A Letter from RFJ to NDM

378 14 1
                                    

Naalala ko pa noong una tayong nagkita. Hindi ko inaasahan. Sa araw na akala ko’y isang ordinaryo, na yun pala’y isang pinakamahalagang bahagi ng buhay nating dalawa. Hindi ko makakalimutan yung ngiti na nagpakilig sa akin. Yung pabebe wave na milyon hanggang bilyon na tao ang napasaya.

Ano nga ba ang meron ka at bakit ganito ako pagdating sayo. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Lumipas ang mga araw, unti-unti na akong nahuhulog. Pinilit kong alisin ngunit para kang isang permanenteng tattoo sa katawan ko na ayaw mabura.

Hanggang umabot sa punto na niligawan na kita dahil hindi ko na kayang ilihim pa ang saloobin ng aking puso. Ginawa ko ang lahat upang maiparamdam ko sayo na totoo lahat nang sinabi at ipinakita ko. Sinagot mo ako at syempre naging tayo. Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka. Hindi ka magsisisi, sapagkat mamahalin kita at ikaw lang yung gusto ko makasama habang buhay.

Galak na galak ang puso ko kasi ang saya nating dalawa. Gumigising at natutulog ako na may ngiti sa labi, na ulit kong naramdaman ng dahil sayo. Sana nga ay huwag nang matapos pa.

Sa kabilang banda, hindi naging madali ang relasyon na meron tayo. Kasama na rin yung tampuhan at away, na sa huli naaayos naman at mas tumitibay. Maraming hadlang, maraming may ayaw at alam nating dalawa ano man ang mangyari may mga tao parin na mangingielam. Kaya nga kahit gusto ko na ipagsigawan sa buong mundo na akin ka, naging pribado ang TAYO.

Maraming problema na ang dumating sa buhay natin pero gusto ko lang malaman mo, kahit gaano man kahirap o mas marami pang pagsubok ang darating, andito lang ako mahal. Dito lang ako sa tabi mo. Kinikilig, tumatawa o umiiyak ka man. Ako ang sandalan mo sa tuwing kailangan mo nang makakausap at matatakbuhan.

Ngayon, ang tanging alam ko lamang ay respetuhin, intindihin at higit sa lahat mahalin ka na walang kapantay. Hihintayin kita hanggang maging handa ka na. Salamat din sa Panginoon dahil pinatagpo tayo. Lagi mong tatandaan, hindi ako susuko 😊

Ikaw at ako. Walang iwanan.

~ R.F.J


#350
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
How was it guys? Sorry, medyo sabaw.

Vote.Comment.Share.

Team 2018 🙏💒

What IfsWhere stories live. Discover now