Chapter 1:Humanda ka sa akin

73 3 5
                                    

Chapter 1:

"NICOLEEEEEE!"napangiwi ako sa lakas ng sigaw ni Zaine habang tumatakbo siya papunta sa direksyon ko.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa ginawang pag sigaw at pagtakbo niya.

"Ano nanaman problema mo at sumisigaw ka?"tanong ko sa kanya.

"Oh my God,Nicole!Alam mo ba ha?Na~"tinakpan ko ang bunganga niya at ako naman ang nag salita.Napaka daldal eh.

"Hindi Zaine.Hindi ko pa alam.At alam mo bang uso himinga?Relax okay?Hindi ka naman mamamatay kapag hindi mo nasabi sa akin agad yan.Mas mamamatay ka kapag hindi ka huminga."inirapan ko siya.

Hinihingal na nga ang bilis pa dumada.

Ginawa nga niya ang sinabi ko at huminga ng malalim.

I rolled my eyes at her ng bigla nanaman siyang nag tatatalon habang tumitili at niyuyugyog ako sa balikat.Pwede bang ihulog ko nalang siya sa hagdan?

Ano bang problema ng babaeng to?

"Ano bang problema mo?"tanong ko sa kanya.

"Kyaaaaaaa alam mo bang naka salubong ko kanina si crush.Si Ethan best si Ethan.Tapos nag Hi pa siya sa akin."yun lang pala eh akala ko kung ano na.Hyper market talaga tong babaeng to.

"Really?Good for you then."tipid at walang buhay kong sagot.Ipinag patuloy ko nalang ang pag lalakad.

Oo nga pala nakalimutan kong mag pa kilala.Ako nga pala si Xyrielle Avereigh Nicole Acosta.Ang haba no?Kung gaano kahaba ang pangalan ko yun naman yung kina iksi ng pasensya ko.Ewan ko ba sa mga magulang ko haba haba,pwede namang Nicole lang.Im 17 years old.At eto nga palang kasama ko She's Zaine Nathalie Montreal.Ang hyper market kong bestfriend.Bestfriend ko siya since elem.Siya lang yung gusto kong maging bestfriend.Hindi kasi siya maarte at plastik.

Nagulat ako ng batukan niya ako.

"Arayyy!!Bakit ka nambabatok jan."bigla bigla nalang kasing nam babatok tong bruhang to.

Nilingon ko siya at nakita kong naka simangot siya at biglang ngumiti.Napa kunot noo ako sa ginawa niya.Problema nito?

"Wala gutom lang ako.Tara kain tayo."napa nganga nalang ako sa inasal niya.Kaibigan ko ba talaga to?

At dahil nga sa nagugutom siya at ako na rin pumunta na kami sa cafeteria.

Nag order lang kami ng juice at fries.

Habang nag hahanap kami ng mauupuan,dumada nanaman siya.

"Hoy ano na?May love life kana ba?tss araw araw nalang ba?

"Ano yun nakakain ba yun?"inosente kong tanong sa kanya.

"Ang bitter mo talaga no?Ilang ampalaya ba nilalaklak mo sa isang araw?"umirap siya at pinag patuloy ang pag kain.

"Wala naman kasi akong pake alam sa mga yan eh.Distraction lang yan sa pag-aaral.Saka lahat ng yan man loloko."bitter na kung bitter.Pero yun yung totoo.

"Best wag mo namang lahatin,hindi naman ganun si Ethan ko no.Saka tandaan mo best hindi lahat ng lalaki katulad ng da-"sinamaan ko siya ng tingin kaya napa tahimik siya.

"Zaine pwede ba?Wag na wag mong isinasali sa usapan yung manlolokong yun."ni hindi ko na siya tinatawag na daddy o kahit ano.Hindi naman kasi niya deserve na maigalang eh.

"Nicole pag bali baliktarin mo man ang mundo.Kahit gaano pa kasakit ang ginawa ng daddy mo sa inyo,his still your father.Kailangan mo parin siyang igalang at mahalin."may punto siya pero anong karapatan niya.Bakit ko siya igagalang?Sa ginawa niya sa amin nila mommy?

"Paano ko mamahalin ang isang taong ni minsan hindi kami minahal at pinahalagahan?"hik."Yes you're right his still my father,pero bakit ko siya igagalang?Hindi niya deserve na maigalang dahil ni minsan hindi niya kami ginalang."humagulgol na ako sa iyak.

Bakit ba napaka babaw ko.Bakit ba palagi nalang akong umiiyak sa tuwing pinag uusapan namin siya?

I miss him,I miss my daddy.We used to be super close before.Before he leave us.Before he cheat.

Miss ko na yung daddy kong anjan palagi para sa akin.Palaging kalaro ko.Palaging pumapahid sa mga luha ko tuwing imiiyak ako at nalulungkot.

Bakit ba kasi kailangan pa nilang mag loko?Bakit kailangan pa nilang mag hanap ng iba?Masaya naman kami ah.Wala naman kaming problema.Pero bakit ganun?

"Shhh...tahan na.You need to forgive tito.Hindi naman pwedeng habang buhay kang galit sa kanya."lalo lang akong naiyak.Mas naiiyak ako kapag may nag ko comfort sa akin.

"Bakit kasi ganun sila?'hik'Bakit kasi kailangan pa nilang mag loko at mag hanap ng iba?Sabi niya mahal niya kami 'hik' kung ganun bakit niya kami iniwan?"patuloy lang ako sa pag iyak at patuloy lang rin si Zaine sa pag tahan sa akin ng biglang tumunog ang bell hudyat na mag uumpisa nanaman ang klase.

Nag pasya kaming pumasok na sa mga klase namin.Hiwalay kami ngayon ng klase.Pero mag katabi lang naman ang room namin kaya sabay na kaming nag lakad.

Habang nag lalakad kami may biglang pumatid sa paa ko kaya napadapa ako.

Tinulungan akong bumangon ni Zaine.Narinig kong nag tawanan ang grupo ng mga lalaki,alam kong isa sa kanila at pumatid sa akin.Alam kong sadya yon.

"Tsk,stupid"rinig kong bulong ng isang lalaki.

Naglakad na sila papalayo pero nakita kong lumingon sa akin yung leader nilang shokoy na pangit na si Carl.

Kilala siya sa buong school.Siya raw kasi yung prince nila.

Nakita ko rin siyang ngumisi.Aba ngingisi ngisi pa tong shokoy na to.Eh kung sapatusin ko kaya siya.

"Madapa ka sana!"sigaw ko sa kanya.

Aba kung sinuswerte ka nga naman.Nadapa nga ang shokoy.

Lumingon siya sa akin at tinignan ako ng masama.Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Kasalanan ko bang nangyari ang gusto ko?

Buti nga sayo shokoy ka.Pinag patuloy nalang namin ang pag lalakad at dumiretso na sa room.

"Sige Nicole una na ako"tinanguan ko lang si Zaine at pumasok na.

Buti at wala pang prof.Nag hanap ako ng bakanteng upuan,at may nakita ako sa may tabi ng bintana.

Umupo lang ako doon hanggang sa dumating na ang prof.

Habang nag le lecture siya may biglang pumasok na lalaki.Hindi man lang nag atubiling bumati.

Si shokoy pala.Classmate ko pala to.

Tinignan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa akin.

"Good morning Mr.Silveña"bati ng prof.sa kanya.Imbes na sumagot ay dirediretsyo siyang nag lakad papunta sa likod ko.

Iba na talaga ngayon.Guro na ang bumabati at mga studyante na ang binabati.

Napailing nalang ako at nakinig nalang ulit.

Habang nakikinig ako iginalaw ko ang ulo ko para tumingin sana sa labas,pero parang may nananabunot sa akin.

Pag tingin ko sa likod nakita kong naka tali na yung buhok ko sa may upuan.

Bakit diko man lang naramdaman?

Tinignan ko si shokoy at nakita kong naka ngisi siya.

"Oww you again"kunwari hindi ako nakita kanina?Bwisit na to.

"Hoy tanggalin mo yang buhol sa buhok ko at baka ikaw ang ibuhol ko jan"tinaasan lang niya ako ng kilay na parang walang na rinig.

"Class dismiss"Sabi ng prof at lumabas na silang lahat.Kasama si shokoy.

Huhuhu yung buhok ko.

Kumuha ako ng gunting at ginupit nalang yung pag kakabuhol ng buhok ko.

Bwisit na bakulaw yon.Humanda ka sa akin.Kakalbuhin kita.



:Bea-Chan
***********
Hello guys please pa support po ng story ko.It's my first time to make a story po.Salamat:)

When Mr.Gago Entered my Peaceful LifeWhere stories live. Discover now