END OF THE STRING

Start from the beginning
                                        

Kumurap.

"Tatawagin ko na ang doktor!" rinig kong sigaw ni Josh pero hindi ko na siya pinansin at agad na tumayo. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at agad na inabangan ang pagmulat niya.

Pagkamulat ng mga mata niya isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko.

"A..o..nio..?"

***

[Luna]

Do you know why life is hard?

It's because we don't know and can't predict the future. We tend to think what will happen in the future if we decide something in the present time. We always think the consequences before making a decisions.

Tulad na lang sa chess. Iisipin muna natin kung anong mawawala sa atin kung gagalaw tayo ng isang chess piece. And like a chess game, we lose some pieces because we sacrifice it to win the game. Ang masaklap lang, minsan ang laki na nga ng sinakripisyo mo, kulang pa rin. Talo ka pa rin.

And it's up to us how we will accept it and how we will stand again to face another challenge of life.

But don't you think, it's more fun if life is more challenging? If we can't predict the future? Kasi kapag nalaman na natin ang mangyayari bukas, alam na natin ang gagawin ngayon. Less hassle nga, pero boring naman. And it's like, someone's controlling us. Hindi natin madecide kung anong gusto natin gawin.

I think that's why we can't predict the future. So, that we can choose what we want in our future life. 

And I choose to accept that I can't have them both.

Nang malaman kong nagkaamnesia si Josh pagkagising ko, nalungkot ako. I love Josh and I can't believe he forget us. He forget me. Ang sakit lang dahil yung taong nagsilbing sandalan ko nakalimutan ako.

Siguro sa pagiging selfish ko kaya gumawa na ng paraan ang tadhana para sa akin. Para mas mapadali ang pagdedecide ko.

Fate gave me two choices. One, choose Josh and help and love him. Two, choose Antonio and give a second chance to us.

Well...

"Hoy, dhai! Tulala ka dyan?" bumalik ako sa realidad ng pumalakpak si Katie sa harapan ko. "Tinawag tawag mo ako para magmall pero tutungangaan mo lang ako? Abah! Iwan kaya kita?"

Agad ko naman siyang inakbayan. "Wag na tampo, Dhai! Alam mo naman kung bakit ako nagpasama sayo diba?"

"Oo, para maiwasan mo yung manliligaw mo na buntot ng buntot sayo," and she rolled her eyes at me. "Wag mo na pahirapan ang loko-loko na yun, dhai. Hindi naman niya sinasadyang makalimot eh."

Napapout na lang ako at nagcrossed arm sa sinabi niya. "Kahit na. Yesterday was our supposed to be date, pero nakalimutan niya? Ano yun, naging ulianin na siya? Siya pa naman nagsabi sa akin na magkita kami at 10am pero inabot na ako ng hapon. Nagutom at nasira na ang balat ko kakahintay pero kahit anino niya, wala!! Bahala siya sa buhay niya!"

Twisted Red String (completed)Where stories live. Discover now