xxix. demigod bonding

Start from the beginning
                                    

Sa huli eh sumama na lang din ako. Ni-lock ko 'yung buong bahay tapos sumakay na ako sa kotse ni Kite tapos nalaman kong kasama pala niya 'yung ibang mga demigod na katropa niya. Ayos 'tong sasakyan ni Kite eh nag-evolve mas humaba. Limousine ata tawag rito? Basta 'yon, basta mahaba!

"Hello!" Bati sa'kin ni Irene na nakangiti. Nag-hi na lang din ako pabalik kasi 'di ba hindi naman ako bastos. "Nalaman namin nangyari sa'yo!"

Napakunot ako ng noo.

Nangyari sa'kin? Ano bang nangyari sa'kin?

"Oo nga! Oh my gods, Dani! 'Di ko ini-expect na magkakaron ng ganong relasyon sina Goddess Aphrodite at Cy!" Bulalas naman ni Cherish na as in kuhang-kuha ng mukha niya 'yung expression na hindi makapaniwala. "Pero super sure ako na gusto ka talaga ni Cy! Grabe hindi ko lang maintindihan kung ba--"

"Tama na 'yan." Saway sa kanya ni Kite tyaka biglang nagkaron ng tugtog sa buong sasakyan.

Lively 'yung tugtog kaya medyo nakalimutan na rin nila 'yung issue. Pumirme na lang ako sa upuan ko pero ayoko talagang nananahimik kasi letche naiisip ko ulit si Cy. Grabe sa lahat na nga lang ng kakalantariin niya... hay nako 'di man lang siya namili. Okay na 'ko run sa kalandian niya si Cherish eh tapos biglang malalaman ko pati sarili niyang... aish! Ayoko na talagang isipin! Sumama ako sa party na 'to para makalimot kaya erase all the thoughts Dani.

"Okay ka lang?" Biglang rinig kong sabi ni Kite. Tumango na lang ako sa kanya. "Si Neon na ba?" Tanong nito sa'kin habang nakangisi.

"Anong si Neon?" Tanong ko sa kanya.

"Tsk. Alam mo ibig kong sabihin!" Naiinis niyang pagkakasabi. Medyo natawa ako kasi asal bakla siya ron hahaha!

"Teka, pano niyo nga pala nalaman na--" Naputol 'yung itatanong ko sana dahil nagsalita agad si Kite.

"Kasi nga a--" Kaya bilang ganti pinutol ko rin 'yung sasabihin niya.

"Anak ka ni Lord Aiolos, oo nga pala." Sabi ko sa kanya tyaka na lang siya nagkibit balikat.

Ilang sandali pa eh nakarating na kami run sa party. Pagkalabas ko sa kotse eh ipinalibot ko kaagad 'yung mga mata ko sa buong paligid. Madilim sa lugar na 'yon pero rinig na rinig mula sa labas 'yung maingay na tugtog sa loob nung establishment. Pumasok na kami run at pagkapasok na pagkapasok namin don eh huta muntik nang sumabog-sabog 'yung eardrums ko dahil sa lakas ng tugtog. Tyaka ang ingay pa nung mga tao tapos 'yung ilaw eh patay-sindi ganon ewan ko ba pero ang ganda nung mga ilaw.

Biglang may binigay sa'kin si Cherish na colorless na para talagang tubig na inumin na nasa isang baso. "Cheers!" So nagcheers kaming lahat. Akala ko talaga tubig 'yung binigay sa'kin pero huta ang pait! Tinawanan lang nila akong lahat sa reaksyon ko tas sinabi ni Cherish na vodka raw 'yung ininom ko. Huta kung ano man 'yon isinusumpa 'ko 'yon.

"DANI!" May biglang tumawag sa'kin tas hindi ko alam kung saan ako lilingon kasi patay sindi patay sindi nga 'yung ilaw pero nakita ko si Night na nasa harapan ko na. Natakot pa nga ako eh. "Buti sumama ka!" Sabi niya sa'kin. May hawak siyang inumin na kulay orange. Mukhang juice.

"Teka, juice ba 'yan?" Tanong ko kay Night sabay hablot nung iniinom niya kasi gusto ko na talagang maalis 'yung pait na nasa dila ko. Pagkainom ko nun eh nalasahan ko 'yung medyo mapait pero nananaig 'yung tamis. Hala, juice kaya 'to talaga?

"Cocktail 'yan." Sabi niya sa'kin sabay ngiti.

Inubos ko 'yung buong baso kasi nasarapan ako tyaka ko ibinalik sa kanya.

"Nakaahon ka rin sa dagat! Letche ka akala ko forever ka na ron!" Sabi ko sa kanya. "Kasama mo ba si Nina?"

Natawa siya pero sumagot din. "Hindi eh. Actually pumunta lang talaga ako rito para makita ka."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Night kasi omgs ano bang sinasabi niya? "Uy, ano 'yan pick up line mo ba 'yan? Sorry Night pero best friends lang talaga tayo."

"Ano bang sinasabi mo?" Bigla niyang tanong so syempre na-confused ako. "Nandito ako para kamustahin ka. Sinasabi sa'kin ni Kite 'yung nangyari sa inyo nung anak ni Goddess Aphrodite--o kung anak ba talaga turing niya run." Tapos napailing-iling siya at ibinalik ang tingin sa'kin. "Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako! Hindi ko pa naman mahal eh! Matatag ako 'wag kang magalala!" Sagot ko sa kanya. "Pero grabe! Hindi ko talaga ini-expect like omgs hinalikan niya ako dati para ko na ring nahalikan si Goddess Aphrodite like ewww! Tyaka nahiga pa ako sa kama niya dati eh malay ko ba kung dun sila gumagawa ng kababalaghan like oh my gods Night, kung pwede ko lang paliguan 'yung buong katawan ko ng muriatic acid gagawin ko! Augh! Yuck!" Mabilis kong sabi sa kanya habang kinikilabutan pa ako dahil sa mga naalala ko.

Natawa si Night pero inilapag niya 'yung kamay niya sa ulo ko. "Okay lang 'yan. Marami pang isda sa dagat." Payo niya sa'kin.

"Gaga! Hindi ako interesado sa isda! Ano ako, ikaw?!" Pasigaw kong sabi sa kanya. Pero natawa na lang siya tapos nagpaalam na kukuha muna ng maiinom sa may counter.

Napansin kong halos lahat ng tao sa paligid ko eh nagsasayaw at dahil bored ako't ayoko ngang maalala si Cy eh humalo na ako sa kanila't sumayaw. Masaya kasi wala akong ibang iniisip kundi 'yung susunod na step na gagawin ko o kung anong title nung kanta kasi sobrang ganda. Grabe, tunay nga 'yung sinabi ni Kite, makakalimutan ko 'yung mga problema ko. Nakipagsayaw ako sa kung kani-kanino tapos nahanap ko sina Cherish kaya pumirme ako run at sa kanila nakipagsayaw.

"Ang saya!" Sabi ko habang humahataw.

"Dani o!" Sabay abot sa'kin ni Hector ng isang cocktail. Agad ko 'yung nilagok atyaka continue ulit sa pagsayaw.

'Di ko alam pero super saya ko ngayong gabi. Nakipagsayaw at nakipagtawanan lang ako sa mga demigods na kasama ko. Buong demigod days ko kasama ko si Cy kaya sinisigurado kong gagawa ulit ako ng ibang memories kasama 'yung ibang demigods. Sana noon ko pa ginawa 'to para sana noon pa lang naging masaya na 'ko--kahit wala 'yung punyetang Cy na 'yon. Lamunin niya nanay niya wala akong pake basta masaya ako ngayon at siya hindi!

Demigoddess - Daughter of ZeusWhere stories live. Discover now