2

57 1 1
                                    

   
    Artemis archille D. garcia POV

"Garcia, paano kung totoong imortal ka? O ako? Hahahah tapos biglang mangyari yun?" seryosong tanong ni Mr. Leader.




"Hmm... Hindi ko alam."sagot ko. Hindi talaga ako fan ng fantasy o kung ano. To be honest, mula nung nag mature ako wala na. Hindi na ako nahilig sa mga fantasy.


"Dalii naa, paano kung mortal ako tapos mag jowa tayo!!! Paano na? Anong gagawin mo?! "makulit na tanong niya. Tragiiis gusto ba ako ng kupal na 'to?




"Crush mo ba ako? Ha? Tragis paulit-ulit ka diyan sa tanong mo"natawa naman siya sa sinabi ko.




"Hindi kita type ano?! Tsk masyado kang feelingera. Gusto ko lang malaman yung sagot mo sa tanong ko." natatawang sagot niya


"I like fantasy when I was young. Minsan pa para akong nag hahallucinate. May mga nakikita akong ibang nilalang. Pero mula nung nag mature ako, nung naramdaman ko yung hirap sa buhay, hindi na ako naniwala pa sa fantasy. So stop na diyan sa tanong mong nonsense "




" What if lang naman kasi... Makisamaa ka namaan!" pagpilit niya pa


"okay sige. " maikling sagot ko




"Kung pareho tayong immortal tapos magkalaban tayo pero mahal natin isa't isa? Pero kailangan isa saatin ang mamamatay. Gagawin mooo?! Matinong sagot" napaisip ako bigla dun.


"Gusto kong mabuhay ka. Ayokong makipaglaban sayo o patayin ka dahil mahal kita." seryosong sagot ko. Bigla na naman akong nakaramdam ng sakit. Yung nararamdaman ko kapag nasa Intramuros ako, nararamdaman ko ngayon.


Hinga... Hingaa!!! Kalma temis...


"Eh kung masama ang mga kalahi ko? Paano kung yung kaharian niyo nasira o masisira kung mabubuhay ako. Laban yun sa pagitan ng dalawang kaharian." napaisip ako bigla at sa di inaasang pagkakataon, nanikip muli ang aking dibdib.




"Ang nasasakupan ko ba o ang taong mahal ko... Mahirap yang sitwasyon na yan ah? Hahahah makikipaglaban ako para sa nasasakupan ko at papatayin ka. Kapag natapos na ang laban, ibibigay ko ang posisyon ko sa iba. At susunod ako sa taong mahal ko."


"Sana nga ganiyan ang nangyari..." mahinang sabi niya.


"Ha?" nalilitong tanong ko


"Basta kung mangyayari yun, dapat patayin mo yung taong mahal mo!" sabi niya.




"Depende" maiksing sagot ko sabay tayo. "papasok na ako sa silid ko, pumasok ka na rin sa dormitoryo niyo."


Hindi ko na hinihtay pa ang sagot niya. Iniwan ko na siya dun sa bench at agad na akomg nahiga sa kama ko. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko.




Paano kaya kung totoo yun? Kung immortal ako tapos kailangan kong patayin ang taong mahal ko... Masakit yun.




Pinilit kong matulog pero nanatiling gising ang diwa ko. Haaaays ano ba namaaan kaseeeee!!!! May paaaaasook pa akooo! Bangaaag na naman ako nito haaaaysue!



Umupo nalang ako sa study table ko at nag-aral. Lagi kong ginagawa 'to kapag di ako makatulog, advance reading lang hanggang sa dalawin ng antok.

-

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Mabilis lang ang ginawa kong pagligo at paghanda ng mga gamit ko. Mamaya diretso nalang siguro ako sa Divisoria para mamili at makalimot na rin sa mga naging usapan namin ni leader kagabi.



Look for me and you will DIEWhere stories live. Discover now