Phase X

3K 426 113
                                    

"Hep hep hep! Ano yang suot mo Nicomenggay? Posturang postura ka ata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Hep hep hep! Ano yang suot mo Nicomenggay? Posturang postura ka ata. Aba at may pa-lipstick ka pang nalalaman. Vicente, wala ka namang pasabi na may pa-Miss PELTODA pala ang asosasyon niyo. Eh di sana nabilhan ng gown at gwantes tong dalaga mo."

"Nanay naman. Masama po bang mag-ayos?"

"Hindi naman. Kaso sasabak ka ng pasada. Hindi ka rarampa sa stage. Magbihis ka. Takaw pansin masyado yang damit mo."

"Ako na lang kaya pumasada ngayon? Kaya ko naman na."

"WAG TAY!"

"Maryosep Menggay, nag-iisip lang akong pumasada hindi pumatay ng tao. Kumalma ka nga. Tama ang Nanay mo, masyadong takaw pansin yang damit mo. Mahihirapan pa sina Pareng Jose sa pagbabantay sayo. Lakad, mag-gayak ka ng tamang suot kung talagang ikaw ang papasada ng tricycle ngayon. Ano ba kasing naisip mo at ganyan ang suot mo?"

"Panong di magpapacute yan eh may nakikalang pogi kahapon?"

"KUYA NAMAN! PAMBIHIRA!"

"Arte neto. Totoo naman."

"Paepal ka talaga kahit kelan."

"Oist itigil niyo na yan. Mamaya mauwi pa yan sa totoong away niyong magkapatid. Menggay, sino ba yung nakilala mo? Magkwento ka naman."

"Wala lang yun kasi Nay. Ito kasing si Kuya, mema lang. Nalimutan kasi magpabarya nung tao bago pumila eh wala akong panukli sa limang daan niya kaya ayun, nangakong idadaan yung bayad niya pag-uwi galing opisina. Yun lang."

"Nakalimutan mo banggitin na pogi yung pasahero mo. Mukhang porenjer. Matangkad. May dimples pa Nay."

"Yung totoo, Kuya? Ikaw may crush dun kay Tisoy no?"

"Aba eh kung puwede lang. Bagay naman kami. O, Tay, kalma lang, nagbibiro lang po ako. Beastmode na naman yang butas ng ilong niyo. Sabi ko naman senyo, hindi pa po ko sure kung straight ba ko o kulot. Chill ka lang diyan. Kayo unang makakaalam kung nakapag-desisyon na ko."

"Tugak. Wala akong pakielam kung trip mo maging baklang maton. Buhay mo yan. Ang akin lang eh, wag mong ispatan yung na-ispatan na ng kapatid mo. Wag ganun. Hanap kang iyo. Lakompake kung boy or girl."

"Maka-ispatan naman tong si Tatay. Naisipan ko lang mag-ayos kung ano ano ng scenario pumasok sa mga isip niyo. Eto na, magpapalit na ko ng damit. Kaloka kayo."

"Mag islong islibs ka! Baka masunog yang balat mo, ilaga pako ng buhay nitong Nanay mo!"

"Opo!"

"Vicente, napansin mo ba yung ngiti ng dalaga mo?"

"Mahal, kahit yung mga taga Tawi Tawi mapapansin yung ngiti niya. May kras na ang bunso ko. Oras na para ipahasa yung tagak."

"At aanhin mo naman ang tagak? Gusto mo bang tumandang dalaga yang anak mo? Umayos ka. Bayaan mo siya."

"Sabi ko nga. Hoy Paolo, kumilos ka na riyan at baka ma-late ka sa trabaho mo. Yung kuryente, due date na sa Biyernes."

"Binigay ko na po kay Nanay."

"Salamat, nak. Lakad ka na. Iwan mo yang listik ng kapatid mo. Kala mo hindi ko nakita no?"

"Akin to Tay."

"Maganda yang shade na yan. Anong title niyan?"

"Barely There Brown."

"Ayos. Lakad na. Ingat."

"Labyu Tay! Labyu Nay!"

"Di pa daw siya kulot. Buwang din yang panganay mo eh."

"Yaan mo na. Ika nga eh, in his own time."

"Osya. Kumain ka na nang mainom mo na yung nireseta sayo ng duktor para diyan sa tadyang mo."

"Yes dear."

PELTODATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon