


Nagising ako nang may humahalik sa aking pisnge. Hindi na ako magtatanong kung sino ang humahalik sa akin. Understood naman na si Greco mylabs ito. The way he kiss me with so much love, kabisado ko na nga yata iyon.

"Morning, Sleepyhead," he greeted me and kissed the top of my head. I involuntarily closed my eyes. Fini-feel ko ang moment.

"Ang feeling na mukha mo agad ang bubungad sa umaga ko, mylabs. The best feeling ever!" masiglang sambit ko. He stretched his arms and put it around me. He hugged me tightly. Pero maingat iyon, baka kasi maipit namin si baby.

"Mylabs, may pinagsisihan ka ba na mas pinili mong maging normal na tao kaysa ang pamunuan ang mga Rogue?" I asked. Ayos lang naman sa akin na bumalik siya sa pagiging hari ng Rogue Clan. I understand that the Clan needs him to be their king. Basta ipangako niya lang na mag-iingat siya palagi.

"I didn't regret choosing you among of them. At isa pa, Blade can handle it." Napayakap ako sa kanya nang mas mahigpit. Inilapit ko ang aking labi sa kanyang leeg. Ambango niya mga bes! Wala pa rin talagang kupas ang lalaking ito.

"God...langging. Stop torturing me," tila nahihirapang sambit niya. Nakita kong napapapikit na ito. I laughed mentally.

Kawawa naman ang beybi boy ko. Diet sa s*x! Hindi na kasi namin puweding gawin pa iyon. Bawal na. Kung ako nga lang ang tatanungin gusto ko, eh. Waaah! Ang manyak ko na talaga!

"Bawi na lang ako next time, mylabs." Napatakip ako sa bunganga ko. Gosh! What did I say? Babawi ako? Parang ako pa tuloy ang lumabas na mas manyak sa aming dalawa. Hay nakew! Nakakawala talaga sa katinuan ang guwapong mukha ni Greco.

"Pftt...sige bawi ka na lang next time, Langging. Galingan mo, huh?" nakangising sabi niya. Aba't! Nag-eexpect na rin ang mokong. Akala ba niya ay uurongan ko ang hamon niya?
Pwee! Asaners!


Waaah! Inaasar niya na ako. Hambalusin ko siya ng hollowblocks, eh! Pasalamat lang siya at mahal ko ang abs niya— ay este mahal ko talaga siya.

"Maliligo na nga ako." Umupo na ako sa kama. Siya naman ay nanatiling nakahiga pa rin.

"Samahan na kitang maligo?" nakangising wika niya. "Manyak!" sigaw ko. "Well, you like me being a maniac towards you." Kunsabagay may point siya doon. What the eff! Ano na itong pumapasok sa isipan ko? Nababahiran na yata ng mga makamundong bagay ang inosente kong utak!

Bago pa dumanak ang dugo ay nauna na akong pumasok sa banyo. Mahirap na, baka magkaroon ng umaalikabong bakbakan.

"Ah...araaaaaay!" sigaw ko. Humihilab ang tiyan ko. Sobrang sakit sa feeling. Halos mawalan ako ng hininga dahil sa sakit.

"Langging, what's happening?" Alam kong nagpa-panic na si Greco.

"Mylaaabs!! Aaaahh!! Manganganak na yata ako!!!" sigaw ko.

"What? Ano?! Anong lalabas?! F*ck! Anong gagawin ko?!"

"Bwisit  ka! Pumasok ka rito sa loob at dalhin mo ako sa hospital kung gusto mo pang makabuo ng isang basketball team!" sigaw ko.

"F*ck! Coming!" Pumasok siya sa loob ng C.R. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita akong nakahandusay sa sahig. Fear is evidence on his face.
Binuhat niya naman ako palabas ng banyo patungo sa sasakyan niya. I can feel his nervousness. Na para bang siya pa yata ang i-ire para sa akin. Thank, God. I have him by my side.

Pinahiga niya ako sa shotgun seat. Inayos niya muna ang upuan ko bago pumasok sa kabilang side para mag-drive.

"Aaaah! Araaaaay! Mylaaaabs! Hindi ko na kayaaaaaa!!!" daing ko. Sobrang sakit na talaga. Sumabog na rin ang panubigan ko.

"Langging, please... Fight for me and for the baby. Hindi ko kayang mawala ka..." bulong niya. Hawak nito ang isang kamay ko. Sa kanya ako humuhugot ng lakas ngayon.
But I don't think I can make it!
Ayos lang na mawala ako basta mailigtas lang ang baby namin ni Greco. He started the engine. Mabilis ang kanyang pagmamaneho. Sinisikap niyang makaabot kami agad sa hospital.

"Greco...mahal na mahal kitaaa!!!" sigaw ko. Umire ako nang umire. Lalabas na yata ang anak ko.

"Aaaaaaaah!!!!!" sigaw ko.

"Langging!" sigaw niya. His jaw clenched. He is tensed. Kilala ko na siya kapag kinakabahan.

"Uwaaa! Uwaaa!" Ang anak ko... Lalaki ang anak natin, Greco. Nanlaki ang kanyang mga mata. Pagkatapos ay nanubig iyon. Napakagat siya sa kanyang mga labi. Hindi niya napigilan ang mapangiti.

"My son... He's beautiful..." madamdaming aniya. This overwhelming feeling. Nakalimutan ko tuloy ang hirap nang ipinanganak ko siya.

"Dashaaaaa!!" sigaw ni mylabs. She hugged me and our baby. He protected us from a big impact.

*Booooogshh!

Halos mawala ako sa aking katinuan sa sumunod na nangyari. We met an accident. At iyon na ang simula nang pagguho ng mga pangarap ko. I saw him and our baby...full of blood and lifeless...







~Commander Kakaivevz

Stalking my Vampire Husbandजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें