Napatingin naman ako sa kanya ng nagtataka dahil sa sinabi niya

Ano bang ibig  sabihin niya doon sa sinabi niyang 'natin'

Sa bahay na ba namin ni kuya siya titira?

Pero baka hindi siya payagan ni kuya dahil hindi pa naman kami kasal

Conservative pa naman yon

Mas lalo naman akong nagtaka nung tumawa siya

"Mukha kang naguguluhan, didn't i mention na titira na tayo sa bahay na para sa atin talagang dalawa?" Mas kumunot naman ang noo ko as in nareach na ang highest level ng pagkunot ng noo ko at tumawa na naman siya "Don't worry, for sure magugustuhan mo don"

Wala naman na akong nagawa ng hilahin niya ako papunta sa kotse niya sa labas ng airport

Tahimik lang ako habang siya ay nagdadrive

"My princess bakit wala kang imik? Anong problema?"

"Wala"

Of course that's a lie

Gustong gusto ko talagang umuwi sa bahay namin ni kuya dahil miss na miss ko na siya

"My princess pwede mo naman sabihin sa akin kung anong ayaw at gusto mo, dapat wala na tayong secret sa isa't isa dahil malapit na tayong ikasal"

Napabuntong hininga naman ako, mukang hindi siya titigil hangga't hindi ko sinasabi sa kanya ang nasa loob ko

"Miss na miss ko na kasi si kuya"

"Tsk. Ako lang dapat ang namimiss mo"

Bakit na naman siya nabadtrip? May sinabi ba akong mali? Namimiss ko lang naman si kuya ah tsaka kuya ko yun, wait... Nagseselos ba siya?

"Are you jealous houl?"

Mas lalo naman siyang nagseryoso dahil sa tanong ko

Ano na naman ang nasabi kong mali?

Hindi naman siya sumagot kaya inamo ko siya

"Houl you don't need to be jealous kasi ikaw naman ang pakakasalan ko and kuya ko yun houl, magkapatid kami"

Hindi pa rin siya umimik

Ano ba kasi talaga ang problema niya?

Lagi ko na lang ba siyang aamuhin para maging maayos ang samahan namin

Para magtiwala siya sa akin at makatakas na ako sa kamay niya

Pero paano kung hindi ko na siya matiis? Paano kung hindi ko na mapigilan ang sarili kong magalit sa kanya?

Lilliane you should calm yourself

Maybe may nasabi kang mali kaya siya nagkakaganyan

Just understand him

"Houl pansinin mo naman ako, kailangan may tiwala ka sa akin para maging maayos tayo"

Sabi kasi nila ay kailangan rawng may trust sa isa't isa ang mga magkarelasyon para maging maayos sila

Haist, hindi pa rin siya naimik

Pano ba magpaamo ng lalaking gaya neto?

"Houl ano bang problema para maayos na natin to"

"Tsk. Hindi mo ako sinunod" finally, umimik rin siya but ano yung tinutukoy niyang hindi ko sinunod?

"Huh?"

"I said don't call me houl"

Ayyt, about pala doon sa endearment

Napangiti naman ako

Mababaw lang pala siya

"Ang bilis mo namang magtampo, bakit ba kasi my prince ang gusto mong tawag ko sayo?"

"'cause I'm your prince and your my princess, i'm your prince charming"

"Eh ang pangit kaya"

"Why?" may halong inis pa sa tanong niya na parang gustong gusto talagang my prince ang itawag ko sa kanya

"Ang baduy kasi eh"

"Tss" tumahimik ulit siya habang nagdadrive

Nakaka-awkward kasing tawagin siyang my prince eh

Hanggang sa makarating kami sa sinasabi niyang bahay naming dalawa ay hindi pa rin kami nag-kikibuan,

Maganda naman yung bahay, kulay pink at blue siya tapos may dalawang kwarto, yung isang kwarto may malaking kama at kompleto ng gamit samantalang yung isa naman ay bakante

Doon niya ba ako balak patuluyin sa bakanteng kwarto? Grabe naman siya, pwede namang sa couch na lang ako sa salas eh

Pumunta na lamang ako sa kusina para magluto samantalang siya ay derederetso doon sa kwartong kumpleto ng gamit

Haist!

Kumpleto ng gamit pangluto ang kusina at kumpleto rin ng mga sangkap sa pagluluto

Pero ano kayang gustong kainin ni houl ngayon?

Baka kasi magluto ako tapos hidi naman pala yon ang gusto niyang kainin

Kaya para tanungin siya ay pumasok ako sa kwartong pinasukan niya at nakita ko siya doong nakahiga, umupo ako sa gilig niya

"Houl" tawag ko sa kanya pero hindi siya umimik

"Houl tulog ka ba?" tanong ko naman pero hindi pa rin siya umimik kaya naisip ko na tulog na siya kaya yinugyog ko siya pero waepek eh

Then my naisip ako kaya napangiti ako

"My prince gising na, ano ba ang gusto mong kainin?"

Hindi naman pala nakaka-awkward sabihin eh

Gaya ng inaasahan ko ay humarap siya sa akin ng nakapikit pa rin pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagyakap niya sa akin kaya napahiga ako sa tabi niya

"Magluluto pa ako" pilit akong kumakawala sa pagkakayakap niya pero mas lamang siya ng lakas

"Napagod ako sa byahe my princess, samahan mo muna akong matulog ngayon at mamaya na kita kakainin" muka ngang pagod ang boses niya pero ano yung panghuli niyang sinabi?

Nag-aadik na naman ba siya?

Her Obsessed Prince (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon