END OF THE STRING

Start from the beginning
                                        

Naramdaman ko agad ang pagyakap ni Crystal at pagpatong ng ulo niya sa likuran ko. "Shh...walang mauulit, ok? Don't think like that, Afa."

Hindi ko na napigilan ang hindi mapaiyak. Kinakain na talaga ako ng takot.

"Hindi ko kayang mawala kahit isa sa kanila, Crystal...sobrang halaga nila sa akin. Lalong lalo na si Luna. Mahal na mahal ko siya...sobra.." umayos ako ng upo at hinarap siya kaya napabitaw si Crystal sa pagkakayakap. "Bakit na naman ba 'to naulit, Crystal? Ganun ba ako kasama para iparamdam sa akin ulit ito? Ayaw ba Niya na sumaya ako?! Ayaw Niya bang mapunta sa akin yung babaeng mahal na mahal ko kaya ginawa na naman niya 'to?!"

"Afa! Hindi sa ganun! Aksidente ang nangyari kaya wala ka dapat sisihin!"

Agad akong tumayo at pinagsusuntok ang pader kaya agad akong inawat ng iba.

"AAARGH!! Sobrang sakit Talie!"

"Tol! Calm down! Magiging maayos rin ang lahat, ok?!" awat sa akin ni Flinn. Marahas akong bumitaw sa hawak niya at tinignan siya ng masama.

"Yan lang naman palagi ang sinasabi niyo! Katulad rin noon sinabi niyo na everything's going to be ok! Pero anong nangyari?! Four years ago! Nabulag si Crystal at iniwan ako! Hindi naging ok ang lahat! Papaano niyo masasabi na magiging ok ang lahat kung hindi natin alam kung anong mangyayari sa lilipas na oras?!" napasabunot na ako ng buhok ko sa sobrang frustration. "Don't tell me that everything's going to be ok, kung hindi kayo ang Diyos! You don't know how scared I am! Mahal na mahal ko si Luna!"

Nabalot ng katahimikan ang hallway. Napaupo na lang ako sa sahig at sumandal sa pader. Kinakain na ako ng takot habang tumatagal. I want to be strong, but I can't. Parati kong naaalala ang nakaraan.

Nakita kong may mga paa ang nakatayo sa harapan ko kaya tumingala ako. Isang umiiyak na Katie ang nakita ko.

"Hindi ka rin Diyos para sabihing walang mangyayaring mabuti sa lilipas na oras, Frost. Wag mong pangunahan ang Diyos. Wag kang excited. Luna's just sleeping because she's tired. It doesn't mean she'll leave us," pinunasan niya ang pisngi niya. "Hindi mahina ang bestfriend ko. That's why I know she'll be ok. May tiwala ako sa kanya. Sa kanila ni Josh. Ikaw? Don't you trust her?"

***

Five months.

Sa loob ng five months, maraming nangyari pero walang nagbago. Fourth year student na kami at second year student na si Katie. Gusto kong huminto sa pag-aaral dahil hindi ko pa kakayanin na pumasok habang siya tulog na tulog pa pero syempre hindi nila ako pinayagan. Ano rin naman magbabago kung titigil ako sa pag-aaral? Gigising ba siya? Hindi.

Sa loob ng five months, mahimbing ang tulog niya. Kahit isang galaw lang ng kanyang daliri, wala.

Wala na rin ako sa Dean's List. Anong aasahan niyo sa isang katulad kong hindi makapag-isip ng diretso? Pinipilit ko na nga lang ang sarili ko na gumalaw para hindi bumagsak. Wala man ako sa Dean's List, ayoko ring bumagsak. Pagtatawanan lang ako ni Luna kapag nagising na siya.

"Sabi ng dito lang kita makikita."

Napalingon ako sa taong kakapasok lang sa kwarto kung saan natutulog ang sleeping beauty ko. Nakapamulsa si Josh habang nakasandal sa pintuan.

Twisted Red String (completed)Where stories live. Discover now