Chapter 20: Let Me Hold You Like This

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero nag-aalala ako sa tao. Wala syang ibang kasama ngayon dito kung hindi ako.

Kapag ginawa ko iyon ay para ko na ring sinira ang sarili kong salita.

Napapikit ako. Nagtatalo ang isip ko sa mali at tama kong gawin. Sa pagmulat ko ay nakita ko si Callie sa parehong posisyon.

Hindi ko sya maaring pabayaan.

Bahala na. Sa ngayon ang mahalaga ay makausap ko sya.

Lumapit ako dito at nanatiling nakatayo sa gilid.

"Callie?"

Sinubukan ko syang tawagin pero parang wala itong naririnig. Akmang iinom syang muli sa baso ng mabilis kong pigilan ang kamay nya. Natigilan ito at bumaling sa akin. Kitang kita ko ang pagod na pagod nitong mga mata.

"A..ayos ka lang?"

Tanong ko dito nang hindi sya magsalita. Natigilan ako ng makita ko ang madilim na pagtingin nito sa akin. Bigla akong natakot. Nag-iwas sya ng tingin. Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay nito kaya natuloy nyang inumin ang alak na nasa baso. Hindi ako na akong muling nag-isa. Mukha ang gusto nya lang ay mapag-isa.

Tumalikod ako pero bago pa ako makalayo ay may bigla humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa akin pagkatapos ay kay Callie. Lumingon sya sa akin. Di gaya ng madilim na mukha nito kanina ay iba na ang ipinapakita ng mga mata nya ngayon. Naramdaman ko ang mahinang pagpisil nito sa kamay ko.

"Stay."

"May problema ka ba?"

Nanatili akong nakatayo habang hawak nito ang kamay ko. Mapait syang ngumiti at umiling.

"Don't worry about me. I'm gonna be fine."

"May problema ka nga. P..pwede mo namang sabihin sa akin."

Nagliwanang ang mukha nito at bahagyang ngumiti.

"K..kung gusto mo lang naman."

Tumawa sya ng mahina.

"Even if I wanted to, hindi ko naman gugustuhing problemahin mo ang problema ko. Ayokong nahihirapan ka."

Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko sa sinabi nya.

"W..wala naman pala akong kayang gawin para sa'yo."

Umiling ito at mahinang tumawa. Nakita kong inilapag nya ang basong hawak nya sa kabilang kamay. Dahan dahan nya akong hinila palapit sa kanya. Akala ko ay iuupo nya ako sa tabi nya ngunit sa gulat ko at hinila nya ako paupo sa hita.

"C..callie.. s..andali."

Sinubukan kong pumapalag pero di ko magawa. Kaya ko pero bakit pagdating dito ay nanghihina ako.

"Sshhh."

Naupo ako sa hita nya patalikod sa kanya. Hindi nagtagal ay biglang yumakap sa akin ang braso nito.

"C..callie. Teka!"

"Hush, baby. Stay there."

Hindi na ako nagsalita. Ramdam ko ang pagsandal ng ulo nya sa likod ko. Ramdam din kaya nya ang mabilis na tibok ng puso ko.

Bago sa akin ang ganito. Ang pakikipaghalikan, matagal na yakapn at ngayon ay ang pagyakap nya sa akin sa paraang ganito. Kakaiba sa pakiramdam. Nakakatakot.

"Wala kang kailangang gawin. Just stay with me and let me hold you like this. Tama na ang ganito para makalimutan ko ang problema ko."

Hindi ako nagsalita. Nanatili akong tahimik habang pinakikinggan ang mga sinasabi nya.

"You make me happy and sad, Venia. Pumili ka lang sa dalawa. Right now, you’re making me happy and thank you for that."

Napapikit ako. Masaya ako kung ganun na nagagawa kong alisin ang lungkot na nararamdaman nya. Pero natatakot ako, dahil sa mga sinasabi nya hindi ko na  alam kung gaano ko masisira si Callie sa oras na makaalis ako dito. Kapag nasaktan ko sya, wala ng ako dito. Mahirap isipin pero kailangan. Darating ang panahon na gagawin ko iyon sa kanya.

Ang tanong, kailan?

"Thank you for staying with me, baby. I love you."

Pakiramdam ko ay nag-iinit ang magkabilang sulok ng mga mata ko.

Mali ito.

Nagmahal lang si Callie, pero sa maling paraan at maling sitwasyon. Masyado ng malalim ang nararamdaman nya para sa akin. Hindi ko alam kung hanggang saan ang magagawa nya. Pero ang lahat ng ito ay nakakasama, para sa akin, para sa mga taong nagpapahalaga sa amin at hindi nya alam na para rin sa kanya. Sigurado akong marami ng naghahanap sa akin, lahat sila ay nag-aalala na. Sa oras na magkamali si Callie ay madidiin sya.

Pero kakayanin ko ba yun? Kapag dumating ang araw na iyon. Kakayanin ko ba? Sigurado akong magagawa ko dahil kailangan.

Pumatak ang mga luha sa mga mata ko at tahimik ko iyong pinunasan.

Hindi ko na alam. Gulong gulo na ako.

Gulong gulo sa mga bagay bagay na pinaglalaban ko.

Callie? Bakit mo ba kasi ginagawa sa akin ang lahat ng ito? 

Dati naman ay hindi ako nahihirapan at nasasaktan sa tuwing iniisip ko ang pag-alis ko. Pero ngayon? Mahirap ng isipin at masakit sa pakiramdam. At habang tumatagal ay mas lumalala.

Oh God.

Huwag nyo pong hayaan na tuluyan akong mahulog kay Callie. Hindi pwede. Hindi pwede dahil sobrang mali. Masyadong makasarili.

Ngayon ko lang napansin.

Iba ang sinasabi ng utak ko sa sinasabi ng konsenya ko at sa sinasabi ng puso ko.

I Need A Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon