Kabanata 2

53 4 1
                                    

Two piece

Nandito na ako ngayon sa bahay nila Francis, kahit di ko sabihin ang pangalan ko sa gwardya nila, papapasukin naman nila ako dahil kilala nila ako at madalas ako dito.

Mula sa gate nila hanggang sa court nila natatanaw ko na ang mala'adonis kong baklang bestfriend. Nakajersey siya na color blue 'Garcia 24' ang nasa likod ng jersey niya. Sayang lang! Kung sana hindi siya bakla edi boyfriend ko na siya ngayon.

Lumapit na ako para salubungin ang bakla kong bestfriend. Tumutulo pa ang pawis niya, grabe naman 'tong baklang 'to.

"Hoy Francis!" Sigaw ko sa'kanya shinoot niya naman ang bola sa ring. Oh my! 3 points yun! Pinunasan niya naman ang pawis niya uminom siya ng gatorade. Lumapit naman siya sa akin.

"Hi Eris! Ang pangit mo ngayon, gwapo ko no?" Sabi niya sabay ngisi.

"Kapal mo uy! Buti di mo sinabing maganda ka ngayon?" Pabulong kong sabi sa'kanya. Kinagat ko naman ang labi ko, Sa tagal ko na 'tong bestfriend ngayon ko lang na'realized na talagang gwapo siya.

"Syempre, sa gabi ako sa Aphrodite sa umaga naman Adonis ako." Shet lang! Okay na sana eh, kaso sinabi niya pang Aphrodite siya sa umaga. 

"Ok ok, Asan na yung barkada ni Ate Franchesca?" Tanong ko sa'kanya.

"Wala pa nga eh, Tara dun muna tayo sa Bench." Turo niya. Pumunta naman kami at umupo.

Ang ganda at ang laki ng bahay nila, Hindi ko nga alam kung bakit naging bestfriend ko 'to eh. Nagkwekwentuhan lang kami at nagtatawanan.

Kinukwento niya kasi sa'kin kagabi na nakatambay siya sa veranda nila, tapos may nakita siyang kulisap ayun sinundan niya sa kakasunod niya di niya namalayan na nasa pool area na pala siya, kaya ayun nahulog siya sa pool.

Tanga niya nuh? Bakit niya pa hahabulin yung kulisap? Eto talagang baklang 'to! Katangahan ang alam.

After ilang minutes, dumating na sila Ate Franchesca at yung mga barkada niya. Sinundo niya kasi yung barkada niya. Tumayo naman kami at Lumapit.

"Hi Eris! I miss you! Ang ganda mo parin ah." Niyakap naman ako ni Ate ches at bineso-beso.

"Ikaw talaga Ate Ches, bolera forever. I miss you too." sagot ko sa'kanya at nakipagbeso-beso din.

Si Francis naman? Ayun nasa likod ko. Nilibot ko ang mata ko sa mga barkada niya. Yung isang lalaki medyo familiar? Parang nakita ko na eh.

"Eris, yung lalaking dalawa? Yung isa nakalampungan ko sa Jollibee tas yung isa masungit." Bulong niya sa'kin. Humagalpak naman ako ng tawa. Pagkatapos kong tumawa, lahat sila nakatingin sa'kin. Ngumisi naman si Ate Ches.

"Guys, eto nga pala si Eris ang bestfriend ng Lil' bro namin. Tapos yun naman nasa likod niya Lil' bro ko." Ngumiti naman ako sa'kanila. Yung isa pa ngang lalaki eh, Kumindat sa'kin. Yuck lang ha pero gwapo siya tas yung isa hindi man lang ngumiti.

"Eto nga pala Si Andrea, Eto naman si Aisha, Tapos eto si Leandra." Nakipagkamayan naman ako sa'kanila at ngumiti.

"Hi." Sabi nila sa'kin, nag 'Hi' din ako sa'kanila.

"Eto namang playboy na 'to si Jiroh (Yung kumindat sa'kin) Etong tahimik na'to si Keith Andrei at eto si Jasper." Ngumiti naman ako sakanila at nikapag kamayan. Yung Jasper ayaw pang bitawan yung kamay ko kaya hinila ko na.

"So paano ba yan guys? Swimming na!" Sigaw ni Ate Ches! Tumawa naman kami.

"Huy Francis, bihis lang ako ah." Tumango naman siya "Oh magsaya ka ah! May papables." Ngumisi naman ako at ngumisi din siya.

My Ideal Boy "13 Signs"Where stories live. Discover now