"Okay Sir."

Siya kaya gawin kong punching bag.

Oo nga pala, popular ako dito sa Clarkson. Iniilagan bakit? Kasi isa akong black belter sa taekwondo at judo. At ako ang representative ng school mula pa noong first year ako.


This become my advantage. Kaya walang makakayang lumapit kay Zen
lalo na kong meron ako.


Nilaro-laro ko lang ang ballpen ko habang pinagmamasdan ang teacher naming dada nang dada. Wala naman nakikinig. Busy sa cellphone 'yung iba habang 'yung naman kunwari nakikinig.


Ano kayang ginagawa ngayon ni Zen? Sigurado marami na namang lumalandi sa kanya. Naiisip ko palang, kumukulo na ang dugo ko.


Agad akong tumayo nang magbuzzer, hudyat na breaktime namin. Dumiretso ako sa room nila Zen. Sumilip ako, nakaupo pa siya at inaayos ang laman ng bag.


"Tyler, gusto mo sumabay sa min?" Nakangiting sabi noong babaeng nasa harap niya.

"Oo nga Ty!" Dagdag pa ng barkada niyang si Paul. Kinindatan pa siya. Malanding lalaki. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila. Agad nagsiyuko ang dalawang babae pagkakita sakin habang ngumiti lang naman si Paul.

"Hi Millicent! Andyan ka pala." Nilagpasan ko siya at dumiretso kay Zen.

"Tara sa cafeteria!" Masayang yaya ko pero malamig niya lang akong tinitigan at nilagpasan na ako. Agad akong humabol sa kanya at hinawakan ang braso niya.

"Nilalandi ka ba ng mga 'yun?" Nakasimangot kong sabi.

"No, and stop being possessive. You don't own me Claudette." Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Patay malisyang tinignan ko ito. Sanay na ako. Alam na alam ko kung gaano siya kalamig. Agad akong tumakbo para mahabol siya. Ang bilis maglakad.

"Bilisan mo, gutom na ako." Sumunod nalang ako. Pagdating namin sa cafeteria, nasa kanya na naman ang atensyon nila. Dukutin ko kaya mga mata nila. Kainis!

Nakasimangot akong sumunod sa kanya para makipila sa counter. Gutom na ako, konti lang ang nakain ko kanina sa pagmamadali.


"Ang gwapo talaga ni Tyler."

"Ang talino pa."

"Mangitian niya lang ako pwede na akong mamatay."


Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Kanina pa ako nagtitimpi sa mga babaeng 'to. Lalapitan ko na sana nang may bigla nalang humatak sa 'kin. Salubong ang kilay ko itong nilingon.


"Makipila ka nga nang maayos." Malamig at iritado ang mukha niyang parang ang gaan akong inakay sa harap niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa panandaliang paghawak niya sa balikat ko. Tulala akong napatingin sa counter.

"Anong order mo Miss?" Nagising lang ako sa pagkatulala sa lakas ng pagkakatanong. Napatingin ako sa mga pagkain.

"Dalawang chocolate cupcakes, burger at coke in can." Tanging nasabi ko. Pagkabigay ng order ko agad ko itong kinuha at naghanap na nang mauupuan. Sa usual spot ako pumunta. Sa may pinakalikod. Agad akong umupo at pilit kinalma ang sarili ko. Tinignan ko ulit ang counter, kinukuha na niya ang order niya. Shit! Nakalimutan ko siyang hintayin. Siguradong ang daming mag-aaya sa kanyang sa table nila siya umupo. Hindi pwede 'to, tatayo na sana ako nang may magkasabayang sigaw ang gumulat sa kin.

"Idol!" Patay! Ang tatlong asungot. Ang lawak ng ngiti nilang umupo sa harap ko. Manghang-mangha silang nakatingin sa kin.


"Millicent ng aming buhay, magandang araw!"

Nagsisimula na naman sila.


"Diyosang Millie, ang aming pinakamamahal. Ang pinakamagandang bituin sa langit."

"Ang bumihag sa aming puso. Ang diyosa ng kagandahan at katapangan. Magandang araw!" Mabuti nalang at hindi pa ako kumakain kung hindi siguradong naisuka ko na. Pare-pareho silang nakayuko na parang timang sa harap ko.


Who are they? They are the asungots. Ang self proclaim number one fans ko kuno. Jonathan, Carl, and Mirko.


Panay pa rin ang mga walang humpay nilang papuri sakin pero wala na sa kanila ang atensyon ko. Nakatingin lang ako kay Zen, masaya siyang kinakausap ng mga classmates niya. Lalo na si Clarisse, ang isa sa campus beauty dito. Classmate na siya ni Zen noon pa man pero ngayon ko lang sila nakitang nag-usap.


My heart ache at the sight.


Ayaw ko mang tanggapin pero bagay sila.

***

A/N: Sana magustuhan niyo!

Shels<3

Chasing the Cold Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon