1

105 3 6
                                    

Artemis archille D. garcia POV



ISANG MALAKING CHAROOOT!!! WALANG FANTASY! WALANG PALASYO PALASYO!! HAHHAHHAHAH LAHAT NG YUN AY PURO KALOKOHAAAN LAANG!



AKO SI ARTEMIS ARCHILLE D. GARCIA, NAG-IISANG ANAK LANG AKO AT MULA AKO SA MAHIRAP NA PAMILYA!!!




ANG TOTOO NIYAN, AMPON LANG NILA AKO. HINDI SILA MAGKAROON NG ANAK KAYA NOONG NAKITA AKO NI TATAY SA GILID NG QUIAPO, KINUHA NA NIYA AKO AT PINALAKI NILA AKO. ANG SABI NG IBA, PROSTITUTE DAW ANG NANAY KO AT KAYA AKO INIWAN SA GILID NG QUIAPO KASI AYAW NIYA NG RESPONSIBILIDAD. SABI NAMAN NG IBA, BATANG INA DAW, NAPAANAKAN GANUN. 




KUNG SINOMAN YUNG TOTOONG MAGULANG KO, SANA HINDI NALANG NILA AKO GINAWA KUNG IIWAN LANG DIN NILA AKO KUNG SAAN. NAGSANHI PA TULOY AKO NG ABALA SA IBA. PERO LAKING PASALAMAT KO DAHIL NARIYAN SILA TATAY PARA PALAKIHIN AKO NANG MAAYOS.




Nasa Carriedo kami nakatira, sa mga hindi alam kung saan yun, isang lugar yun sa manila.  Malapit sa quiapo church kung saan maraming mga informal settlers. Isa kami sa mga informal settlers na yun. Nasa college na ako ngayon at educ. ang kursong kinuha ko major in history.


Mahirap para saakin kasi mahirap lang kami, literal na mahirap. Yung mama ko nagtitinda lang siya ng tinapa sa gilid ng simbahan sa quiapo tapos si papa naman isang jeep driver, rutang divisoria, binondo, carriedo, españa. Paminsan ay quapo to litex manggahan. Ang kinikita nila ay sakto lang. 




Hindi nila kaya yung tuition fee ko kaya nagtake ako ng scholarship para makapasok sa MEU o Manila East University. Nakapasok naman ako sa PUP at UP pero pinili ko ang school na to kasi may offer silang libreng dorm at allowance. Sa UP at PUP kasi allowance lang. Hindi ito sikat na University at tago ito. Parang pinagsamang Manila University at University of the East.  Mayroon din akong trabaho tuwing Saturday. Ako yung taga linis dito sa school namin at syempre may negosyo din ako!!! Maliit na negosyo lang naman pero nabubuhay din ako nito. Binubuhay rin ako ng mga scholarship na nakukuha ko. Salamat talaga sa mga tax payers.




Malapit lang sa amin ang paaralang pinapasukan ko pero hindi na ako umuuwi dahil ang Unibersidad na ito ay may mga dormitoryong pinapahiram o pinagamit sa mga estudyante nila. Malaki rin naman ito at maraming estudyante pero hindi ito sing sikat ng ibang University.



Sa totoo lang pangarap ko ang makapasok sa UST o kaya naman sa FEU. Tuwing may project kami, dumadaan ako dun sa dalawang University na yun. Nakakatuwa lang dahil pwede akong makapasok. Pinapayagan naman nila ako pero syempre kakahiya pa rin minsan. Alam niyo ba?! Yung negosyo ko, nagbebenta ako ng mga Teddy bear at some sweets sa tapat ng UST at  sa mga schools tuwing uwian ko o kaya naman nag oonline selling ako pati mga damit, go!!!






Ito na yung last sem ko, graduating na ako at soon kukuha na ako ng lisensya para makapagturo na ako. Mantakin niyo yun? Sa hirap ng buhay namin nagawa kooo!!! Ngayon malapit ko na maabot ang pangarap ko. Malay natin makapasok ako sa UST bilang isang guro. Umaasa pa rin akong makapasok ng UST. 




"Ms. Garcia?! Lutang ka nanaman?!" sigaw ng leader namin sa research. "Nakakirita ka na ah?! Graduating na tayo tapos gaganyan ka pa! Thesis isipin mo hindi kalandian" masakit magsalita hahhahaha kung babae ka lang sana nasampal na kita.

Look for me and you will DIEWhere stories live. Discover now