Code Two: The unsolved case

Start from the beginning
                                        

"Ako na ang pupunta 'ron. Bawal ang estudyante 'don." paalala niya. Tumango ako. Agad siyang umalis at tingin 'ko'y pupunta siya ng faculty or in the facility. Or in the dean's office. I don't know. 

Nakita ko rin si Ria na naka-upo sa gilid ng railings. Mukhang may tinatanaw sa baba. "Ria." tawag ko sa atensyon niya. Tumingin siya sakin. 

"Demi! Tapos na klase niyo?" tanong niya sabay tingin sa relo niya. Nakita ko ang pag-kunot noo niya. "May fifteen minutes pa kayo!" saway niya sakin. "Hala! Pumasok ka dun! Nakita ko yung prof niyo kanina ah!" dagdag pa niya. 

Napa-irap ako. "Umalis yung prof ko." sabi ko. 

"Huh? Bakit?" tanong niya. Inayos ko yung backpack ko. 

"Nakita ko si Avinthel." sabi ko na lang. Mukhang mapapa-haba pa kasi yung usapan e. 

"Huh? Avinthel? Sino— Ahh! Si Ate Adi!" sabi niya tas kumunot ng noo. "Teka?! Nasa room ka! Pano mo makikita? Ako ngang nandito hindi ko nakita eh!"  kumpronta pa niya.

Napa-irap ako. "Nasa likod siya ng building namin. Sa Garden Area. May sumakal sa kanyang lalaki." paliwanag ko. 

Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Ria. "F*ck!? Okay lang ba siya?! Nakita mo yung mukha ng lalaki kanina?! Waaaaaah!" Tugon nito.

"No. Naka-talikod yung lalaki sakin kaya hindi ko nakita." sabi ko. Nakita ko kung pano bumalatay ang pag-aalala sa mukha ni Ria. "I think she'll be okay." 

"Let's go and see her!" agad na sabi ni Ria.

"No. Hintayin na lang natin siya sa labas. We can't medde. And since, hindi tayo pwedeng maki-alam sa kaso." agad na sabi ko. Naga-alala man ay tumango na lang si Ria.

***

"How dare you!" sabi ko sabay sugod sa lalaking naka-posas. Agad akong hinawakan ni Ria para pigilan ang pagtatangis baga ko.

"Calm down, Demi." agad na sabi ni Ria.

"Sinong nag-utos sayo ha?! Magkano ang binayad sayo?! Tell me! Bakit siya pa! Bakit si Maddy pa!" sigaw ko sa lalaki. Tumingin ito kay Adi na prenteng naka-upo at tinitingnan lang ako.

"Nagkita na naman tayo, Phile. Kumusta ka? Haha. Nasiyahan ka ba sa regalo ko?" Sabi ng lalaki at tila binalewala ako.

"I'm fine. Ikaw ba? Pangalawang beses na 'to ah? Una si, Srkyl ngayon naman ang kapatid ni Matt? Sabihin mo,siya pa rin ba ang nag-utos?" sabi ni Adi ng walang emosyon. Mahihimigan din ang accent sa kanyang boses.

"Sino pa ba? Sabi ko naman sayo noon, siya lang ang kalaban niyo. Pero sa totoo lang.. Madami kayo. sila." bulong nito.

"I know. Pero di ako makapaniwala. Akalain mo yon, binabalikan niyo ulit yung nakaraan?" sabi nito habang kalmadong kalmado. Naupo naman ako sa tabi ni Ria at pilit na kinakalma ang sarili ko.

"Alam mo, Phile kahit nagbago ang pisikal mong ka-anyo-an nakikita ko pa rin yung dating ikaw. Yung mahina na Phileshonica." sabi nito sabay tawa kaya napunta sa kanya ang atensyon ng ibang pulis na naka-paligid samin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Code: PhileWhere stories live. Discover now