PELTODA Terminal One

2.5K 362 129
                                    

"Oist Menggay. Paki-explain sakin kung bakit ganyan ang arrangement ng pagmumukha mo."

"Wala ako sa mood, Kuya. Wag mo ng kargahan."

"Ay talaga ba? Hindi obvious! Mas kulot pa sa buhok ni Bruno Mars yang fez mo o! Hinding hindi obvious na wala ka sa mood. Meron ka? Pakainin mo na lang ng biko yang alaga mong gremlin sa puson."

"Next week pa ko mag— teka nga! Bakit ba aali-aligid ka sakin? Uutang ka no? Wow Kuya, ikaw ang may trabaho tapos sakin pa uutang? Yung pinasada ko kanina, binigay ko lahat kanila Nanay. Better luck next time."

"Hoooy excuse me lang po Binibining Busangot 2018. May pera ako no? Hindi ba pwedeng concerned lang ako sayo at kanina ka pa nag-e-emote diyan? Ano nga problema mo? Sabihin mo na. Baka sakaling makatulong ako."

"Kuya, pangit ba ko?"

"Oo."

"Hayup."

"Ang gago naman kasi ng tanong mo. Pero sige, mukhang kailangan mo ng seryosong sagot eh kaya, hindi. Hindi ka pangit. Walang pangit sa pamilya natin. Well... pwera na lang yung bunsong anak ni Tiyo Arman na mukhang pinaglihi sa rambutan."

"Luh grabe ka manlait. Pakagwapo mo eh no?"

"Correction. Gwapa."

"Baliw."

"O eh ano nga kasi? Bakit mo natanong kung pangit ka?"

"Wala lang."

"Utut mo. Ano nga? Di pwedeng walang reason kung bak— aba teka. Hmmm... may konek ba to dun kay Totoy Tisoy? SABI KO NA NGA BA EH! Tama ang hinala ko! Hindi defective ang matres mo! Tinatablan din pala ng harot!"

"Kuya! Ano ba!! Marinig ka ni Tatay susmadre naman! Tsaka ano bang konek konek yang sinasabi mo? Sinong Totoy Tisoy? Imbento ka rin no? Dinamay mo pa matres ko."

"Sinong Totoy Tisoy... wushuuuu! Hoy Menggay, papunta ka pa lang, nakapag-shopping at sightseeing na ko. Type mo si Tisoy no? Wag mo ng i-deny. Di bagay sayo ang maang-maangan look."

"Gago kasi yun eh."

"Baket? Anong ginawa sayo nung taong mayonaise?"

"Wala. Basta. Makaligo na nga. Gabi na. Antok na ko."

"Pota. Alas otso y media pa lang neng. Panay ang iwas sa usapan pero kating kati naman ng maglabas ng sama ng loob. Ano nga kasi yun? Promise, hindi kita iju-judge."

"Weh."

"Totoo nga! Promise! Pag jinudge kita, hindi ako maglalagay ng lip tint buong linggo."

"Di mo kaya ikamatay yun, Kuya?"

"Ikukwento mo ba o tatawagin ko ang Tatay para sa kanya ka magpaliwanag kung bakit mukha kang namatayan ng sampung kuko?"

"Eh kasi. Promise mo hindi mo ko ija-judge ha?"

"OO NGA ANG KULIT POTAH!"

"Kasi diba alam na niya number ko? Tas nagtext na siya sakin, mga ilang beses na rin. Tas minsan natawag pa para sabihing nakauwi na siya."

"Yung kilig mo, kalmahin mo muna. Tapusin mo muna kwento mo."

"Gagu. Eto na nga! Eh di yun na nga. Mga ilang araw na rin kaming magkatext. Nasanay na ko, parang ganun. Tas biglang wala na lang. Walang nihaniho, tumigil na lang siya."

"O tapos? Anong konek nun kung maganda o pangit ka? Nakita ka naman na niya so alam na niya kung anong chura mo. Ano ba huli niyong pinag-usapan?"

"Tinanong niya ko kung gusto ko daw manood ng sine minsan."

"Ansabe mo?"

"Sabi ko pag-iisipan ko."

"Awuw. Uso pa ba pakipot ngayon?"

"ABA SYEMPRE NAMAN! ANO SUNGGAB AGAD AGAD?"

"Highblood ka teh? Kailangang sumigaw?"

"Eh kasi."

"Tapos yun na? Wala na siyang text after mong magtinartext?"

"Anubang tinartext?"

"Nagtitinarte sa text."

"Gagu. Pero oo, wala na siyang text after."

"Kelan yung huling text sayo?"

"Kaninang tanghali."

"Taena ka. Hayup. Akala ko naman... leche ka talaga Menggay! Tubuan sana ng kulani yang ilong mo. Buset!"

"Eh kasi naman Kuya, anong oras na o! Wala pa siy—- AY NATAWAG NA SIYA!!"

"Pota ka. Haliparot."

*•*•*

Author's note: O ha?! Gulat kayo no? Dyaraaaan! Update! Pero wag mag-expect. Filler lang to. Bilang medyo maramirami na din nagtatag sakin pag nakikita nila ang #PaoMeng sa Pamilya Nunal.

Hindi ako magtitinarts kung di kayo matutuwa dito. Ang importante, mahalaga. Charot. Lawenta talaga mga hinga ko sa buhay. Sensya na. Babush.

PELTODATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon