END OF THE STRING

Start from the beginning
                                        

"Sus, hindi mo din naman yun matitiis eh. Mahal mo."

Sinamaan ko ng tingin si Katie bago ko siya hinila." Bawal bang magpakipot kahit konti, dhai?"

"Baliw! Hahahaha!"

Inabot rin kami ng isa't kalahating oras sa mall bago ako hinila ni Katie palabas ng mall. Ang sabi niya gusto niya raw kumain ng fishball at mga street foods doon sa kalapit na park. Gusto ko sanang umangal pero wala na akong nagawa nang hilain na niya ako palabas.

Ibang klase rin kung sumulpot ang topak ni Katie. Hindi ka talaga makakaangal eh!

Pagkadating namin sa park ay bumili siya ng sangkaterbang isaw, fishball at kwek-kwek.

Ang takaw ng bestfriend ko.

"Alam mo dapat pagbigyan mo na siya. Tagal ka na rin niya nililigawan eh," sabay subo ng isaw.

Tumusok naman ako ng fishball at kinain ito bago sumagot. "Alam mo Dhai, uso rin ang magpakipot eh. At syempre gusto kong makasigurado. Let's see kung hanggang saan ang kaya niya."

"Relasyon ang pinapatagal hindi ang pangliligaw."

"Pero hindi tatagal ang relasyon kung sa panliligaw pa lang, kulang na ang effort at patience, diba?" kontra ko sabay subo ng isaw.

Magsasalita na sana siya pero biglang tumunog ang phone niya kaya sinagot niya 'to. Habang kinakausap niya yung tumawag sa kanya panay lang ang subo ko sa pagkain.

Halos atakihin ako sa puso ng bigla siyang tumayo. "Dhai! Saglit lang ha? May pupuntahan lang ako! Wait lang dyan ha? Ha? Don't make a move! Stay!"

"Wai--"

Tignan mo, gawin ba naman akong aso? Hindi ko na napigilan ang gaga sa pag-alis. Ang bilis lang niya akong iwan dito. Hindi man lang sinabi kung saan siya pupunta. Napabunting hininga na lang ako at sumubo ng kwek-kwek at inom ng soft drink.

Habang kumakain ay may umupo sa harapan ko kung saan nakaupo kanina si Katie. Pagtingala ko nagulat ako dahil nandito siya!

"Anong ginagawa mo dito?"

"Well, let's just say na may date na naghihintay sayo," sabay angat ng itim na scarf sa ere.

"Anong pakulo 'to Josh?" kumunot lalo ang noo ko ng tumayo siya at pumunta sa likuran ko. "Wait! Pipiringan mo ako?! Teka nga lang! Bakit?!" tumingala ako para makita siye pero nginitian lang niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko para iharap ang tingin ko sa harapan.

"Ang dami mong tanong. Sumama ka na lang." Sabay takip at tali ng tela sa mga mata ko. "Just trust me, ok?"

Twisted Red String (completed)Where stories live. Discover now