"Sorry tapos na ang visiting hours." sabi ng isang pulis. Sabagay at mags-7 pm na rin.
Agad kaming natahimik ng magbitaw ng salita si Adi. Simpleng salita ngunit nangibabaw ang pagiging malamig na tono nito kaya agad kaming kinilabutan ni Ria sapagkat napakapit siya ng mahigpit sakin.
"Uulit ulit lahat ng nangyari sa nakaraan. May mamatay, may mabubuhay. Nakapag-sisisi din." sabi ni Adi habang naka-tingin sa lalaki. Sandali siyang huminto pero nagular ako sa sunod na sinabi niya. "Dapat pala pinatay ko na kayong lahat."
***
"A-ate? A-ate Phile!" nagulat ako sa pag-response ni Maddy ng makita niya si Adi sa gilid at nagbabasa nglibro. What's up with her name? Nakakalito. Ang sakit sa ulo.
Napatingin naman agad si Adi sa gilid niya. Tumingin siya sa umiiyak na si Maddy. Pano sila nagka-kilala?
"You're awake." simpleng sabi nito habang walang emosyon na nakatingin kay Maddy. At kahit alam kong nanghihina pa si Maddy base sa itsura niya, agad niyang tinawid ang pagitan nila ni AAdi at niyakap ito.
Ngayon. Ngayon ko lang nakita na umiyak ng ganto si Maddy. She's feels so comfortable with her. "Ate Phile, natatakot na ako. Please, ayoko na. I-Ilayo mo na ako." makahulugang sabi nito. Agad na tinapik ni Adi ang balikat ni Maddy bilang pagpapatahan dito.
"I can't. Kaya tatagan mo muna ang loob mo. Alam kong kaya mo yan Maddieson. Alam kong kayang kaya mo." sabi nito. Agad na napa-hagulgol si Maddy sa balikat ni Adi.
"Call your, Mom Demian. Sabihin mo gising na si Adi." sabi ko. Agad naman ay lumabas ako ng private room ni Maddy para tawagan si Mom.
Calling Mommy...
Maka-ilang ring muna bago niya sinagot ang tawag ko. "Yes, Demi?" bakas ang panlalamig sa tono ni Mommy. I wonder why?
"M-mom? Gising na po si Maddy." sabi ko. Narinig ko man sa kabilang linya ang pagbuntong hininga ni Mommy.
"Sige papunta na ako. Sasabihan ko rin si Matthew." sabi ni Mommy na agad kong tinanguan kahit di niya ako nakikita. "Ibaba ko na." dagdag niya pa.
"Teka sandali, Mom." pahabol ko bago niya pa ma-putol ang tawag namin.
"Yes, Demian?" nagulat ako sa pagigising seryoso ng boses ni Mommy.
"Mom, alam kong may alam ka. Naguguluhan na ako. Sobrang nakakalito. Sino ba talaga siya? Bakit ganon, Mommy?" naguguluhan kong tanong. Sobrang nakaka-lito. Di ko na alam gagawin ko.
"Better kung di mo muna malaman, Demi." sabi ni Mom at tumigil na ito sa pagsasalita.
"Ok—"
"Kasi sa nagdaang halos dalawang dekada. Di pa rin masolve itong kasong 'to."
* * *
Lumabas ako sa kwarto para makapag-pahangin dahil naso-suffocate ako. Nahagip ng mata ko si Adi napapalabas ng canteen ng Hospital. Agad ko siyang sinundan.
Alam ko. Alam kong may alam si Adi sa nangyayari sa amim kaya mas mabuti kung tatanungin ko siya. Agad ko siyang hinabol. "Adi!" sigaw ko pa ngunit tila wala siyang narinig. Tuloy tuloy lang siya sa paglakad.
YOU ARE READING
Code: Phile
Mystery / ThrillerI don't do dealing on other person's shits' or problems. I have on my own. But, thing aren't go the way I want it to be. Honestly I'm an Autophile. Probably a 'Phile' girl or what so ever na tawag nila sakin nung nasa-highschool pa ako. Pero, iba...
Code Two: The unsolved case
Start from the beginning
