CHAPTER FOUR

1.9K 54 6
                                    

" HOW CAN WE BE LOVERS IF WE CAN'T BE FRIEND "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER FOUR

"Ikaw na ang kasunod  attorney Harden," wika ng nasa kabilang linya.

Kaya naman napakuyom ang palad ng dalaga.

"Who are you?" Kuyom ang palad  na balik tanong nito.

Pero  wala  itong nakuhang  sagot kundi  nakakalokong  tawa ng nasa kabilang linya.

"Ang sabi ko sinu ka? Bakit  mo ako pinagbabantaan?" Kuyom pa rin  ang  palad na tanong ng dalaga.

"Ang mga kagaya  mong pakialamera sa buhay ang dapat mawala sa mundo. Ikaw  na ang kasunod attorney Harden." Malamig  pa sa yelo  na sagot ng nasa  kabilang linya saka tuluyang nawala.

Tuloy ay naibato  ng dalaga ang hawak  na cellphone na lumikha  ng ingay.

"Hayop  ka  kong  sinu ka  mang  hinayupak  kang nagbabanta  sa  buhay ko, I'll  make sure na hinding-hindi ka  magtatagumpay. Hindi  ako ang uri  ng tao na basta na lamang natatakot." Ngitngit na  sambit ni Princess Ann.

Pupulutin na sana niya  ang ibinato  niyang cellphone ng may herodes  na kumatok sa pintuan ng opisina  niya.

"Who's  that?" Tanong  niya na hindi man lang  nag-abalang tingnan  kung sino ang nasa labas o kung sinu ang kumakatok.

"Ma'am  Princess ako po ito. Okey lang po ba kayo diyan," bagkos ay  sagot at tanong  ng nasa  labas na walang iba kundi ang sekretarya ng dalaga.

"Thank you for asking Mary I'm fine." Tugon ni Princess, hangga't  maaari ay ayaw niyang ipaalam sa iba ang mga bagay-bagay na wala pang kasiguraduhan.

"Okey po ma'am." Sagot  nito.

Dinig pa ng dalaga ang yabag nito palayo kaya hinintay muna niyang nawala ito ng tuluyan.

"Huwag ako  ang takutin  mong  hayop ka dahil hindi kita uurungan. Ikaw ang humanda sa akin dahil kahit saan ka pa magtago  hahanapin at hahanapin kitang hayop ka." Ngitngit na sambit ng dalaga saka pinulot ang cellphone.

Hindi na rin siya makapagkonsentrate sa pagtratrabaho dahil  sa herodes  na caller niya na mas  ikinabuwesit niya.

"Sinu kaya ang hayop na ito? Kung kailan handa  na ang next hearing---" bulong  ng dalaga habang nakatingin sa cellphone pero muling naputol  ang pagmumuni-muni dahil muling tumunog  ang hawak niyang cellphone. Kamuntikan pa niya itong mabitawan dahil sa gulat, pero agad ding napaupo  ng  tuwid ng napagtanto kung sinu  ang  caller.

"Hello  ninong napatawag ka? Ano? Paano nangyari iyun? Anak  ng...okey  po  ninong darating ako." Sunod-sunod  na sabi ni Princess.

Tuloy ay hindi niya alam kung ano ang una  niyang  gagawin. In a day, dalawang pangyayari ang dumating sa buhay niya.

Una, may  nagbanta sa buhay niya, pangalawa agaw-buhay na ang kliyente na pinsan niya. Pero labis siyang nagtataka  kung paano nangyari  iyun samantalang nakabukod  ito sa kulungan.

"Wait, hindi kaya inside job ang nangyari? Nakakapagtaka  lang kasi kung paano nangyari iyun...hindi  kaya may kinalaman ito sa nagbanta...anak ng put*." Kuyom ang kamao  na bulong  ng dalaga.

Hindi na siya nagsayang ng oras, agad niyang iniligpit  ang mga gamit niya na nasa ibabaw ng lamesa at isinara  ang drawers na naglalaman  ng files.

She need to know the truth!

Ilang sandali pa lamang ay maingat, at tahimik siyang  nagtungo sa hospital kung  saan naka-confined ang pinsan niyang si Marco.

HOW CAN BE A LOVER IF  WE CAN'T BE FRIEND WRITTEN BY : SHERYL FEE(COMPLETED)Where stories live. Discover now