3

10 0 0
                                    

Artemis archille D. garcia POV

MAAGA akong nagising gaya ng lagi kong ginagawa. Hinanda ko ang sarili ko, nag-ayos at panandaliang tumingin sa maliit kong salamin. Nitong mga nakaraang araw may iba akong nararamdaman. Dala ba ng pagtanda? O dahil nada edad na ako kung saan nag mature na ako? May anxiety ba? Hindi ko kasi maintindihan yung nararamdaman ko. Lagi akong takot, pagod, malungkot at ang bigat sa dibdib.


"Maganda ka naman temis. Sino kayang kamukha mo?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Walang nagbago sa mukha ko, wala akong tigyawat pero ang laki ng eyebags ko. Mukha na akong multo nito o kaya naman ey yung mga nasapak sa kanto.


Mahaba pa ang oras kaya napagdesisyunan ko na mag-ayos nalang ng bag. Hindi naman ito ganoon kakalat pero gusto kong ayusin lang.


Nang matapos kong ayusin ang mga notebook binder at catleya ko bigla kong nakita ang Diary ko. Hindi na pala ako nakapagsulat. Wala na rin akong gaanong gana magsulat sa ngayon kaya napagdesisyunan ko nalang na kunin ito at basahin.



Biglang lumamig sa silid ko. Hindi naman ako naka aircon at wala namang electric fan na nakabukas. Bigla akong kinilabutan at kinabahan. Unti-unti kong binuklat ang diary ko at nilipat-lipat ang pahina...


Natigilan ako nang makita ko ang isang dugo sa kalagitnaan mg diary ko. Nilipat kong muli ang pahina, alam kong dugo yun dahil sa kulay at amoy. Kinabahan na ako at mas tumindig pa ang balahibo ko nang biglang bumungad saakin ang mga salitang.





"MAMAMATAY KA"



Hindi ko alam kung sino ang may gawa nito. Wala akong kaklase na nakikialam ng bag ko at hindi ko nilalabas ang diary na to sa silid. Sino ang may gawa nito? Wala akong kaaway o kilalang pwedeng mainggit o magalit saakin.



Matagal akong napatitig sa sulat na iyon. Kahit puno ng takot ay bigla akong napangiti, nilakasan ko ang loob ko at pinilit maging matapang. Hindi ako pinalaking mahina nila mama kaya bakit ko aatrasan 'to?



Kamatayan?



Ilang beses ko na nakaharap si kamatayan kaya anong dapat kong katakutan? Papatayin ako ng isang misteryosong nilalang? Handa ako at kung sino man siya, ako ang papatay sa kaniya. Kailangan kong lakasan ang loob ko at balewalain ito pansamantala dahil may klase pa ako.




Ibinalik ko sa bag yung notebook at naghintay nalang ako na mag 5am nang makasakay na ako sa shuttle.



LUTANG ako buong klase namin. Wala ni isang lecture ang pumasok sa utak ko. Bukod sa iniisip ko kung sino sa mga kaklase ko ang sumulat nun, naging mapagmasid din ako sa paligid ko. Hindi ako pwedeng mapatay ng kung sinoman na yun.




Nasa cafeteria ako ngayon kasama si nori. Kumakain siya at seryosong nakatingin saakin. Siguro ay napansin niya na iba ang aura ko ngayon. Pero imbes na magtanong ay hinayaan niya nalang ako. Dapat ko banv ikuwento kay nori yun? Kaibigan ko naman na siya kaya wala naman sigurong masama?





"Nori" mahinang pagtawag ko, narinig naman niya at saka sumagot



"May gusto akong ikuwento pero sana saatin lang to ha? Wag sana lumabas kahit kanino" ngumiti naman siya t tumango.



"Pansin kong hindi ka okay ngayon temis. Ano bang nangyari?"




"May nagbabanta sa buhay ko. May makita akong sulat sa diary ko na nagsasabi na mamamatay daw ako. Nakasulat siya sa dugo nori" bakas sa mukha ni nori ang galit at takot


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Look for me and you will DIEWhere stories live. Discover now