Chapter 3: Baliw

118 3 4
                                    

Shan's POV

Natapos na lahat ng klase ko para sa buong araw at nagaayos nako ng gamit para umuwi.

"Shan gusto mo sabay na tayo umuwi?" Tanong ng isa kong kaklaseng babae.

"Ay sorry may dadaanan pa kasi ko eh" Balak ko sana kasing dumaan muna sa bookstore.

"Ganun ba sige ingat." Sabi lang nya at umalis na.

Palabas na ko ng gate ng makita ko si mokong na nakatambay doon. Mukhang meron syang hinihintay.

Bigla naman syang napadiretso ng tayo ng makita nya ko.

Iirapan ko sana sya kaso merong babaeng tumakbo galing sa likod ko at lumapit sa kanya.

Nginitian nya to tsaka inakbayan at naglakad na sila paalis.

Ok nagfeeling ako don. Nakakahiya bwiset. Buti na lang hindi ko sya nairapan.

Meron naman pala syang dyowa pero kung makaasta sya sakin kala mo wala, o baka naman ako lang talaga yung naglalagay ng ganung meaning, at baka naman ganun lang talaga sya sa lahat.

Siguro nga ganun yun.

Nagkibit balikat na lang ako at kinalimutan na lang yung nangyari.

Nakasakay nako ng tricycle sa may paradahan sa harap ng school namen ng makita ko na naman si mokong pabalik sa pwesto nya kanina pero this time wala na yung babae na kasama nya.

Tumingin tingin sya sa paligid nya at mukhang may hinahanap.

Bigla namang umandar na yung tricycle na sinasakyan ko. Puno na siguro ng pasahero.

Nakasakay ako nun sa backseat kaya naman nung dumaan kami sa pwesto nya ay nakita nya ko.

Tinitigan nya ko at mukhang balak pa atang humabol pero mabilis na nakalayo yung sinasakyan ko.

Ang baliw talaga non.

Nadaanan din namin yung bookstore pero tinamad nakong bumaba pa. Bukas na lang siguro.

Mabilis naman akong nakarating sa bahay namin.

Nadatnan ko si mama na busy sa paghiwa ng mga lulutuin nya.

"Oh anak may tinapay sa ref baka gutom ka?" Tanong ni mama.

"Busog pa ko ma. Ma akyat muna ko sa kwarto." Sabi ko at umakyat na sa kwarto.

Agad ko namang in-on ang laptop ko at naglog-in sa fb.

Nag-i-scroll down ako non sa news feeds ng merong biglang na-add sa friend request ko.

Xander Montero

Aba teka parang pamilyar yung pangalan ah.

In-open ko yung account ng nang-add sakin at nalaman ko na si mokong pala yon. Oo nga pala Xander pangalan non. Nasanay kasi kong mokong tawag eh.

Nagdalawang isip naman ako kung ia-accept ko.

Meron namang biglang nagpop-up na message.

Xander: Accept m yn lagot k skn bukas pg di mo inacept.

Agad ko namang nireplyan yung nakakabwiset nyang message.

You: luhh di ko tlga iaacept yn. bala ka dyan

Agad naman akong pumunta sa settings at ila-log out ko na account ko. Pipindutin ko na sana yung enter ng merong biglang nagpop-up sa screen ko. Sakto naman at napindot ko na yung enter.

"Hi miss beautiful!! hahaha" Biglang sabi ng mokong at lumabas yung mukha niya sa screen.

Agad naman akong nakabawi sa pagkagulat at pipindutin na sana yung end call.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Gwapo kong Bully (short story)(bxb)Where stories live. Discover now