END OF THE STRING

Start from the beginning
                                        

Nginitian ko siya ng tipid saka binalik ang atensyon ko kay Luna. "I know you will find me here. Bestfriend kita kahit alam kong nakalimut ka na."

Narinig ko ang ingay ng bangkong hinila niya at ang pag-upo niya. "It's weird. Kahit wala man akong natatandaan, parang kilalang kilala na kita. Pati yang babaeng mahal na mahal mo."

"Syempre. Bestfriend mo 'tong tulog mantika."

Oo, nagkaamnesia si Josh after niyang magising. Inabot rin siya ng isang buwan sa pagtulog niya bago nagising. Lahat kami nagulat ng kahit isa sa amin, hindi niya maalala. Kahit ang pangalan niya mismo, hindi niya alam.

Lalake ako pero masakit para sa akin na kinalimutan ako ng matalik kong kaibigan. Galit at lungkot ang naramdaman ko. Lungkot dahil hindi niya kami maalala at galit dahil nakalimutan niya si Luna.

"I'm really sorry, kung wala akong maalala."

Simula rin ng magising siya at nalaman niyang nagkaamnesia siya todo ang paghingi niya ng tawad sa amin. Nagkaamnesia na siya at lahat, siya pa rin si Josh na nakilala ko.

"I'm tired of hearing your sorry, Josh" natatawang sabi ko saka ko siya nilingon. "Wala na tayong magagawa kung nakalimot ka, pero sana kahit si Luna lang, maalala mo."

Ito na yung chance na maagaw ko si Luna sa kanya dahil nagkaamnesia siya pero hindi ako gago para gawin yun. Lalaban ako ng patas.

Ngumiti siya ng tipid sa akin bago nilipat ang tingin kay Luna.

"You know what, everytime I see her sleeping face...napapangiti ako,"

"Yan din ang ginagawa mo sa kanya bago kayo naaksidente."

Tumayo siya saka lumapit sa kama ni Luna. "Hindi ko alam pero ramdam kong espesyal siya sa akin," sabay hawi ng hibla ng buhok na nasa pisngi ni Luna. "And she's lucky to have you."

Kahit nagkaamnesia na ang loko, nagseselos pa rin ako. Wala nga siyang maalala pero ang landi pa rin niya.

"Wag mong sabihing binibigay mo na siya sa akin ng walang laban, Tol?" natatawang sabi ko. "Alam mo kung anong kwento nating tatlo dahil kinuwento namin at gusto ko pagkagising niya maglalaban tayo ng patas. Syempre, kapag bumalik na ang alaala mo."

Umiling lang siya sabay ngiti sa akin. "Hindi ko alam kung babalik pa ba ang alaala ko, Tol, kaya gusto kong itigil na ang sinasabi mong laban. I know you love her so much that's why I'm entrusting her to you." sabay tapik ng balikat ko. "At may pakiramdaman akong sasaya siya sayo."

Aangal na sana ako ng may naramdaman ako sa mga kamay ko. Biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko at dahan-dahang napatingin sa kamay na hawak ko.

Gumalaw.

Parang tumigil ang oras ng mga panahong yun sa paggalaw ng daliri niya. Tinignan ko ang mukha niya para antaying mangyari ang hinala ko.

Twisted Red String (completed)Where stories live. Discover now