Chapter 4:Worst Day

42 1 2
                                    

Chapter 4:

Matapos sabihin ni Carl yung mga kalokohang katagang iyon ay nag pa alam na siya kay mommy at umalis na.

Tinignan ko si mommy na may ngising tagumpay.Paniwalang paniwala naman tong nanay ko.

"Mommy he's not my boyfriend"pilit kong pinapaniwala si mommy.

"Nicole anak,okay lang naman sa akin na mag boyfriend ka.Ayoko rin naman kasi na tumanda kang dalaga"ghawd ano ba tong nangyayari sa akin?

Paakyat na si mommy upang matulog.Bago pa man siya maka akyat ay sinabihan pa niya ako.

"Oh sige umakyat kana rin at matulog na.Baka magkita pa kayo nung 'boyfriend' mo. Gabi na.Goodnight anak"-mommy

"Mommy naman ehhh!! Diko nga siya boyfriend"pagmamaktol ko. Kulit eh. Mas masahol pa sa bata.

"Ay jusko itinatanggi pa kasi."tuma-tawa niyang sabi at mangiyak-ngiyak na rin dahil sa tawa.

"Goodnight na nga po."hinalikan ko na siya sa pisnge at umakyat na.Bago pa man ako maka akyat ng tuluyan ay may sinabi pa ako.

"Mommy....hindi ko po talaga siya boyfriend.GOODNIGHT!!"pagka sabi ko nun ay kumaripas na ako ng takbo pa akyat.Narinig ko pang humalakhak ang mommy ko.

Napailing nalang ako pag pasok ko ng kwarto.Ini-lock ko ang pintuan ko at isinara na ang mga bintana.

Nanghina ako ng makita ko ang kama ko.I'm so tired.Pero hindi naman ako pwedeng matulog ng hindi nag huhugas at nag papalit.

Kaya bago pa ako maakit ng walang hiya kong kama ay dumiretso na ako sa banyo ng kwarto ko at lumusob na sa tubig.

Pagka tapos kong mag babad ng halos isang oras sa bathtub ay nag bihis na ako at humiga na.

Pilit kong ipikit ang mga mata ko upang matulog na pero hindi parin ako mapakali.

Iniisip ko parin yung nangyari kanina.

Iniligtas niya ba talaga ako?
Pero bakit?Anong rason?

Saka BOYFRIEND?!Alam kong malandi at mayabang siya alam kong playboy siya.Pero hindi ko alam na feeling siya.

Gagawin niya ba akong isa sa mga babae niya?

HELL NO!! Ayoko!!

Naka ilang pagulong gulong na siguro ako sa kama ko ng sa wakas ay dinalaw na rin ako ng antok.

Chineck ko ang orasan,ganun nalang ang gulat ko ng makitang mag tu-2:00 na pala.Ghhaawdd bilis ng oras. Madaling araw na pala.

' Sa sobrag bilis ng panahon dimo namamalayan ang mga pangyayari'

Ipinikit ko ang mga mata ko at tuluyan ng natulog.

~~~~~~~~

Nagising ako sa sikat ng araw na tuma-tama sa may mukha ko.Hindi ko pala nai-sara yung mga kurtina ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ang wall clock.

JUSKO LATE NA AKO!!!!

Bakit hindi tumunog yung alarm ko!!Sarap ihagis!

Nag madali na akong maligo at nag bihis. Hindi ko na nga na blow dry yung buhok ko eh.Hayaan mo na ngang magulo.

"Mommy pasok na po ako." pag ka babang pag ka baba ko ng hagdan ay lumakad na ako diretso sa pinto.Pero nakita ko si mommy.

"Hindi ka ba kakain man lang anak?"

"Hindi na mommy late na ako."

"Oh siya sige.Bye anak,ingat.Ipaka musta mo nalang ako sa boyfriend mo"ok na sana eh.Eto nanaman tayo sa boyfriend boyfriend na to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Mr.Gago Entered my Peaceful LifeWhere stories live. Discover now