Chapter 2: Bwisit Talaga

154 3 0
                                    

Alas syete pa lang ng umaga ng makarating ako sa school namin.

Agad akong dumiretso sa classroom ko para sa first subject para doon sana ipagpatuloy yung naudlot kong pagtulog.

Pagpasok sa loob, nagulat ako dahil hindi lang pala ako yung maagang dumating.

Andoon sya, nakaupo sa bangkuan nya, nakadukdok, natutulog-- ang mokong.

Ang aga naman ata ng isang 'to.

Nagdalawang isip ako kung gigisingin ko ba sya. Eh kung gulatin ko na lang kaya para makaganti man lang ako sa mga pambwi-bwisit nya sa'kin kahapon. Pero naisip ko na baka mamwiset lang 'to pag ginising ko-- eh di naudlot lang yung plano kong pagtulog.

Umupo ako sa upuan na mga two chairs ang layo sa kanya.

Gusto ko munang dumistansya sa mokong na'to dahil baka maisip ko na naman yung pesteng halik na yun.

Dudok-dok na sana ko at ipagpapatuloy na ang pagtulog ng mapatingin ako sa direksyon.

Naka duk-dok din 'to at naka harap sa direksyon ko.

Mukhang anghel pala 'tong isang 'to pag tulog. Parang hindi makabasag pinggan.

Sana lagi ka na lang tulog.

Dala na rin ng puyat ko kagabi at maagang paggising kaya madali akong dinalaw ng antok at muling nakatulog.

+++++

Nagising ako dahil sa panaka-nakang pagdampi ng mainit na hangin sa likod ko.

Tsaka bakit parang bumigat.

Aalis sana ko sa pagkakaduk-dok ko para tignan kung ano yung mainit na yun, pero hindi ko magawa dahil sa mabigat na nakadagan sa'kin.

Iniyug-yog ko ang katawan ko para matanggal yung nakadagan sa'kin. Pero nagulat ako dahil bigla 'tong umungol.

Teka, tao ba 'tong nasa likod ko?

"Hoy, kung sino ka man. Alis. Ambigat mo uy!" Napaungol na naman yung nasa likod ko at parang naingyan pa ata.

"Ang ingay mo naman eh. Natutulog ako." Sabi nito.

Aba, teka kilala ko 'to ah.

Bumalikwas ako bigla ng tayo at pinagduduro sya.

"Hoy kapal mo ha. Sinong nagsabing gawin mokong tulugan. Tsaka diba nandoon ka kanina, bakit nandito ka na ngayon?" Nanggagalaiti kong tanong sa kanya.

Ngumisi lang ang mokong habang kakamot-kamot sa batok. "Mukha kasing masarap dito sa pwesto mo eh."

Inikutan ko sya ng mata at pumunta na lang sa upuan ko.

Nawala na yung antok ko dahil sa isang 'yon. Tsaka baka magdatingan na rin yung mga kaklase ko.

Tama nga ang hinala ko dahil makalipas ang ilang minuto ay may nagdatingan na. Dalawang kaklase kong babae.

"Oh good morning Shan. Aga mo ngayon ah." Bati ng isa sa mga kaklase kong babae. Nagkausap kami kahapon ng magtanong ako sa kanya kung nasan yung C.R.

"Goodmorning din." Bati ko pabalik na sinamahan pa ng matamis na ngiti, na parang hindi galit kani-kanina lang.

Agad din silang lumabas dahil meron pa raw silang bibilhin sa canteen. Tinanong pa nga nila ko kung gusto ko bang sumama kaso tinanggihan ko, which is a very wrong move.

Kasi pag alis nila, naramdaman kong merong umupo sa tabi ko.

Pagtingin ko si mokong.

Bigla na lang 'tong dumukdok sa desk ko.

Ang Gwapo kong Bully (short story)(bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon