Prologue

10 0 0
                                    

Makulimlim ang kalangitan. Parang nakiki dalamhati ang ulap sa kalungkutang nangyayari.

Ano mang oras ay babagsak na ang ulan ngunit wala nang paki-alam pa ang lalaking sugatan. Sugatan hindi sa panlabas kundi sa loob.

Hanggang ngayon ay narito parin si Blue, sinadya niyang magpa-iwan mag-isa. Naka tindig habang tinititigan ang nasa harapan at lumos ang mukha ng luha mula sa mga mata.

"A Loving daugther of Mr. and Mrs. Villarda, Vaneese A. Villarda. Rest in peace."

Paulit-ulit na binabasa ni Blue ang nakasulat sa lapidang marmol. Bawat letra, tuldok, at kuwit ay kanyang tinutukan.

Binaliktad na niya ang nakasulat, hinimay at pinag tagpi tagpi ang mga pangungusap ngunit iisa lamang ang hantungan nito...

Wala na ang kanyang idolo. Wala na ang bestfriend niya. Wala na ang taong hindi niya alam ay may hawak na ng kanyang puso.

Wala na ang babaeng mahal ni Blue. Wala na si Vaneese.

Sakit.

Pagsisisi.

Ito ang nangibabaw na emosyon sa kanyang puso. Parang nilukot ang nasa gitnang bahagi ng kanyang dibdib. Parang sinaksak ng ilang milyong beses, hinataw ng bakal, pinatid, niyurakan, at hinati sa dalawa.

Ngayon lamang niya naunawaan ang lahat. Ngayon niya lamang napasok sa sistema at naproseso ang nangyari. Bumuhos ang mga ala-alang naisantabi niya, ala-alang kasama si Vaneese.

"Vaneese!" sigaw ni Blue. "Vaneese, I'm sorry! I'm sorry! please! please... Mahal kita, mahal na mahal."

Unti unting bumuhos ang ulan kasabay ng kanyang pagtatangis. Sa gitna ng katahimikan ng "Memorial Cemetery" ay dinig na dinig ang hiyaw ng hinagpis at paninibugho ni Blue.

Ngunit huli na. Huli na ang lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wishing YouWhere stories live. Discover now