-MAVIS-
Hayy first day nanaman ng school haharapin ko nanaman ang napakaraming requirements and assignments and everything, iniisip ko pa lang naririndi na ako! Grr pero at least its my second to the last year na and onti nalang mag momoving up na ako! Nakakalungkot man isipin na patapos na ang highschool years ko masaya naman i-look forward ang mga challenges in the future
"mav! Malalate ka na!" Katok ni mommy sa pinto
I chose the best shade of my tints and then i gathered my stuff na
I think im ready.
🚙🚙🚙
After like 15 mins nakarating na din ako sa school,medyo marami na din ang mga students na nandito pero halos wala pa ako nakikita na familiar face, nako.. nakakakaba naman pag ganito
Nakipagsiksikan ako para makarating sa bulletin board at hanapin ang mga section
Section B ako ng Grade 9 and some of my friends ay classmates ko, ang swerte ko nga na kaklase ko yung bestfriend ko
"MAV" ayan na pala siya speaking of
"Oh France magka section tayo ahh"
Siya si France Evanee Montemayor my bestfriend, kilala ko na siya since i was first year highschool and sobrang close na namin as in! Halos para na kami magkapatid
"Seryosoooo tara na para makaupo na tayo and lets catch up sa mga ginawa natin nung summer, kamusta ka namann?" Tanong niya sakin na punong puno ng energy, grabe talaga never ko nakita na matamlay itong babae na toh
"Well nag beach lang ganun alam mo naman dun province namin" sagot ko naman sakanya habang inaayos yung bag ko
Habang naglalakad kami papunta ng classroom i saw him.
Marcus Carlo Buenaventura.
Napatingin saakin si france na tila ba full of concern st hinimas himas niya yung likod ko
Look at him, wala man lang bahid ng lungkot, ang saya saya niya,umiyak kaya toh nung nag break kami? Sus asa ka naman mav baka nagparty pa yan.
"Mavis, kamusta?" Tanong niya sakin nung nakalagpas na kami sakanya
Humarap ako
Ngumiti lang na parang okay lang ako
"Ayos lang marcus" at naglakad ulit kami
Ayoko tanungin siya kung kamusta siya dahil nakakatakot din, pano pag sinabi niya okay lang siya?
"Okay ka lang mav?" Tinanong ako ni france nung finally makarating kami sa room at naka settle na kami
Oo nga mav, ask yourself are you okay? Are you fine? Yes im okay and to be honest im moving on na at halos puro galit nalang ang nararamdaman ko,yes im still sad pero onting kembot nalang wala na toh
"Yes im okay.. so! Ikaw naman kamusta summer mo?" Tanong ko kay france
"Ayun nag island hopping kami tas ang funny pa nga kasi nalaglag si Kuya Reese from the boat accidentally" sabay tawa ng napakalakas parang mawawasak na eardrums ko
Pero ako eto
Kinikilig na ewan
Okay kasi ganito yan,before everything na nagkaron kami ni marcus i have a crush na sa pinsan ni france..
Reese Joaquin Montemayor
Crush ko siya since 1st year hanggang ngayon, yes kahit naging kami ni marcus happy crush ko siya
Im sorry Okay? I cant help it
"Ay weh, speaking of reese san na siya mag aaral?" Tanong ko kay france
Natigilan siya at ngumiti ng malaki
"Hoy san nga wag moko ngitian ng ganyan ampanget mo nakakatakot"
"Dito"
Tumigil ang lahat at parang tumatalon yung mga internal organs ko sa tuwa
"Seryoso? Boka mo ako eh wala naman siya!"
Tinulak ko pa si france
"Gaga malamang grade 10! Tsaka out of town pa sila secret kung kelan babalik hehehe"
Omg?? My crush for 3 consecutive years ay makaka halubilo ko na din? Same school, same air omygoshhh
Ano kaya mangyayare pag nandito si reese?
VOCÊ ESTÁ LENDO
Promise to promise (ON HOLD)
Ficção Adolescente[based on true events] [tagalog] Kakayanin mo ba maghintay sa taong gusto mo? Masasagot nga ba ng tadhana ang lahat ng bakit? Mapapasayo ba siya? Mga katanungan na lagi umiikot sa isipan ni Mavis Addilyn Avelino..
