Chapter 16: Callie, The Pilot

Start from the beginning
                                    

"Callie?"

"Oo, iinom ako ng gamot."

"Hindi, may itatanong ako."

Huminto sya sa pagkain at tumingin naman sa akin.

"Hhmm? What?"

Huminga ako ng malalim bago muling  bumaling sa kanya.

"Ano bang trabaho mo? I mean sa labas? Anong ginagawa mo for a living?"

Ngumiti naman ito.

"Well, I work as a Pilot."

"Piloto ka?"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Hindi ko inexpect na Piloto sya.

"Bakit? hindi ba halata?"

"Huh? No, you look younger. Mukha kang istudyanteng nag-oOJT."

Natigilan ako, hindi ko napigilan ang sarili ko na biruin sya.

"So..sorry, I didn't mean to.. I'm-"

"No, it's okay. Actually thanks, ganyan pala ako kabata sa paningin mo."

Akala ko maooffend ko sya sa feeling close act ko pero mukhang natuwa naman ito at hindi apektado. Kitang kita ko iyon sa paraan ng pagngiti nya na para bang tuwang tuwa pa sya.

"Sa tingin ko kasi, you're in your early twenties pa naman."

"I'm actually 37."

Nabilaukan ako sa narinig ko.

"Shit! Sorry!"

Panay ang ubo ko habang sya naman ay nakalapit ng mabilis sa tabi ko para himasin ang likuran ko. Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko kakaubo.

"Relax. Huminga ka."

Relax? Ginawa ko lahat ng makakaya ko na iwasan syang tingnan kahit na malapit lamang sya. 37? Para ko na syang Uncle or worse Tatay.  I'm twenty and he's 37, that 17 years gap. Ganoon na ba ang mga tao ngayon, sa sobrang galing ng mga anti-aging supplement ay nagagawa nilang pabatain ang may ganitong edad.

Napansin naman yata nya ang pananahimik ko at pagkailang. Sa gulat ko ay mabilis nitong hinawakan ang pisngi ko at pilit na hinuli ang paningin ko. Oh Lord, harass na harass na ako.

"Hey, I was just kidding. I'm 24 okay? Not 37, 24. 4 years lang ang gap natin. Don't worry."

Nakangiti nitong sabi pero halata namang nagpipigil ito ng tawa. Sinamaan ko sya ng tingin. Nakakasama ng loob, hindi dahil jinoke ko sya ng ganun ay ganoon kagrabe ang bawi nya.

"Muntik na akong mandiri. Imagine, isang 37 years old ang nakakasama ko sa kwarto na to. At higit sa lahat Stalker ko sya at sya na nagdala sa akin sa lugar na to."

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now