Chapter 18: Good In Many Things

Start from the beginning
                                    

Iniangat ako ni Callie hanggang sa maitayo nya ako. Nang maayos akong nakatayo ay doon ko napansin ang sobrang pagkakalapit ng mukha naming dalawa. Kaunting tulak na lamang at mahahalikan ko na sya. Halos dumikit na ang matangos nitong ilong sa akin. Sinubukan kong ilayo ang sarili ko mula sa pagkakahawak ko sa braso nya pero hindi ito natinag.

"C..callie?"

Sunod sunod ang naramdaman ko pagkabog ng dibdib ko ng magtagpuan ko ang mga titig nito. Sinubukan ko syang tawagin pero hindi ito nagsalita. Nanatili itong nakatitig sa akin habang mahigpit ang pagkakahapit sa aking bewang.

"C..callie?"

"Not a word, baby."

Halos maramdaman ko ang hininga nito sa labi ko. Parang may magnet ang lahat ng parte ng mukha nya. Mahirap iwasan, pilit kang hahatakin para tumingin.   Napalunok ako ng biglang bumaba ang tingin nito sa labi ko. Patuloy sa pagtaas baba ang dibdib ko. Hindi normal ang paghinga ko sa mga sandaling iyon. Maging si Callie, ramdam ko ang hirap ng paghinga nya. Napakagat ako ng labi. Hindi maari to, kailangan kong makaalis.

"Not a word and not a move."

Mahinang bulong nito.

"Ah fuck."

Nanlaki ang mata ko ng bigla nitong idiin ang labi nito sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa braso nito. Nakita ko ang nakadilat nitong mga mata habang marahang gumagalaw ang labi nito sa akin. Nanatiling nakatikom ang labi ko. Masyadong mabilis. Hindi ako handa. Pero bakit ganito? Dapat itinutulak ko sya tapos sampalin pero anong nangyayari? Ayaw akong sundin ng sarili kong katawan.

"Close your eyes, babe."

Nagsalita ito sa pagitan ng paghalik nya. Huli na para malaman kong wala na akong makita at ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay ang malambot na labi nito sa labi ko.

"Open up, baby. Let me in."

Para akong baliw na sunod sunuran sa gusto nya. Nagawa kong ibuka ang labi ko pero halos mapasinghap ako ng maramdaman kong ang mabilis pagpasok ng dila nito sa loob. Kung hindi lang ito mahigpit na nakahawak sa bewang ko ay natumba na siguro ako. Halos di ko na maramdaman ang mga binti ko. Nakakapanghina ng katawan ang ginagawa nya.

Ilang sandali pa ay halos maubusan ako ng hininga sa nakakapanghina nitong paghalik sa akin. Maging ang labi ko ay kusa ng sumunod sa ninanais ng kanya. Malalim ang halik at punong puno ng emosyon. Ito ang unang beses kong makaramdam ng ganitong klase ng paghalik. Nakakalasing at nakakabaliw. Gusto mong bumitaw pero hindi mo alam kung paano. Gusto mong umiwas pero hindi mo gustong matapos.

"God, babe. You're so sweet."

Patuloy ang paghalik nito sa akin. Naramdaman ko ang paghawak nito sa mga kamay ko at inilagay iyon sa balikat nya. Napakapit ako dito. Ilang sandali pa ay iniwan nito ang labi ko pero pilit iyon hinahabol ng akin. Nababaliw na ako. Hinalikan nya ang pisngi ko, ang ilong pagkatapos ay ang noo.

"It's okay for now. I can't go further anymore. Next time, baby. Next time."

Mahina nitong bulong. Doon ako napamulat ng marinig ko ang sinabi nya. Hinabol ko nga pala ang labi nya. Diyos ko.

Hingal na hingal kami pareho. Kasalukuyang nakadikit ang noo nito sa akin. Alam kong nakababa ang tingin nito sa akin at hinihintay lang ang susunod kong gagawin pero nanatili akong nakayuko habang patuloy na kinakalma ang sarili ko.

Naghalikan kami ni Callie! Naghalikan kami! Patuloy ang pagsigaw noon ng utak ko. Hindi ako makapaniwala pero nagawa kong humalik sa kanya.

Hinawakan nito ang baba ko at pilit na inangat ang tingin sa kanya. Tinitigan nya ako sa mata. Wala akong magawa kundi ang tumingin pabalik sa kanya. Ayan na naman.

"It's okay, baby. It's okay. Everything's okay. That's fine. Don't worry. I won't go any further. It's okay."

Sunod sunod na bulong nito habang patuloy ang pagbigay ng nanunuyong halik sa ulo ko. Any further? May ilalayo pa ba iyon? Halos lahat ng kasuluksulukan ng bunganga ko ay narating na ng dila nya. Grabe, gusto kong saktan ang sarili ko. Ano ba tong naiisip ko?!

Hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat ko ba syang sisihin? Sampalin? Sigawan? Pero humalik ako pabalik. Nagawa ko yun gayung hindi dapat kaya nagkasala rin ako. Bakit ganito? Gusto ko ng lumayo dahil kapag masyadong malapit ang mukha lalo na ang labi nito sa akin at nababaliw ako. Yung halik nya ang dapat iwasan ko simula ngayon pero ano tong nararamdaman ko?

Baliw ka na, Venia. Bakit gusto mo pa?

Naalala kong tinanong ko sya kanina sa ibang bagay na kung saan magaling sya. Hindi ko alam na ganito pala sya sumagot.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now