Chapter 1: First Kiss

416 11 0
                                    

Shan's POV

"Anak gising na! May pasok ka pa!" sigaw ni Mama habang sunod sunod na kumatok sa pinto.

Shit. Sabi ko sa isip ko. Nakalimutan kong first day ko nga pala ngayon dito sa bago kong school, at mukhang late pa ata ako. Ayoko ko pa namang nalalate sa school, lalo na ngayong first day pa.

Dali-dali akong bumangon sa higaan ko at pupungas-pungas na naglakad papunta sa pinto. "Opo Ma!Anong oras na po ba?" tanong ko sabay bukas ng pinto.

"Naku sinasabi ko na nga ba't kagigising mo palang talaga eh. Akala ko gumagayak ka na." sermon ni Mama pagbukas na pagbukas ko ng pinto. "Ikaw talagang bata ka, wala na, late ka na, alas otso na oh." pakita pa ni Mama sa relo nya.

"Mama naman eh. Late na nga ako, sesermonan pa ko." Reklamo ko kay Mama habang kamot-kamot ang ulo. " Napuyat po kasi ako kagabi kakaisip sa kung anong magyayari sa bago kong school ngayon." Alibi ko, pero ang totoo nyan ay nag internet lang ako magdamag at ka-chat yung mga dati kong kaklase at kaibigan.

Ewan ko ba naman kasi dito kay Mama at kung bakit naisipan pang lumipat ng bagong bahay, ayos naman sana yung dati naming bahay.

Nang matapos akong gumayak ay bumaba nako at sinabihan si Mama na sa school na lang ako mag bre-breakfast. Umoo naman si Mama at sinabihan akong dalian na at baka makahabol pa daw ako. Natuwa pa nga ako kasi dinagdagan pa ni Mama yung baon ko, yun na lang daw ipang breakfast ko. Pero syempre mumurahin lang yung bibilhin ko para may extrang datung. Ha Ha Ha.

---

KRIIIIIIINGGGGGG

Yan agad yung sumalubong sakin pagdating na pagdating ko pa lang sa school. Kaya eto ako ngayon at nakikipag track and field, wag lang ma-late.

"HUU!" Hinihingal kong sigaw ng sawakas ay narating ko rin tong room na nakalagay dito sa schedule ko bilang first subject ko.

Mahina akong kumatok sa pinto at binuksan to. "Good morning po." I politely said ng mapansin ko ang teacher namin sa harapan. " Ako nga po pala yung transferee." Nakayuko kong sabi dahil nahihiya ako sa tingin na binabato sakin ng mga bago kong kaklase.

"Oh hello, please come inside. So you must be Shan, am I right?" Tanong ni Ma'am. Mukhang nabalitaan na ata nila yung pagdating ko.

"Opo Ma'am, ako nga po." Sagot ko ng makapasok ako sa classroom.

"Ok class." Tawag atensyon ni Ma'am sa klase. "Meet Mr. Shan Aris Castillo, he will be your classmate from now on, so please be good to him ha." Paliwanag ni Ma'am sa mga kaklase ko.

"Ang cute nya noh." Rinig kong bulungan ng mga kaklase kong babae.

"Brad tignan mo, mukhang babae." Rinig ko namang bulungan ng mga kaklase kong lalake.

"Hello." Nahihiya kong sabi sa mga kakalase ko at nag-wave pa ng kamay. "Ma'am san po ako uupo?" Biglang tanong ko kay Ma'am, malihis lang yung atensyon nila.

"Oh, right." Ini-scan naman ni Ma'am yung mga kaklase ko at hinanap kung saan pa may bakanteng upuan. "Xander may nakaupo naba dyan sa tabi mo?" Tanong ni Ma'am doon sa lalaking mukhang siga.

"Wala pa Ma'am bakit po? Dito nyo po ba papaupuin si miss beautiful?" Pang-aasar nito na sya namang tinawanan ng mga kaklase ko. Aba bwisit to ah.

"Shhhhh. Class quiet!" Tumigil naman sa pagtawa yung mga kaklase ko. "Sorry Shan, pagpasensyahan mo na si Xander, ganyan lang talaga yan." Hingi ng pasensya ni Ma'am. " You can sit there now."

"Ok lang po Ma'am, sanay nako sa papansin." Patama kong sabi kay Xander, kahit na kay Ma'am ako nakatingin.

"Hooooo. Burrrnnn. Hahaha" Tawanan ng mga kaklase ko.
Nakita ko namang sumimangot si Xander habang papalapit ako sa upuan sa tabi nya. Buti nga sayo.

Ang Gwapo kong Bully (short story)(bxb)Where stories live. Discover now