Code Two: The unsolved case

Start from the beginning
                                        

"Sa hospital at presinto. Dadaan ka naman mamaya dun diba?" tanong ni Ria. Bahagyang napa-tango ako.

"Yep. Titingin ko yung lagay ni Maddy." sabi ko habang inu-ubos yung ice cream.

"Sasabay na lang kami sayo pag-tapos natin sa presinto ah?" sabi niya. Inu-ubos na rin niya yung ice cream niya.

"Okay. Daanan muna natin yung locker ko dahil ipapasok ko 'run yung ibang libro ko." sabi ko. Tumingin siya sakin sabay ngiti. Tumango rin siya pag-tapos. 

Pumasok ako uli tsaka, iniligpit yung gamit ko. Sumunod din maya maya si Jemmy. 

Umupo na ako sa upuan malapit sa bintana tsaka tumanaw. Nasa 3rd floor kasi 'tong room ko.

 Ang ganda nung langit papa-lubog na yung araw. Ang aliwalas. Kabaliktaran ng nararamdaman ko. Hindi pa rin ako mapa-kali kung sino yung taong may-gawa nun. Lagot siya mamaya sakin sa presinto. Napa-buntong hininga ako tsaka 'ko bumababa ng tingin sa likod ng building namin. 

Garden kasi ang likod nito at I must say na ang ganda talaga ng garden dito. Pero, natatakpan na dahil padilim na.

 Maraming iba-ibang klaseng flowers pero, strictly students are not allowed. I wonder why. 

Titingin na dapat ako sa harap ng may mapansin ang mapupungay at magaganda kong mata. 

Is that... Avinthel?

She's talking to a guy. Hindi ko makita kasi naka-talikod yung lalaki pero, kitang kita ko —kahit medyo madilim na— si Avinthel na naka-kunot ang noo at halatang galit sa kausap niyang lalaki na may cap. 

Bawal dyan sa garden ah?

Napa-lingon uli ako kay Avinthel. Hindi ko marinig yung pinag-uusapan nila since malayo siya sa pwesto ko. Nakita kong dinuro-duro ni Avinthel yung lalaki habang sumisigaw-sigaw. At kahit malayo ay nakita ko ang mga tubig na kumikinang dahil natatamaan ito ng araw. 

Umi-iyak siya...

Napa-iling ako. Babawiin ko na sana yung tingin ko nang makita kong hinawakan ng lalaki yung braso ni Avinthel. Kita ko ring namilit si Avinthel sa sakit. Napa-tayo ako nung nanlaban si Avinthel. Pero, hindi lang yun.

Sh*t! Sinasakal na siya nung lalaki!

Hindi muna ako kumibo dahil tinitingnan ko pa rin iyon. Kita ko ang pag-singhap ni Avinthel ng hangin. Agad kong binuksan yung bintana at sumilip.

"HOY!!!" sigaw ko. Alam kong naka-kuha yun ng pansin dito sa loob ng room namin kaya sumilip din yung iba kong kaklase na malapit sa bintana. 

Nakita kong napa-bitaw yung lalaki kay Avinthel sabay takbo. Napa-luhod si Avinthel habang hawak niya yung leeg niya. Agad kong kinuha yung bag ko tsaka 'ko patakbong tinungo yung pintuan, na saktong bumukas dahil pa-papasok yung prof naming lalaking matanda. Napa-kunot yung noo niya nang maka-salubong niya 'ko.

"Ms. Herrera." banta niya. "Where are you going?" dagdag na tanong pa nito habang ina-ayos ang suot niyang salamin. 

Napa-kagat ako ng labi. "Sir, may sinakal pong babae sa likod ng building natin. Sa may garden area." tarantang sabi ko.  Halatang nagulat siya at nanlaki naman ang mata niya tsaka siya tumabi ng daan. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Code: PhileWhere stories live. Discover now