Chapter 3 - I'm the boss

70 4 1
                                    


Kara's POV:

"Your father? Bakit?" Napahilamos muna siya ng mukha bago sumagot

"I don't know. Bigla na lang niya yong sinabi sakin" huh? Ganon ganon lang?

"Really? Ganon lang tapos naniwala ka na?" may pagkasarcastic ko na tanong. Kilala ko siya hindi siya agad maniniwala sa sabi sabi. Tinanguan lang niya ako

"Wow. Sa pagkakakilala ko kay Tyler Fernandez hindi agad siya naniniwala sa mga sa—"

"Im not Tyler Fernandez anymore! Okay?!" napatahimik naman ako don. first time niya ata akong pagtaasan ng boses, kahit nung kami pa hindi niya ako magawang taasan ng boses kasi under ko siya. ngayon ko lang talaga napagtanto na he is not the tyler that i used to know.

"Sorry" he said. Nginitian ko lang siya.

"Nako. Wala yon, kasalanan ko din naman eh tanong kasi ako ng tanong" kasalanan ko naman talaga eh. Pero anyways nasa past na yon. Kailangan mong mag cheer up kara! Masasanay ka din jan kay tyler.

*Kring kring!*

Tiningnan ko yung cellphone ko kung akin yung tumunog pero hindi eh. Baka kay tyler. And ayon nga sa kanya nga sinagot na naman niya yon

"Yes?"

"Sir im in the middle—" tumingin muna siya sakin bago sumagot

"Okay sir. Pupunta na ako." Ha? Bakit naman?

At inend niya na yung call. Sino kaya yon?

"Ahm kara. Pwede bang mamaya ka na lang bumalik. May importante lang akong pupuntahan" paalam niya sakin

"Ah walang problema. Paalis na din ako eh kailangan ko ng magreport sa CSA" actually that was a lie. Bukas pa dapat ako magrereport nakakahiya naman kung mag stastay ako dito baka pag may nawala pa dito ako pa ang sisisihin.

"Gusto mong sumabay na sakin?"

"Ah hindi na mag tataxi na lang ako"

"You sure?"

"Yeah."

Hindi na naman din siya naka angal don. nauna na akong bumaba magliligpit pa daw kasi siya ng gamit. Mag iisip din ako ng plano kung pano ko siya macoconvert. Hindi gumana ang mga dati kong plano eh. Kailangan ko lang ng tulong.

---

Tyler's POV: So alam kong nagtatanong kayo kung sino yung tumawag sakin at kung bakit napa oo agad ako na pupunta ako. malalaman niyo din. At ayan na! nandito na ako. Goodluck to me

"Sir. Good Afternoon. Bakit niyo po ako pinatawag?" tanong ko don sa matandang nakaupo sa upuan nasa late 40's na siya baka mga 45 ganan. na ngayon ay busy sa pag tatype sa computer. Tumigil lang siya nung narinig niya akong magsalita.

"Oh. Your here. please take a sit" sabi niya sakin. sinunod ko naman siya at umupo ako sa tabi ng table niya. tumingin muna siya sakin at medyo nagulat sa hair look ko at suot ko

"Anong nangyari sa buhok at suot mo. bumabalik ka na ba?" may halong pangaasar yung tanong niya sakin.

"No. Gawa to ni—"

"Gawa nung converter mo?" hindi na naman din ako nakaimik don. he knows everything

"Pang ilan na nga ba yon? Pang lima? And sa tingin ko yung converter mo ay ex mo pa?"

"Dad—" napalingon naman siya sakin.

"Sir. Pasensya na kung pumayag ako. pero hindi parin naman magbabago yung nararamdaman ko. bakla pa rin ako" sabi ko sakanya. tama kayo ng naiisip. Tatay ko yung kausap ko ngayon nasa office niya ako kaya kailangan ko siyang tawaging sir.

The Converter and I (Vicerylle fanfic ft. reyondree)Where stories live. Discover now