Code Two: The unsolved case

Start from the beginning
                                        

"Jemmy at Demi may nagha-hanap sa inyo sa labas." sabi ni Cristine. 

Kumunot ang noo ko. Napa-tingin din ako sa relo ko. Malapit na matapos ang klase namin.  Agad akong tumayo ng mapansin kong nauna na pala si Jemmy sa labas. May lalaking nagha-hanap kay Jemmy at mukhang nagpa-paalam.

"Babe, dun na lang ako sa bahay ah? Intayin na lang kita." sabi ni Jemmy. 

"Sige, babe. May practice din kasi kami at baka matagalan pa ako." sabi nung 'babe' ni Jemmy. 

Ngumiti si Jemmy tsaka hahalikan sana yung 'babe' niya nung umiwas yung lalaki at tumingin sa ibang direksyon. Mukhang may mali? 

"Demi!" rinig kong tili sa maganda kong pangalan. Nakita ko si Ria na palukso-luksong lumapit sakin habang may dalawang Cornetto ice cream. 

"Ria?" takang tanong ko. Nang maka-lapit siya sakin ay ibinigay niya sakin yung isang Cornetto tsaka niya binuksan yung isa at kinain. "Bakit ka nandito? Tsaka bakit namumula yang mata mo?!" takang tanong ko. Napa-irap siya. 

"Gumawa ako ng story para ma-excuse ako, hihi! Alam mo na~ Malapit na tayong pumunta sa presinto. Sinabi ba sayo ni Ate Adi kung saang presinto?" sabi niya sabay kagat sa ice cream niya. I frown. 

"Anong istorya naman ang sinabi mo? And, no. Hindi nasabi ni Avinthel kanina kung saang presinto." paliwanag ko. Binuksan ko na rin yung ice cream. Nagugutom na rin kasi ako, though alam ko namang hindi 'to nakaka-busog. 

"Waaah! Pano natin mapupuntahan yung presinto?" tanong nito. Nag-kibit balikat ako. 

"Nandito din naman siya sa same university. Makikita din natin siya later... I think?" hindi sure na sabi ko. Napa-frown siya saka pinalo yung braso ko. Muntik pa tuloy mahulog yung ice cream ko! Huhuhuhu (TT^TT)

"Tsk. Tsk. Kukuhain ko na lang mamaya yung number ni Ate Adi. And, by the way gusto raw sumama ni Lucas? Pwede ba? Alam mo naman yun may gusto kay Maddy." sabi niya sabay dila sa ice cream niya. Napa-hinto ako. 

"Tsinismis mo na agad sa iba?" naka-kunot na noo'ng sabi ko. Bahagya siya tumango. 

Ngumuso si Ria. "Kasi naman e. Nataka daw siya kung bakit second day na second day ng pasok tas, hindi siya pumasok." sabi nito. 

"Paano mo naman masasabi e, highschool pa lang naman sila ni Lucas?" takang tanong ko. Dun siya umiwas ng tingin. 

Napa-buntong hininga siya. "Fine. Sinabi ko. Tinawagan ko siya kanina. Sorry." naka-tungong sabi nito.  

Napa-taas ako ng kilay ko. "Bakit mo naman yun sinabi, aber?" sabi ko habang patuloy na kumakain ng ice cream ko. 

"Kasi pinsan ko si Lucas. At syempre gusto niya si Maddy. So... yeah." sabi niya ng hindi maka-tingin sakin. 

"I know na pinsan mo si Lucas. At alam ko ring gusto niya si Maddy. Ayun lang ba talaga?" nani-ningkit na matang sabi ko. 

Tumango siya." O-Oo..." halos pabulong niya nang sabi. Tumango na lang ako at pinag-sawalang bahala. 

"Teka? Saan siya sasama? Dun sa presinto o sa hospital?" takang tanong ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Code: PhileWhere stories live. Discover now