END OF THE STRING

Magsimula sa umpisa
                                        

Napapout na lang ako. "Kinakabahan ako sa pakulo mo. Ano ba kasi 'to Josh!"

Kinuha niya ang magkabilang kamay ko. "Tayo. Aalalayan kita, ok?"

Kinulit ko pa siya ng kinulit pero kinukurot lang niya ang pisngi ko bilang sagot! Asar naman eh! Natutulad na siya kay Antonio, nakakaasar na rin.

"Josh naman! Tell me what's going on!" sigaw ko pero hindi siya sumagot pero huminto siya. Nasa likuran ko siya habang hawak niya ang magkabilang balikat ko. Naramdaman ko siyang yumuko at lumapit sa tabi ng tenga ko. "Don't remove the scarf hanggang't hindi ka pa nakakarinig ng music, ok?"

"Wha--why?"

Narinig kong ngumisi siya bago ako hinalikan ulit sa pisngi. Leche! Kinikilig ako sa pagkiss niya! Kanina pa siya eh! Isa pa, pwede? Hahahaha.

Bago pa ako makaangal umalis na siya. Wala na siya sa likuran ko.

Teka lang? Ano bang nangyayari? Iiwan lang niya ako dito habang nakapiring?! Lumingon lingon ako kahit alam kong wala naman akong makikita dahil sa piring ko pero ramdam ko ang daming taong nakatingin sa akin. My ghad! Mapapatay ko talaga kung sino ang pasimuno nito! Lagot ka Josh!

I'm busy thinking how to punish them when I heard a strum of guitar. I stood still and wait. Hindi ko alam pero naghintay ako. Hindi ko pa tinanggal ang blindfold.

Naramdaman kong may presense na nasa harapan ko pero hindi ganun kalapit.

Tumikhim yung taong nasa harapan ko. "Hi."

Biglang kumabog ang dibdib ko ng marinig ko ang boses niya. Hindi ko mapigilan ang ngumiti at ang pag-init ng pisngi ko. He's shy voice is cute.

Akmang tatanggalin ko na ang blindfold pero agad siyang nagsalita. "Wag mong tanggalin!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi pa ba? At bakit ayaw niya?

"Wag mong tanggalin kasi kakabahan ako, ok?! Just-just don't move! Kapag kumanta na ako saka mo yan tang-tanggalin, ok?"

Napakagat labi ako para mapigilan ko ang pagtawa. Ang cute niyang mataranta at kabahan. Gusto ko tuloy tanggalin ang piring para makita ko ang magkakataranta niya. Hahahaha.

Tumikhim siya ulit bago nagsalita. "Wag ka ngang tumawa dyan," kahit di ko nakikita alam kong nakapout siya. Cute. "Well, I'm really sorry about yesterday ok? Kaya naman hindi ako nakasulpot kasi nagkaproblema sa surprise ko ngayon tapos nabasa pa ang phone ko at ginabi na ako sa pag-uwi. I'm sorry. Mineet ko pa kasi yung binilhan ko nitong dreamcatcher na gustong gusto mo."

Hinawakan niya ang kamay ko at may nilagay doon. Napatakip ako ng bibig sa ginawa niya. Once ko lang binanggit ang dreamcatcher pero natatandaan pa niya? Nagmeet-up pa siya para dito?

Twisted Red String (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon