[5] - A supposed to be date

Start from the beginning
                                    

“Oh.” Bigay niya sakin ng Mario. Agad ko itong sinunggaban. Waaaaahhh. Ang cute cute.

“Thank you, V.”  Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya. Eh sa nakucute’an talaga ako kay Mario eh.

“Gusto mo sumakay diyan?” Tanong ni V sa'kin. Napatingin naman ako sa tinuturo niya.

F*CK.

“Ayaw ko.” Dali-dali kong sabi habang nakatingin  pa rin sa tinuturo niya.

“Bakit? Tignan mo yung mga tao. Ang saya-saya nila pagkababa nila.” Sabi naman niya. Aish, Hindi niya ba alam na nakakamatay sa nerbyos 'yang roller coaster na 'yan.

“Ah basta! Ayaw ko!!” Pagmamatigas ko. Pero no choice ako kasi bigla niya akong hinatak at pumila kami. Pilit kong umaalis sa pila pero ayaw niya kong paalisin. WAAAAAAAAHH. Mommy, Daddy!

Habang papalapit kami ng papalapit mas lalo akong kinakabahan.

Apat na tao na lang.

Tatlo..

Dalawa…

Isa…

“Kaja!” Sabi ni V habang hatak hatak ako sa wrist ko. Tuwang tuwa si V habang ako halos manginig na ang tuhod ko at bumigay ang katawan ko no'ng makita ko gaano kataas ang lalakbayin nitong roller coaster.

Umupo kami sa dulong-dulo. Feeling ko masusuka na ko agad.

Napasinghap ako ng hawakan ni V ang kamay ko.

“Trust me.” Ewan ko pero atomatikong nawala lahat ng takot ko. Unti-unting umandar ang roller coaster.  Bago pa man bumilis ang takbo nito ay may narinig ako.

“Jungkook, saan ka pupunta?”

 

Jungkook? Andito si Jungkook?

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“HAHAHAHA. Para kang bakla Jin hyung.” Kanina pa kami tawa nang tawa ni V dahil kay Jin oppa. Tinignan ko naman ang kasama nito.

“Ikaw pinsan ha, duma-damoves ka na din.” Panunukso ko sa pinsan ko na ngayon ko lang nakitang lumabas nang lungga niya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

“Ewan ko sa inyo. Tara na nga Maica!” Sabi ni Jin oppa pero sinamaan din siya ng tingin ni Maica kaya napaatras si Jin oppa. Akalain mo 'yon? Wala pala siya kay Maica.

Nagtataka ba kayo kung bakit kasama naming silang dalawa?

Flashback

Nasa horror house kami ngayon dito sa may amusement park. Gusto raw kasi ni V na pumalit sa mga staff dito na nagpapanggap na multo. Oh 'di ba, alien talaga eh.

“Ano ba 'wag kang kumapit sa'kin! Para naman 'tong bakla!—“

 

“AAAAAAAAAAHH—AYAW KO NA! LABAS NA TAYO. AAAAAAAAAHH!” Nagkatinginan kami ni V. Alam na alam namin kung kanino 'yong boses na 'yon.

“Hyung/V?” Sabay na sabi nila. Sabi na nga ba eh.

“Jin oppa! Ano ginagawa mo dito? Sino 'yang kasama mo? Akala ko ba kasama mo si Danniella eonnie?” Sunod sunod na tanong ko sa kaniya. Iba kasi 'yong babaeng kasama niya.

Married to a BTS Member [BANGTAN BOYS]Where stories live. Discover now